Lily's POV:
"Lily? Please say something." Anito.
Tulala parin ako at hindi alam ang sasabihin ko. Namumuo ang luha sa mata ko.
Medyo tama na ang huwisyo ko kaya agad akong tumingin sa araw ngayon.
"March 13..." Mahinang ani ko.
"Happy continuation anniversary, Love." Anito.
Hindi na napigilan ng mata ko ang pagluha. Agad ko namang pinunasan ang luha ko.
"Lily? Would you be the girlfriend again of this man who's always been inlove with you all this time and just being a fool?" Anito.
Tumulo ulit ang luha ko. Hindi ulit ako makapagsalita. Ang araw na 'to ay espesyal sa amin. Ito ang araw na sinagot ko siya noong high school pa kami at nanliligaw siya sa akin ng 10 buwan. Matagal niyang hinintay ang matamis kong oo noon.
Tumango ako bilang sagot. Hindi siya gumagalaw at sa tingin ko ay gusto niyang magsalita ako.
"Yes, Anthony. Yes!" Ani ko at humagulgol na.
Isinuot niya sa akin ang kwintas at tiningnan ko ito. Garnet...
"My birthstone." Mahina kong ani.
"Yeah... I don't know what design you'd like so i bought your birthstone necklace." Nahihiyang anito na kumakamot pa sa batok.
Niyakap ko siya at nakita ang malapad na ngiti sa kaniya. Ngayon nalang ulit...
"I like it." Ani ko na siya lang ang makakarinig.
"What about me?" Tanong nito na nakanguso.
"I... Like you too." Walang pagiisip na sabi ko. Hindi ko din alam kung saan yon nanggaling.
Kumawala ako sa yakap at agad siyang nagsisigaw at tumalon.
"Fuck, yeah!" Sigaw niya. Lumapit siya kay Troy at hinawakan ito sa magkabilang braso at inalog ito. "Did you hear that?! Shit!" Sigaw niya habang inaalog si Troy at pinakawalan na ito.
Natawa ako sa inasta niya at sa reaksyon ng muka ni Troy nang inalog siya nito. Nakangiwi ito at inilalayo ang muka niya.
Tumatawa ang dalawa kong kaibigan. Tiningnan nila ako at ngumiti. Lumapit sila sa akin at agad akong niyakap.
"Congrats!" Ani Christine.
"Proud na proud ka ata." Ani ko habang umiiyak.
"Ano ka ba! Planado 'yan." Aniya.
"Planado?" Nagtataka kong tanong.
"Oo. Plinano 'yan ng newly boyfie again mo." Ani Sophie na nakangiti.
"Halika kwento namin sayo!" Ani Christine at hinila ako paupo sa sofa.
Nakaupo na kami nang biglang nagbukas ang pinto.
"A- are we late?" Rinig kong tanong ng boses ni Bryle.
"Very late, man." Ani Evan at nilapitan ang dalawa.
"Congrats!" Sigaw ni Trixie sa akin at agad akong sinugod ng yakap.
"Kasali din kayo sa plano?" Tanong ko.
"Oo, syempre." Anito.
"We can't miss the getting taken of the baby of our group." Ani Bryle habang lumalapit sa gawi namin at inakbayan si Trixie.
"But you missed it." Ani Christine na ikinatawa namin.
"Ang drama mo." Sabi ko kay Bryle.
"At sino ang umiiyak sa atin ngayon?" Tanong nito na nakangiti.
"Tse!" Sigaw ko dito at tumawa ito.
"Breakfast is ready!" Sigaw ni Anthony galing sa kusina.
Pumunta na kaming lahat doon at tinikman ang niluto ni Anthony.
"Ang sarap ah!" Ani Christine habang kinakain ang luto ni Anthony.
"'Wag niyo naman ubusin 'yan. Wala na tayong ulam." Ani Anthony. Inirapan lang siya ni Christine at kumuha na kami ng pagkain at ulam namin para kumain sa sofa.
"So kwekwento na namin." Ani Christine.
"Anong kwekwento niyo?" Malamig na tanong ni Anthony na kunot ang noo.
"Yung plano mo." Ani Sophie.
Magsasalita pa sana si Anthony nang biglang may tumawag sa kanya. Kunot noo niyang tiningnan ang tumatawag habang nakatingin kami sa kanya. Pinatay niya ang tawag at bumaling na ulit sa amin. Magsasalita na ulit sana siya ngunit tumunog ulit ang cellphone niya at nainis na siya.
"Baka importante 'yan. Sagutin mo na." Sambit ko. Tiningnan niya ako at tumayo na para sagutin ang tawag.
Sino naman 'yon?
A/N: Shit! THANK YOU FOR 11.1K READSSS!!!
C U next chapter!

BINABASA MO ANG
Sex Friends
RomanceWrong grammar and typos are present here. Two exes who still always sees each other... Lily and Anthony who always sleeps with each other... No mutual feelings, they just do it and that's all... But, can they really resist the hotness, chemistry, an...