24. That problem

3.4K 44 4
                                    

Lily's POV:

Tumatawa lang ito ng tumatawa ng malakas habang umiiyak at nagmumura. Unang beses ko ata siyang nakitang umiiyak. Problema?

"Nakakatawa 'no?" Natatawa nitong tanong.

Anong nakakatawa? Bullshit!

"Lily–" tumigil siya para tumawa ulit. "Nakakatawa talaga." Dagdag niya tapos tumawa ulit habang umiiyak.

"Anthony, ano bang nakakatawa? Sabihin mo nalang sa'kin." Ani ko dito.

Bakit ba nagiging miserable siya ngayon? Kanina lang ay ma-ayos pa kami.

"Lily..." Tigil niya at huminga ng malalim. "Lily..." Aniya at humalakhak nanaman.

"Anthony! Hindi na kita maintindihan. Please... Sabihin mo na sa'kin. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ngayon lang kita nakitang umiyak." Sabi ko sa kanya.

Pinahid niya ang luha sa pisngi niya bago tumingin sa akin na may pilit na ngiti.

"Lily... Sana 'wag kang magalit sa'kin 'pag nalaman mo." Aniya at tumawa ng mahina. "Sino ba akong gago para sabihin sayo na 'wag kang magalit 'pag nalaman ang ginawa kong nakakagago naman talaga." Dagdag niya at isinandal ang ulo sa likod ng upuan.

Tumulo nanaman ang luha sa mata niya. Bakit ako ang nanghihina?..

"Ano ba 'yon? Sabihin mo na sa'kin." Sabi ko dito at hinawakan ang kamay niya. Tumingin ito sa akin na walang emosyon ang muka.

"Lily..." anito at hinawakan ang muka ko. Sinabi niya sa akin ang problema niya.

Natulala ako sa sinabi niya. Natakot akong bigla. Bakit ako natakot eh nangyari na? May namuong galit sa akin. Bumagsak ang luha sa mata ko na hindi ko 'man lang namalayan. Bumitaw ang sa kamay niya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa muka ko.

Sumandal ako sa upuan at pinunasan ang luha sa mata ko. Bakit ba ako umiiyak? Hindi naman kami.

"Bumalik na tayo sa bahay." Walang emosyon kong sabi.

Nahalata kong nakatingin pa rin ito sa akin. Ilang minuto lang ay pinaandar niya na ang sasakyan at pinaharurot sa bahay nila.

Ayaw ko na manatili sa bahay nila. Mas lalo lang akong nasasaktan sa hindi ko malamang kadahilanan.

Naiinis ako sa nararamdaman ko. Naiinis ako. Sobra. Hindi lang sa nararamdaman ko. Pati na sa sinabi niya. Baka pati sa kaniya.

Napuno ang maikli naming byahe ng katahimikan.

Nang huminto na ang sasakyan niya sa bahay nila, agad kong binuksan ang pinto para bumaba. Wala naman akong karapatan para magalit.

Hindi ko namalayan na nandito pa pala sina mommy at daddy. Ang masama ay, nadatnan nila akong umiiyak.

"Hija, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Tita Anne.

Lalo akong naluha sa tanong niya. Hindi nga nila alam na anak niya ang may dahil.

Pumasok si Anthony sa bahay at lahat sila ay tumingin dito. Ayaw ko siya tingnan. Nakatayo lang ako sa harap ng mga magulang ko at kina tito at tita.

"Anthony?.. B- bakit ka din umiiyak? May problema ba kayo?" Tanong naman ni mommy sa kanya na nakatayo pa din. Ramdam kong nakatingin siya sa akin.

"Bakit ba hindi kayong dalawa sumasagot?" Medyo inis na tanong ni Tita Anne at tumayo na ito.

Nilapitan ako ni Tita Anne at mommy.

"Anak, anong nangyari?" Malambing na tanong ni mommy.

Tiningnan ko silang dalawa sa harap ko. Niyakap nila akong dalawa at lalo lang akong umiyak.

Naghihintay sila ng sagot lalo na ang dalawang lalaking nakaupo sa harap ko.

Lumapit si Tita Anne kay Anthony. Hindi ko marinig ang paguusap nila. Pinapatahan ako ni mommy. Nakaupo na ako sa gitna nila ni daddy.

For fucks sake, I'm 20 years old.

Lumabas ang mga kaibigan ko sa kusina at sinugod ako ng yakap. Kahit kailan talaga ang mga babaeng 'to.

"Lily... Anong nangyari?" Tanong ni Sophie.

Tiningnan nila si Anthony na nakatingin sa akin habang kausap ang mga magulang niya. Si Christine ay masama ang tingin dito. Si Trixie naman ay kunot noo'ng nakatingin dito. Habang si Sophie ay walang emosyon na nakatingin dito.

Tatayo sana si Christine para sugudin si Anthony pero pinigilan ko ito.

Hinila nila ako sa isang kwarto. Hindi ko alam kung kanino kase wala doon ang iniisip ko.

"Lily. Bakit?" Tanong ni Christine.

Iniyakan ko sila. Niyakap naman nila agad ako. Gusto kong sabihin pero ayaw magsalita ng labi ko.

"I- I'm sorry... I'm really sorry." Pagmamakaawa ko sa kanila dahil hindi ko sila sinunod.

"Shh... 'wag ka magmakaawa sa amin. Ano ba ang nangyari?" Sabi ni Christine habang yakap ako at hinahaplos ang buhok ko.

Ang dalawa ay tahimik lang at yakap ako. Naghihintay silang tatlo ng sagot ko.

"N- nakabuntis si Anthony."

A/N: so ayonnn. Ano kaya reaction ng kaibigan niya?

Sino kaya nabuntis ni Anthony?

'Wag kayo iiyak ha?

THANK YOU FOR 4.04K VIEWS! I don't know how to thank you guys for supporting this story. Oh punas na ng luha. Charr

C U next chapter!

Sex FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon