Warning: Sensitive content. Gory scene/s may or may not trigger psychological and emotional distress. Be warned.
...
The Missing Files
The Lost Ones (Part 2)
"Joy Catulay Is Gone."Amethyst Mangambit
"GROWING UP, you always seek for the truth. You always follow your most intense obsession in knowing the truth. But what's wrong with you is that you bend what you know, you water it down, you edit everything. Amy, alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Three years ago, you should've talk. Three years ago,you should've tell the truth. But you didn't!"
Agad na sinampal ni Jay ang kawawang si Amy dahil sa sobrang inis. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya ay agad na namula ang pisngi ng dalaga at lumabas ang maraming dugo sa sugat na nakaguhit dito. Umaapaw ang galit sa kanyang puso. Nararamdaman niya ang pagdaloy ng poot sa kaniyang mga ugat.
Hindi napansin ni Jay na tumalsik ang bilog na telang nasa loob ng bibig ni Amy kaya't kahit umiiyak man, agad itong nagsisigaw. "Ano bang ginawa ko sa'yo? Pakawalan mo ako dito and I promise to God that I'll crash your face! Fuck you!"
Sigaw nang sigaw ang dalaga dahilan para magpantig ang pandinig ni Jay at maalala ang nakakabinging palahaw ng walanghiyang babae na kumuha sa kaniya sampung taon na ang nakakaraan. Jay paused, trying to calm himself from remembering the traumatic hysteria dwelling at the back of his head. Pinilit niyang ituon ang atensyon sa kawawang si Amy.
Ano kamong ginawa mo sa'kin? usal ni Jay sa kanyang isip kasabay ng pagkurba ng pilit na ngiti sa kaniyang mukha. Nagsinungaling kayo sa buong lungsod tungkol sa pagkawala ko. Sa lahat ng tao, Amy, ikaw ang inaasahan kong magsabi ng totoo pero anong ginawa mo? Kilala kita. You're talkative but you didn't talk. You didn't say the truth!
Dali-dali siyang lumapit kay Amy at hinila ang buhok nito patalikod. Nanggagalaiti siya sa sobrang galit at hindi niya alam kung paano niya pakakalmahin ang kaniyang sarili. Lumapit ito sa mukha nito at bumulong, "You don't have a God."
Naramdaman ni Jay ang pagtingin nito sa kanyang mukha ngunit hindi niya ito alintana. Nanlaki ang mga mata ni Amy, bakas sa mukha nito ang pagkagulat ngunit wala siyang pakialam. Bagkus ay mas lalo siyang napangisi.
"I-Ikaw. . ." nauutal na sambit nito.
"Ako nga," usal niya. "Ngayong kilala mo na ako, gagawin ko ang lahat para hindi ka mag-ingay. Gawain mo naman 'yun, hindi ba?"
Ngumisi si Jay at agad na kinuha ang matalim na gunting. Agad na nagsisigaw ang dalaga dahil sa takot. Pilit itong nagpupumiglas sa kinauupuan nito, pilit na sinusubukang kumawala sa pagkakagapos. Iyak lamang ito nang iyak habang humihingi ng tulong na siyang mas lalong ikinatuwa ni Jay.
Tangina, mapaos ka sa kakasigaw! This is the last time you'll hear that irritating voice of yours.
Muling hinila patalikod ni Jay ang buhok ni Amy at bumulong, "Never be afraid to raise your voice for honesty and truth against injustice and lying, Amethyst. You shouldn't have live in silence even if one word of truth sounds like a gun shot."
Sa isang iglap, pwersahang binuka ni Jay ang bibig ni Amy. Nagpumiglas pa ito ngunit likas na mas malakas siya sa dalaga kaya wala itong nagawa, lalo na nang mahawakan niya ang dila nito. Hinila niya ito palabas ng bibig nito.
Panay ang impit ni Amy at nanlalaki ang mga matang puno ng takot.
Isang halakhak ang kumawala kay Jay habang nakatitig sa takot na mukha nito. Habang mahigpit na nakahawak sa dila nitong nanginginig, walang anu-ano'y ginupit niya ito nang walang pag-aalinlangan. Umagos ang maraming dugo mula sa bibig nito kasabay ng malakas na palahaw ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...