Chapter 2: The Dimsdale Monster

124 16 39
                                    

Chapter 2
The Dimsdale Monster

I NEVER thought na missing case ni Joy ang bubungad sa'kin sa paggising ko. I wasn't that kind of a guy na puno ng adventure ang buhay dahil upon growing up, tanging bahay at school lang ang tanging mga lugar na alam kong puntahan. Nagkaroon lang ako ng mga kaibigan nang pumasok ako sa Dimsdale High three years ago. Pero ngayon, pakiramdam ko magkakaroon na ng saysay ang boring kong buhay. Magpaka-Detective Conan kaya ako this time? Kaso wag na. Lintek, ayoko ng hassle.

Dimsdale Hills. Isang boring na lungsod para sa boring kong buhay. Napapalibutan ito ng mga burol at kagubatan, kaya sobrang liblib nito kung tutuusin. Malayo rin mula sa ibang bayan. Pero kahit gano'n, may pagka-moderno rin naman ang lugar na 'to kaya't hindi naman napag-iiwanan. You know what makes this place boring? Dahil walang exciting na nangyayari dito. Walang adventure, walang thrill, walang element of surprise. Hindi sa gusto kong magkaroon ng krimen dito sa lugar na 'to ah, pero kasi parang isang malaking kalokohan ng lahat.

I know marami nang nangyari sa Dimsdale, like what happened to me three years ago, I get it why they're trying to be blind and deaf sa lahat: to live a normal life. But that's bullshit! I've heard that the government is trying to cover and forget everything, gayundin ang mga tao dito. Umaakto sila na parang walang nangyari. Lintek. Ang bullshit!

       Masaya akong nakabalik na ako, but remembering how bullshit this place is, sana pala sa ibang lugar na lang ako nagising. Don't get me wrong, mahal ko ang mga kaibigan ko dito pero I really don't like this fucking place. Ginagawa nilang Neverland ang lugar na 'to. Happy thoughts, happy thoughts. That's too much positivity, nagmumukhang tanga tuloy ang mga tao.

"Jace, still there?"

Bigla akong nabalik sa realidad nang magsalita si Jonas. Kasama ko nga pala siya, nawala sa isip ko. Pagkatapos ng sinabi niya kanina, niyaya niya ako sa cafeteria dahil sa sobrang dami kong tanong. Sabi niya, delikado raw kung dun kami mag-uusap sa hallway dahil baka raw may makarinig sa'min. I don't understand.

"Here." Inabot niya sa'kin ang isang bote ng Coke. Natuwa ako dahil alam niya pa rin kung anong paborito ko. "Bro, about Joy being a missing person three years ago. . ." Gamit ang mahinang boses, nagsimula siyang magsalita. "Ang sabi nila naglayas daw ito pero hindi ko alam kung 'yun ang totoo. We know Joy, hindi niya basta-basta gagawin 'yun, knowing na sobrang bait at talino niya. Siya pa ang nagpapakopya sa'min tuwing exam kahit weird yun dahil walang madalas na kumakausap sa kanya. Pero sa totoo lang, hindi ko pa naririnig na nagsalita 'yun e. Pipi ba s'ya?"

Tumango ako. "I know her, too. Kung tutuusin, wala naman talagang nakakapansin sa kaniya dahil bihira lang siyang makihalubilo. Ni hindi ko pa nga rin naririnig ang boses nu'n. Papansinin ka lang niya kung papansinin mo siya."

"Yes, yes. 'Di ba may gusto sa'yo 'yun, Jace?" Bigla siyang natawa. "Naalala ko, asar-asaran natin 'yun dati dahil lagi namin siyang nahuhuling nakatingin sa'yo. As in, Bro! Halos oras-oras ka atang titingnan nun basta nasa paligid siya. Ang pogi mo talaga!"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Seryoso? Hindi ko maalala."

"What? That's the funniest moment of our freshman years! Hindi mo naaalala? Sobrang hiyang-hiya siya nu'n dahil kumalat sa buong campus na may gusto siya sa'yo. Pinapaamin nga naman siya e pero hindi naman siya sumasagot. Basta ang alam namin, crush na crush ka niya. Hindi ko alam kung totoo 'yun. Pero, Bro natatandaan mo ba sila Cassie?"

Umiling ako. Pamilyar, pero hindi ko talaga maalala. Lintek, pinapahirapan ako ng utak ko.

"Sila 'yung madalas mang-bully kay Joy nu'n. Well, kahit sino naman ata binibully nila. Si Cassie. . . siya at 'yung mga kaibigan niya, ang tawag pa nga sa tropahan nila nu'n ay C.A.R.L."

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon