The Missing Files
I'm So SorryMULA SA MAHIMBING na pagkakatulog, bigla akong napabalikwas nang makarinig ako ng kakaibang tunog mula sa labas ng kwarto kung nasaan ako — tila isang kalabog. Agad akong binalot ng kaba, pakiramdam ko'y may ibang tao kaming kasama sa lumang bahay na 'to. Hindi ko mapigilang hindi matakot lalo na nang maalala kong sa sala natutulog si Jay at Percy.
Dali-dali akong tumayo mula sa kinahihigaan ko. Aaminin ko, natataranta ako ngunit sa kabila nun ay pinilit kong hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pintuan ng kwarto, napalingon ako sa paligid. Malalim pa ang gabi, sobrang dilim at tahimik ng paligid. Wala akong ibang marinig kundi mga kuliglig sa paligid at ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang bagay na 'to simula noong umalis kami ng Dimsdale pero hindi pala. I thought it would be easy for me to be in this situation like this but no, I feel like everything's happening again.
I shook my head to clear out my mind.
Maya-maya, narinig ko na naman ang kalabog, sa pagkakataong ito ay parang tunog ng nahulog na bagay sa sahig. Hindi na ako nag-atubili pa at tumakbo na ko palabas ng kwarto. Nagulat na lamang ako nang makitang bukas ang pinto at pumapasok ang kakaunting liwanag ng buwan sa loob ng bahay. Balot man ng takot, dahan-dahan pa rin akong naglalakad sa maliit na pasilyo ng bahay papunta sa sala ng bahay kung saan natutulog ang dalawa. Panay ang paghinga ko nang malalim dahil pinipilit kong kontrolin ang sarili ko na hindi mag-panic. Walang katapusan ang naririnig kong pagkalabog ng sahig.
Nang makarating ako sa sala, bahagya akong nakahinga nang maluwag nang makita si Jay na mahimbing na natutulog sa sofa, gayundin naman si Percy kahit na nakaupo lamang syang matulog sa maliit na upuang kaharap ng sofa. Madilim ang paligid ngunit sapat na ang ilaw na nagmumula sa buwan upang maaninag sila.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at natigilan ako nang makita ko ang isang pigura ng taong nakatayo sa kabilang bahagi ng bahay kung saan nandun ang kusina. May hawak itong isang matalim na bagay na halata mong kutsilyo. Kahit na maliwanag ang buwan, hindi naman 'yun sapat upang makilala at makita ko kung sino ito. Agad na rumagasa ang takot sa buong katawan ko kasabay ng kagustuhan mailigtas ang mga buhay namin.
"Sino ka?" tanong ko sa kabila ng takot na nararamdaman ko. Mabilis kong kinuha ang matigas na bagay na nahawakan ko malapit sa kinaroroonan ko. "Anong kailangan mo sa'min?"
Nakita kong natigilan ito ngunit hindi 'yun sapat dahil sa isang iglap, kumaripas ito ng takbo patungo sa kinaroroonan ng dalawa. Agad akong napatingin dito at nagulat na lamang ako nang makitang nakahiga na si Percy sa sahig at hinang-hina. Sa isang iglap, agad siyang pinaundayan ng saksak ng salarin. Sobrang bilis ng pangyayari at nakita ko na lamang na bumagsak ang katawan ni Percy sa sahig, duguan.
"Kuya!" Narinig kong sigaw ni Jay.
Dahil sa labis na pagkagulat, wala akong ibang nagawa kundi ang mapasigaw. At sa isang iglap, bigla na lamang akong napabangon mula sa kinahihigaan ko.
Humahangos akong napatingin sa paligid. Nasa loob pa rin ako ng kwarto ko kung saan tahimik pa rin ang gabi. Napahawak ako sa aking sentido dahil sa pagsakit ng aking ulo. Naramdaman ko rin ang butil-butil na pawis na nasa noo ko.
Panaginip. . .
Isang masamang panaginip.
Ilang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin ako tinatantanan ng isip ko. Noong una, akala ko magiging ayos na ang lahat sa oras na umalis kami ng Dimsdale pero hindi pala. Sa totoo lang, ayos naman. Masaya akong magkasama kami ng kapatid ko at dumagdag pa si Percy na kahit papaano'y itinuring ko na ring matalik na kaibigan at kapatid. Pero sa kabila nun ay hindi ko maiwasang hindi maisip si Jonas. Kamusta kaya siya? Sana masaya siya sa mga oras na 'to kahit iniwan ko siya.

BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...