Lily's POV:
Hindi ko na pinansin ang babaeng nakatitig sa akin at masama ang tingin. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
"Lily?" Malambing na tawag ni Anthony. Tiningnan ko siya at inirapan.
"Tse!" Sigaw ko.
"Bakit ka ba nagagalit?" Tanong niya.
"Tanong mo sa sarili mo baka sakaling sumagot at malaman kung bakit." Pagmamaldita ko.
Niyakap niya ako at ako naman ay pilit na tinatagtag ang pagkakayakap niya sa akin. Masyado siyang malakas para kayanin ko na matagtag ang bisig niya.
"Ano ba? Anthony!" Ani ko at pilit parin na tinatagtag ang matipuno niyang braso na nakabalot sa akin.
"Hindi kita bibitawan hanga't 'di mo sinasabi sa'kin kung bakit at 'di mo'ko pinapatawad." Sabi niya habang nakayakap parin sakin.
"Bitawan mo nga ako!" Pilit kong sigaw at tinatagtag parin ang matipuno niyang braso na nakabalot sa akin. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin at hindi ko na kinaya ang tagtagin pa ito.
"Fine! I'll let you do that but i will not—"
"Is it because of our dance?" Pagputol niyang tanong sa akin. Natigilan ako sa gulat.
Hindi ako gumalaw at nagsalita pa. Tiningnan ko siya at nakatingin ito sa akin habang nakangiti.
"Ha! Knew it." Aniya. Inirapan ko siya para itago ang ngiti ko at binaling ang tingin ko sa unahan kung saan nagsasayaw ang mga studyante.
"I didn't dance with her." Biglang sabi niya na ikinatingin ko ng mabilis sa kanya.
"W- what do you mean?" naguguluhan kong tanong.
"I just talked to ma'am Madilyn." Paliwanag nito at ngumiti. "Now, hug me back!" Dagdag nito na ikinatawa ko. Niyakap ko siya at ginawa pa nitong unan ang dibdib ko.
"Ang lambot dito." Aniya.
"Heh! Bastos!" Sigaw ko at inirapan siya na ikinatawa niya naman.
***
"Uwi na tayo!" Sigaw ko. Patapos na din ang program kaya pwede na naman kaming umalis at umuwi na."Oo nga! Ayaw ko na dito. Mas masaya pa sa bar." Pagsang-ayon ni Christine.
"Christine! Nasa school tayo." Pagsaway ni Troy kay Christine. Pinukol siya ng masamang tingin ni Christine at inirapan siya nito.
"Magkaaway ba sila?" Bulong na tanong sa akin ni Anthony.
"'Di ka naman ata bulag." Pagtataray ko.
"Diyan ka nga muna. I'll just talk to ma'am Madilyn then we can go home." Aniya na ikinatingin ko sa kanya.
"Really?" Medyo masaya kong sabi.
Tumayo ito at inayos ang coat niya. "Yeah." Sagot niya na nakangiti.
"Great! Pero hindi parin tayo bati." Ani ko at nag-iwas na ng tingin.
Nakita kong naglakad na siya palayo. Nakita ko na naman ang babaeng kanina pa nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang problema niya pero na-c-creepy-han na ako sa kanya. Hindi ko nalang ulit siya tiningnan at hinintay si Anthony.
Mga ilang minuto ang nakalipas at dumating na si Anthony na hinalikan ang leeg ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad ko siyang nilingon.
"Ano ka ba! Uwi na tayo." Ani ko at tumayo na.
Tumawa siya ng mahina at humawak sa bewang ko. "Yeah. We're going home."
Humawak ako sa leeg niya at hinalikan ang labi niya. Hinila niya ang beawang ko palapit sa katawan niya at napasinghap ako sa gulat at ngumiti.
"Nasa school tayo." Ani Troy na nakaismid. Tumawa lang kami at umalis na ang kamay ko na nakapalibot sa leeg niya. Tinagtag niya na din ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko.
Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong. "Hindi pa'rin tayo bati."
Nagsimula na ako maglakad palabas at nauna na sa kanila. May humawak sa bewang ko sa tagiliran at hindi ko naman pinansin ito dahil naamoy ko ang mabangong amoy ni Anthony.
"Your keys." Aniya at nilahad ang isang kamay para doon ko ibigay ang susi.
"Why?" Kunot noo kong tanong.
"I'm driving." Sagot niya na ikinakunot lalo ng noo ko.
"Didn't you bring your car?" Tanong ko.
"I didn't." Sagot niya at binigay ko nalang ako susi ko.
Nakarating na kami sa sasakyan ko at nalaman kong si Christine ay kay Troy sasakay, si Sophie naman at kay Evan sasakay, habang si Trixie ay kay Bryle.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Anthony at nang isarado niya ang pinto ay tumakbo naman siya papunta sa driver seat. Sumakay na siya at pinaandar ang sasakyan ko.
Pinuno kami ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Ayaw ko magsalita dahil medyo inaantok na din ako. Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap sulyap niya sa akin pero hindi ko nalang pinahalata na alam ko.
Nakunot ang noo ko nang mahalatang hindi kami sa condo ko pupunta. Tiningnan ko ang gawi niya at binigyan siya ng nagtatanong na muka.
"Sa'n tayo?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin ng saglit lang at ngumiti.
"Kina mama at papa." Sagot niya.
"Bakit naman?" Tanong ko. Hindi ko din alam kung bakit panay ang tanong ko.
"We're getting legal. Both sides." Sagot niya.
"Malayo pa ang byahe." Sambit ko.
"Edi, just sleep there. That's why I'm driving nga eh." Aniya na nakangiti. His taglish is cute.
"Alam mo naman atang medyo umaayaw si daddy dahil ng... Nangyari dati." Sabi ko na ikinawala ng ngiti niya.
"I'm proving tito that, that incident will never happen again." Aniya.
"Ewan ko na. Basta... Makuha mo'ng muli ang loob ni daddy, siguro naman ay papayag na din 'yon." Ani ko at nag-iwas ng tingin.
Pinikit ko ang mata ko at naramdamang hinawakan ni Anthony ang kamay ko. Ilang minuto akong nakapikit ang mata at nagpapanggap na tulog dahil parang ayaw pa matulog ng mata ko.
Pinisil-pisil ni Anthony ang kamay ko at hindi ko maiwasang mapangiti. Pinilit kong hindi ngumiti para hindi niya malaman na nagtutulog tulugan lamang ako.
Medyo gumalaw ako para umayos ng upo at nawala ang pagkahigpit ng hawak niya sa kamay ko. Nang maayos na ang upo ko, pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Hindi ko hinigpitan ang hawak dahil nga nagpapanggap akong tulog.
Naririnig ko ang hinga niyang malalim. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay... Kinakabahan ba siya?
Bakit naman siya kakabahan? Dati na kaming legal sa mga magulang namin. They even call it young love. I agree. We're both young that time pero naging legal naman kami.
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Sleep tight, amore."
...
A/N: 11:11. Make a wish!
BINABASA MO ANG
Sex Friends
RomanceWrong grammar and typos are present here. Two exes who still always sees each other... Lily and Anthony who always sleeps with each other... No mutual feelings, they just do it and that's all... But, can they really resist the hotness, chemistry, an...