31. Morning plan

3.2K 32 2
                                    

Christine's POV:

Pagkagising ko, nakita ko agad si Lily na mulat at nakatingin lang sa kisame.

"Oh, hindi ka ata nakatulog ah. Lalim ng iniisip mo." Ani ko na ikinatingin niya sa akin.

"Good morning." Paos niyang sabi at may pilit na ngiti.

"Alam mo, 'wag ka nalang ngumiti kung pilit lang din naman. Papangit ka lang." Pagloloko ko dito. Natawa ito ng saglit at bumangon na.

Siguro ay iniisip niya ang sinabi ko kaninang madaling araw. Sinadya ko 'yon dahil may plinano kaming magkakaibigan. Maliban kay Lily.

Pumunta ako sa kwarto namin ni Troy.

"Hey!" Sigaw ko dito dahil tulog pa ito. Dinaganan ko ito para magising.

"Good morning." Bati nito na pikit pa at may ngiti sa labi.

"Mas maganda pa bati mo sa'kin kesa kay Lily." Natatawa kong ani. Kumunot ang noo nito.

"Bakit?" Tanong niya.

"Ewan ko don. Hindi nga ata natulog 'yon eh." Ani ko. Natawa siya at hinalikan ako sa labi.

Bumangon na kami at pumunta sa labas. Iniwan kong naliligo si Lily kaya alam kong hindi 'yon lalabas.

"So... Sinabi niyo na ba?" Tanong ni Evan.

"Oo. Nasabi na namin kaninang madaling araw." Sagot ko naman.

"Good. May kaibigan si daddy na isang magaling na doktor. Wait... Ano na palang nangyari kay Anthony?" Ani Sophie.

***
Lily's POV:

Naligo na ako para mamaya hindi na ako maliligo. Hindi ko alam kung aalis na ba kami ngayon papunta sa condo namin. Baka ayaw pa ng mga babaeng 'yon para kasama pa nila ang kanilang boyfriend.

Wala na akong pake at nagbihis. Baka may pupuntahan 'man lang kami ngayon kaya nag-ayos ako. Kung wala silang plano magyayaya ako kung saan.

May itatanong pa ako kay Bryle. Kakausapin ko pa ang lalaking 'yon.

Nang natapos na ako mag-ayos, lumabas ako at nakita silang nagtatawanan.

"Ang daya niyo naman. Hindi niyo 'man lang ako sinasama." Sabi ko na may pagtatampo sa muka.

"Tumigil ka nga. Tampororot ka naman agad. Eh sa naliligo ka eh. Ano magagawa namin? Sasama kami sa loob ng banyo mo?" Ani Christine.

"Tse! Sira ka talaga. Magsiligo na kayo. Kung wala kayong balak maggala, pwes ako meron. At kasama kayo." Ani ko na ikinatawa nila.

"Opo lola." Ani Troy.

"Tumakbo ka na talaga. Nandidilim paningin ko sayo." Pagbibiro ko dito na tumakbo nga naman.

Nagsipasok na sila sa kanikanilang kwarto para maligo at ako naman ay naiwan sa kusina kaya nagluto nalang ako.

Hindi ba marunong magluto ang mga 'yon at hindi 'man lang nagluto ng umagahan?

Nagluto ako ng Ham, Eggs, and Hotdogs. Simple morning dishes.

Nagpalaman din ako ng mga tinapay incase ayaw nila mag rice pero knowing them, mag ra-rice ang mga 'yon.

Sex FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon