Lily's POV:
Nakasakay na kami ngayon sa eroplano at tahimik na nakaupo. Magkatabi kami ni Anthony at magkahawak ang kamay. Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga kaibigan ko pero hinihintay lang namin na mag-take off ang eroplano.
Ilang minuto lang, nag-announce na ang pilot ng eroplano at nag-take off na ang sinasakyan namin.
"You should sleep." Biglang ani Anthony. Tumingin ako dito.
"What?"
"I said, you should sleep muna. Mahaba ang byahe. As far as I can remember, it took almost 14 hours of flight to go to Italy." Ulit nito.
"Okay." Maikling sagot ko at humilig sa balikat niya para ipatong ang ulo ko. Ipinikit ko ang mata ko at pinilit na matulog.
Siguro ay nakaramdam din ng antok si Anthony dahil naramdaman ko ang pagpatong ng ulo nito sa ulo ko. Hindi ko naiwasang mapangiti.
***
Nagising ako sa pag-alog-alog sa akin ng mga kaibigan ko. Pati sa mga ingay nila at pagtawag sa pangalan namin ni Anthony.
"Hey, love birds. Wake up!" Narinig kong boses iyon ni Christine.
"Lily. Anthony. Wake up, you two!" Sabi naman ni Troy.
Unti unti akong nagmulat ng mata. Kinunotan ko sila ng noo at kinusot ang mata ko.
"What the fuck is your problem?" Tanong ko sa kanila.
"Kakagising mo lang at naisipan mo agad magmura? Come on. Nag-stop ang eroplano sa Hongkong." Ani Sophie.
"Fuck! It's only been two hours." At nagmura ulit si Anthony.
"Kuya Finn said that we could go out to get some food inside the airport." Singit ni Evan.
"If we could just sneak out to go to Disneyland." Ani Trixie at umirap.
"We can't. This is just a stop then we'll continue our flight right after we come back here." Sabi naman ni Bryle.
"I know. Now, you two, get up there and we'll go out of this plane." Medyo may pagtataray sa boses ni Trixie.
Tumawa nalang ako at tinagtag ang seatbelt na suot ko. Ganoon din ang ginawa ni Anthony at hindi katagalang pinakawalan ang kamay ko.
"Where to?" Tanong ni Anthony.
"Just inside the airport. We'll get some food. Mga patay gutom kasi ang mga kaibigan natin eh. Meron naman sa loob ng eroplano, dito pa gusto bumili." Sagot ko kay Anthony at natawa ito.
Nakapasok na kami ng airport at dumeretso sa mga bilihan ng pagkain. Nagkanya-kanya kami ng bili pero hindi kami naghiwalay ni Anthony.
***
After almost 30 minutes of buying our foods, nagkita-kita kaming lahat sa eroplano ng pinsan ni Anthony. Madaming dala ang mga kaibigan ko at siguro ay magbubusog ng husto ang mga ito.
Maya maya lang ay nag-take off na ulit ang eroplano at directly to the italy na ang flight namin. Kinakain nalang namin ang mga binili naming pagkain.
May mga tinira si Anthony at nanguha pa sa iba ng pagkain para daw sa pinsan niya. Sweet.
***
Hours have passed and it's already 2 in the morning. Natulog kami ni Anthony at sa tingin ko ay ganoon din ang ginawa ng iba dahil mahaba talaga ang naging byahe namin.
Umalis kami ng pilipinas ay hapon na pero may sinag pa ng araw. Anthony said it's almost 14 hours flight. 3 ng hapon kami umalis ng pilipinas at ngayon ay 2 na ng umaga.
Tulog pa si Anthony sa tabi ko at ayaw ko naman ito gisingin. Tumayo ako dahan-dahan at pumunta sa banyo ng eroplano.
Naglalakad ako nang biglang may magsalita. Malalim ang boses nito at alam ko agad na pinsan iyon ni Anthony.
