The Missing Files: The Lost Ones (Part 4)

36 4 15
                                    

Warning: This chapter contains sensitive content. This might affect you psychologically. Please be warned.

...

The Missing Files
The Lost Ones (Part 4)
"Please Let Me Die."

Aria Hernandez

"RUN, HANI. Please run. . ."

    Iyon na lamang ang tanging nasambit ni Mayi nang tuluyang hilahin ng salarin si Hani palabas ng nakataob na kotse. Kasabay ng mga palahaw ni Hani ay ang mga luhang patuloy na umaagos mula sa kanyang mga mata. Sobrang sakit ng kanyang pangangatawan ngunit mas matindi ang pagkirot ng kanyang dibdib para sa kahihinatnan ng kanyang mga kaibigan.

    "I'm sorry, Hani. . ." saad niya pa.

    Ipinikit niya ang kanyang mga mata at kusang bumalik sa kaniyang alaala ang eksena sa labas ng apartment ni Percy kani-kanina lamang.

    "Mayi, do what I've told you. Just follow the plan."

    "Are you really sure about this? Hindi ba ako madadamay sa gagawin ko? Percy, baka masaktan ako."

    "I will tell Jay and make sure na hindi ka niya gagalawin. Or if he do that, for sure namang hindi ka pupuruhan nun. Let's just scare Hani, let's scare the hell out of her. After that, si Jay na ang bahala. Let's put our trust on him."

    Napatango na lamang si Mayi. Maya-maya, hinalikan siya ni Percy.

    "Sa lumang Dimsdale Drive kayo dumaan, Jay will be there. Kapag natapos ko na si Punch, ako na ang bahala kay Jace. Ako ang magtatakas sa kanya mula sa institute. Clear?" dagdag pa ni Percy.

    Muli, napatango na lamang si Mayi at napayakap nang mahigpit kay Percy.

    "Matatapos din ang lahat ng 'to."

    Marahas na napapikit si Mayi kasabay ng paglaho ng mga naglalarong alaala sa kaniyang isipan. Mula sa basag-basag na salamin, nakita niya si Hani na nakahandusay sa basang kalsada. Bakas dito ang labis na panghihina at kitang-kita niya ang takot sa mukha nito. Nakita niya rin ang salarin na papalapit na sa kinaroroonan niya.

    "Mayi, I'm sorry I need to do this. Don't worry, this is just an act," saad ni Jay nang makarating ito kay Mayi.

    "Jay, where's Aria? Is she okay?" tanong ni Mayi nang maalalang si Hani lamang ang kanyang nakita kanina.

    Bago sumagot, tumingin muna sa kaniya si Jay. "No one's going to be okay right now, Mayi. I know you knew that already. But don't worry, you'll see her later."

    Hindi na lamang sumagot si Mayi. Narinig niya ang pagsigaw ni Hani mula sa malayo.

    "H-Hindi! Mayi! Please don't hurt her! Please leave her alone!"

    Binitawan ni Mayi ang mahigpit na pagkakakapit niya sa seatbelt na kanina pa pinuputol ni Hani. Binaklas naman ni Jay ang bahagi ng kotse kung saan maaari siyang makalabas. Upang tuluyang makawala, tinulungan siya nito na makawala mula dito at dahan-dahan siyang binuhat nito mula sa pagkakabaligtad niya. Nang sandaling makaalis sila sa kotse, naramdaman ni Mayi ang pagbagsak ng malakas na ulan sa kanyang mukha. Nakatitig lamang siya sa walang emosyong mukha ni Jay habang mahigpit na nakakapit sa mga bisig nito.

    Hindi maiwasang mamangha ni Mayi dahil sa itsura ng binata. Kamukhang-kamukha nito ni Jace at kung hindi mo papansinin ang ilang detalye ay mapagkakamalan mo talagang si Jace ito. Ngunit kahit ganun, hindi niya maiwasang hindi mainis sa binata sa hindi malamang dahilan.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon