Lily's POV:
Nakatingin ako sa sahig na paghuhulugan ko at hindi ko na namalayan na nakahawak na pala ako sa matitipunong braso ni Anthony. Tiningnan ko siya na hawakhawak ang likod ko.
"I got you, bella." Anito at ngumisi.
Tumayo na ako ng ayos at bumaba. Hindi namin kayang pababain ni Christine ang dalawa kaya hinayaan namin si Evan na medyo hulas na dahil sa pagpapababa kina Troy at Anthony.
Nang nakababa na ang dalawa, dineretso na namin sila sa condo namin.
Si Evan ang nagdrive ng sasakyan ni Troy, si Sophie naman ang nagdrive ng sasakyan ko, habang ako naman ang nagdrive ng sasakyan ni Anthony.
Hindi talaga nagdala ng sasakyan si Evan para kung may isang sobrang nalasing sa kanila ay hindi sila mahihirapan magdala ng sasakyan. Sa kasamaang palad, dalawa sa kanila ang sobrang nalasing at nahirapan si Evan kaya kailangan niyang humingi ng tulong sa amin.
Nang makarating na kami sa tapat ng building ng condo namin, ni park na namin isa isa ang mga sasakyan na sinasakyan namin. May isa lang akong pinagtataka...
Hindi ko kaya mag-isa si Anthony pero nakakapaglakad pa ito kahit na sobrang lasing na kaya naman pinaglakad ko nalang ito na kasama ako. Hinayaan ko siya mag-ingay dahil kung mananahimik siya ay baka makatulog siya habang nakatayo.
Pumasok na kaming lahat sa condo at sa kwarto ko pinatulog si Anthony dahil ako lang naman ang natutulog doon.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko kay Evan.
"Bukas mo nalang itanong sa umaga. Tanong mo sa kanila." Aniya at dumeretso na din sa kwarto ni Sophie.
Lumabas ako para kumuha ng pinggan na may tubig at tuyong malinis na towel. Bumalik na ko sa kwarto ko pagkatapos kuhanin 'yon at naabutan na nagsasalita si Anthony.
"Lily? Where are you? Come ba– Lily! My love, you're back!" Anito.
Napailing nalang ako sa mga sinasabi nito. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya at nakakalasing 'yon.
Madami siyang sinasabi na kung ano ano at ang iba ay puno ng kalokohan.
"Lily, te amo." Anito na kinagulat ko.
"Lasing ka lang." Ani ko at pinunasan ang muka niya.
"Stop." Anito at hinawi ang kamay ko. "I love you, Lily." Dagdag nito.
"Maiinitan ka kung hindi kita pupunasan." Ani ko at pinagpatuloy ang pagpupunas sa kaniya. "At tumigil ka na sa kasasabi ng i love you."
"No, i won't stop. I love you, i love you, i love you, i love you..." Paulit ulit niyang ani.
"Tumigil ka na nga. Lasing ka lang talaga." Ani ko.
"I. Love. You. Lily Delos Reyes." Anito na nakangiti at pinapakita ang kaniyang dimples.
"I wish you were sober right now..." Ani ko at tumigil na siya. Hinubaran ko siya pero pinigilan niya ako at siya ang gumawa noon. Nakita ko kung paano siya medyo nahirapan sa paghuhubad dahil fitted t-shirt ang soot niya kaya tinulungan ko ito.
"No! Lily will kill me. You're not Lily." Anito na ikinangiti ko. Cute...
Kanina lang sabi niya mahal niya ako at alam niyang ako 'to si Lily tapos ngayon tinataboy niya ako dahil hindi daw ako si Lily. Okay lang kaya talaga siya?
Tinulungan ko ulit siyang hubadin ang soot niyang t-shirt ngunit inalis niya ulit ang kamay ko.
"No go away! I have a girlfriend. She will kill you." Anito at hinuhubad ang kaniyang t-shirt. Girlfriend?..
"Ano ka ba? Ako 'to! Si Lily." Sabi ko at tinulungan ko na ulit siya. Natigilan siya at hinayaan akong hubadin sa kaniya ang suot niya.
Nahiga na ito at pinunasan ko na ang matipuno niyang dibdib. Bigla itong nagsalita na hindi ko naintindihan.
"Verresti al ballo con me, bella?" Anito.
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Hindi ako italian para maintindihan ang sinasabi mo. Hindi ko nga alam kung paano magsalita ng italian eh." Kunot noo kong sabi.
Nanahimik na ito at napansin kong tulog na siya. Tinagtag ko ang pangibaba niya at pinatulog na siya ng mahimbing. Nakaboxers nalang siya at nakakumot na tulog na tulog na. Niligpit ko nalang ang ginamit ko at tumabi na sa kanya para matulog na din.
"Good night Anthony..."
A/N: THANK YOU FOR 9.24K READS!!!
C U next chapter!
BINABASA MO ANG
Sex Friends
Storie d'amoreWrong grammar and typos are present here. Two exes who still always sees each other... Lily and Anthony who always sleeps with each other... No mutual feelings, they just do it and that's all... But, can they really resist the hotness, chemistry, an...