"Faster at the comfort room. My plane will be landing just in a minute."
Tumigil ako at tumingin dito. Nakaupo ito sa isang sofa na may kalayuan sa amin. Tahimik lang ito at halatang kakagising lang.
Tango lang ang naging tugon ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Mabilis lang na pagba-banyo ang ginawa ko at agad ding bumalik sa inuupuan.
Saktong pag-upo ko ay nag-announce na ang pilot na magla-landing na ang eroplano. Ginising ko na si Anthony at umayos ng upo.
Pagkatapos mag-landing, lumabas ang isang binata na may hawig sa pinsan ni Anthony. Muka itong mas bata sa pinsan ni Anthony. May dimples din ito nang ngumiti.
"Oh, look. Mr. Talented is here. You really fucking fly a plane." Nakangiting ani Anthony sa lalaki na lumabas kanina.
"Shut up Anthonio!" Singhal ng lalaki.
Tumingin sa akin si Anthony at ngumiti.
"That's Flynn, My cousin. Finn's brother." Ani Anthony at tinuro ang lalaking nakapang-piloto na damit.
"Nice to meet you, milads." Bati nito at umakto na parang prinsesa ako. Natawa lang ako ng mahina at tumango dito.
"Back off, dude." Malamig na sambit ni Anthony.
Natawa lang kaming apat kasama na ang isa pang pinsan ni Anthony. Hinawakan ko nalang ang kamay nito at bigla itong ngumiti. Nailing ako.
"The feeling is mutual." Nakangiti kong bati dito pabalik.
Kinuha na namin ang mga gamit at biglang may kumuha nito sa amin. Sabi ni Anthony ay hayaan silang magbuhat at hinayaan ko nalang.
Sabi ng pinsan ni Anthony ay nasa Rome kami ngayon. Huling byahe na papunta sa Milan at nasa bahay na kami na pupuntahan namin.
Hindi na daw namin gagamitin muna ang eroplano dahil pagpapahingahin muna ito kaya naman sa kotse kami sasakay. Ayon sa narinig ko sa pinsan ni Anthony ay limang oras ang byahe.
Sumalubong sa amin ang dalawang 4×4 SUV na kulay itim. Damn...
"Anthony, my jeep wrangler is yours. Here's the key." Ani pinsan ni Anthony at ini-abot sa kanya ang susi. "I'm not using it so you can use it."
Tumango si Anthony na nakangiti at umalis na ito. Umalis ito na parang nagtapon lang ng basura. What the fu–
"How damn rich is your cousin?" Tanong ko kay Anthony na ikinalingon nito sa akin. Nagkibit balikat ito.
"I don't know. He's an emperor after all." Sagot naman nito at hinila na ako papasok sa isang sasakyan.
***
It's already quarter to 8 in the morning. Hindi na kami nakatulog ni Anthony dahil buong flight na kami tulog kanina.
Naka-usap namin ang dalawang lalaking magkapatid. Napansin ko na may katahimikan ang panganay at medyo nakakatawa naman ang isa.
May kaibahan ng lahi ang dalawa kesa kay Anthony. They're 50% Italian, 25% Filipino, and 25% latino. Halata ang pagiging italiano ng mga ito dahil sa accent nila. May katagalan na lang siguro si Anthony sa pilipinas kaya hindi na ganoon ang accent niya.
"We're almost there. Mamma and papa will be happy to see you Anthonio." Ani lalaki na pangalan ay Flynn.
Tumawa lang si Anthony. Tumingin ako dito at tumingin din ito pabalik sa akin. Nagkangitian kami. Damn that dimples.
"We're here, Don." Ani driver.
BINABASA MO ANG
Sex Friends
RomanceWrong grammar and typos are present here. Two exes who still always sees each other... Lily and Anthony who always sleeps with each other... No mutual feelings, they just do it and that's all... But, can they really resist the hotness, chemistry, an...