38. Attacking me

3.1K 32 1
                                    

Lily's POV:

"Hey bella!" Sigaw ni Anthony sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya sa labas ng class room namin. Napangiwi ako sa sigaw niya at medyo nilayo ang cellphone ko sa tainga ko.

"Ouch... That hurts." Ani ko.

"Oh, sorry. Uhm... Can i ask you something?" Anito.

"Yeah, sure." Sagot ko naman.

"So i was wondering if you already have a date to prom night?" Tanong nito.

"Why'd you ask? And plus, how'd you know?" Tanong ko dito.

"Uhm... Christine told us! Right... Christine told us when we're still at my parents house." Anito na ikinangiti ko.

"Hmm... Wala pa." Sagot ko dito.

"Okay, great— i mean, okay." Anito.

Hindi nabura ang ngiti sa aking labi. Biglang nagbukas ang pinto ng room at tiningnan ko kung sino ang lumabas.

"Oh, bat abot tenga ata ngiti mo diyan? Sino ba yang kausap mo?" Tanong nito.

"Ah, wala. Tara na sa room?" Anyaya ko dito at tumango naman ito.

"Uhmm... Anthony i have to go. Talk to you later!" Ani ko at binaba na ang tawag.

Pumasok na ako sa room at tinago ang cellphone ko sa bulsa. Nagsimula na din ang klase at nakinig nalang ako sa sinasabi ng professor namin.

Isang oras na ang nakalipas at recess na namin. Pumunta nalang ako sa canteen at doon sinulat ang pinapasulat sa akin ng adviser namin kanina.

Lahat kaming magkakaibigan ay honor students. Si Sophie ang pinakamatalino sa aming magkakaibigan. Siguro ay dahil siya ang pinakamasipag at masikap sa amin.

Natapos na ang sinusulat ko at ipapasa ko nalang sa adviser namin. Sinabi ko nalang sa sarili ko na mamaya na dahil siya naman ang sunod naming subject. Kumain nalang muna ako at pagkatapos ay bumalik na kami sa room.

Sina Trixie at Bryle ay hindi ata pumasok. Hiwalay kasi ang condo nila sa amin. Si Bryle ay sa ibang building ang condo habang si Trixie ay sa ibang floor sa building ng condo namin.

Malaki kasi ang condo naming tatlo. Tatlong kwarto pero iisa lang ang banyo. Ewan ko ba kung bakit pero malaki naman ito.

"Uh... Ma'am? Ito na po ang pinapagawa niyo sa akin. Kakatapos ko lang po. Sorry for my late submission." Ani ko at ini-abot sa kanya ang ginawa ko.

"No. Thank you. It was really fast. When did you start doing this?" Anito.

"Ngayon lang po'ng recess. Nakakuha po kasi ako ng free time to do that so i took the chance para masubmit ko po sa inyo ng maaga." Pagpapaliwanag ko.

"That's great. Btw, are you informed about the upcoming prom night this Wednesday?" Anito at tumango ako.

"Yes, Ma'am. Bakit po?" Tanong ko dito.

"Good. Those who doesn't have a date are not accepted." Anito na ikinalaki ng mata ko.

"B- but ma'am—"

"Biro lang, ano ka ba." Natatawang anito na ikinahinga ko ng maluwag. "Pero mas maganda kung may date ka." Dagdag nito na nakangiti.

Gusto ni ma'am na may date ako? Eh pa'no yon? Sino?

Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko at tiningnan ko iyon kung sino.

"Wala ka pang date?" Tanong nito.

"Ah, uhm... Oo eh." Nahihiyang sagot ko.

"Bakit naman?" Tanong nito na nakakunot ang noo.

"Wala namang nagtatanong sa akin. At tsaka, hindi ko din trip na magka-date." Ani ko. Tumango ito at umupo na. Hindi ako sigurado sa sinabi ko...

Pero bakit ba lahat ng tao inaatake ako ng tungkol sa prom date? Masama bang wala? Hindi naman siguro.

Sex FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon