Chapter 8: The Tension

93 13 24
                                    

Chapter 8
The Tension

NAKAKATUWANG MALAMAN na dito pa rin nag-aaral ang mga kaibigan ko. Bilib din naman ako sa kanila dahil natitiis nila ang lungsod na 'to. Pero hindi ko naman sila masisisi. For sure, isa rin sila sa mga taong kinaiinisan ko dito sa Dimsdale. But don't get me wrong, mahal ko sila kahit anong mangyari — kahit taliwas pa kami ng mga paniniwala at ng mga pinanghahawakang prinsipyo sa buhay. That's normal and that's how friendship works.

Isang araw ang nakalipas simula nang gabing makita namin ang bandalismong gumimbal sa bawat isa sa'min. Well, hindi naman ako nagulat dahil simula pa lang naman alam kong may mali na talaga sa lugar na 'to. Nang gabing 'yun, agad na umuwi ang iba dahil sa takot kaya't iilan lang sa'min ang natira upang burahin ang nakasulat. Nakakagulat lamang dahil dugo ng baboy ang ginamit upang isulat 'yon sa pader. Mabuti na lang at hindi pa ito tuluyang natutuyo kaya't mabilis naming nabura bago makita ng ibang mga tao. Nakakapagtaka lang dahil parang sariwa pa ang dugo sa pader?

Kung sinuman ang may kagagawan nu'n, paniguradong malakas ang trip nitong manakot. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tutulong akong mabura ang bagay na 'yun dahil aaminin ko, gustong-gusto kong maalarma ang lahat ng taong nandito sa lungsod. Pero hindi kakayanin ng konsensya ko kapag nagkagulo dahil sa panic. So we did what we could do.

"Baka malunod ka."

Nabalik sa reyalidad ang isipan ko nang maupo si Hani sa bakanteng space sa tabi ko. Nandito kasi ako sa lobby ng main building ng campus at hinihintay ko ang message ng tutor ko. Kanina pa nga ako naghihintay e, bagot na bagot na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Malunod saan?" agad kong tanong sa kaniya.

"Lalim ng iniisip mo e," sagot niya habang hindi inaalis ang tingin niya sa librong binabasa niya.

Huminga ako nang malalim. "Well, the Dimsdale Monster really took a toll on me," pailing-iling kong sagot.

Bigla naman siyang tumigil sa pagbabasa at ibinaba ang kanyang libro saka inis na tumingin sa'kin. "You're still sticking your nose on that thing? Jace, I told you to stay out of it — of anything related to that urban legend. It's not real."

"What if it's really true? How can you explain the killings? You saw that vandalism written in blood and still, you're still not believing it?"

"Jace, it was just a vandalism by some stupid pranksters here in town," giit niya. Isa siya sa mga taong pilit na tinatakpan ang krimen dito sa Dimsdale. I mean, hindi naman sa sinasabi kong isa siya sa mga kinaiinisan ko, but she wouldn't believe anything unless you give her the evidence or she witnessed the exact event. "Bata pa lamang tayo, marami nang usap-usapan sa monster na 'yan. That's not real. Maybe Anime and Jenny was killed by a wild animal."

Muli akong napabuntong-hininga. Maybe mas okay na rin 'tong hindi siya maniwala dahil the more na ma-involve siya, the more chances na madamay siya sa lahat ng patayang nagaganap.

"Anyway, what are you doing here? Don't you have a tutorial class?" pag-iiba niya ng usapan.

Umiling ako. "I'm waiting for Teacher Erlaine's message. Sabi niya sasabihan niya na lang ako about the schedule today. Lintek nga, bagot na ako. I kept on texting her, pero hindi naman agad nagrereply."

      "Baka busy."

"Hey! Look where you're going!" Kapwa kami napalingon ni Hani sa may bandang hagdan sa dulo ng lobby at nakita ang isang babaeng blonde ang buhok na nakatayo sa harap ng mga nakakalat na libro sa sahig.

"I'm sorry!" Sa harap naman nito ay isa pang babae na sinusubukang pulutin ang mga nagkalat na libro sa sahig. Sobrang dami ng dala nito kaya't hindi ito magkanda-ugaga sa pagmamadali. Nang iangat niya ang kanyang ulo ay agad kong nakita ang kanyang mukha. She looks so familiar to me kaya't di ko naiwasang magtanong.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon