Lily's POV:
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa hospital. May narinig akong ingay kaya naman nagising na ako.
Nagulat ako nang makita si Anthony na nakatayo sa harap nina Troy.
"What the– what is h- he doing here?" Gulat kong tanong kay Christine na katabi ko.
"Just trust us in this Lily. Please..." Ani Christine na ikinakunot ng noo ko.
Ano nanaman pakana ng mga ito?
***
Sinabi sa akin ni Christine lahat ng plano nila. Naintindihan ko pero natatakot ako.Paano kung siya nga ang ama? Ano nang mangyayari?
Sinusulyap sulyapan ko ang babae. Naaawa ako dito dahil nabuntis siya ng maaga. Siguro ay pumapasok pa ito dahil mukha siyang kasing edad ko lamang.
Nararamdaman ko ang titig ni Anthony. Ayaw ko siyang tingnan dahil baka bumigay ako. Baka hindi ko kayanin ang pagtitimpi ko. Baka isang tingin at ngiti niya lang ay sumuko na ako. Ayaw ko naman maging ganon.
Nanatili akong nakaupo at naghihintay ng resulta. Natatakot pero puno parin ako ng kyuryosidad. Kailangan ko ng sagot.
Maya maya lang ay dumating na ang magbibigay ng resulta.
"Mr... Romano?" Anito.
"Here." Sagot naman ni Anthony. Sinulyapan ko ito ng saglit lang at nahuli ang tingin nito sa akin.
"And Ma'am Cheszka. Do you two want to let your friends to know the result too or just the two of you?" Tanong nito.
Lahat kami ay napatingin sa babae. Nakita kong nakatingin ito kay Anthony kaya naman tiningnan namin ito.
"Let them know." Matigas na aniya.
Parang ayaw ko marinig ang resulta. Parang gusto ko nalang takpan ang tenga ko o umalis dito. Natatakot ako. Pero kailangan ko din itong marinig. It's now or never.
"It's negative. The DNA result is negative." Anito na ikinangiti ng lahat ng kaibigan ko. Hindi ko din maiwasan ngumiti sa resulta.
"I knew it!" Sigaw naman ni Christine.
"Huh? How?" Tanong ni Sophie.
"Well, i asked her some questions. I asked her if she had sex with someone after with Anthony and she said yes." Ani Christine.
Sinugod ng sampal ni Sophie ang babae.
"Alam mo bang sinira mo ang dalawang masayang tao dahil lang sa katangahan mo?! Ha? Alam mo ba 'yon?!" Sunggab ni Sophie.
Agad akong tumayo at pinigilan ito.
"Sophie. She doesn't deserve your slap." Ani ko.
Kumalma naman ito at umupo na.
Tiningnan ko ang babae na ngayon ay umiiyak na.
"Hey, hey. Look at me. Don't cry. It's not your fault. Just go home." Ani ko dito. Tumango ito sa akin at tumahan na. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. "Who's taking her home?" Dagdag kong tanong.
"We are taking her home." Ani Anthony. Nagulat ako sa sagot nito. Nanlaki ang mata ko at napalunok.
"W- what?" Tanong ko. Tiningnan ko ang mga kaibigan kong nakangiti na tumango lang sa akin.
"Come on." Anito na hinila ako bigla. Nagulat ako sa ginawa niya. Tiningnan ko ang babae at sinenyasan ito na sumunod.
"Baka nakakalimutan mo, maghahatid tayo. Yun lang." Ani ko.
"I don't care. After that fucking misunderstood, i want you. I want to own you. Right now but I can't." Anito na hinarap pa ako.
Nagulat ako sa sinabi niya. Pero... Umayaw na ako diba?
Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong pumasok. Pinanood ko siyang pumunta sa driver's seat. Nang magbukas ang pinto, nagkita naman ang mga mata namin. Ngumiti ito. Bakit muka siyang pagod?
Tumunganga lang ako at hinihintay ang babae.
"Fasten your seatbelt." Ani Anthony na bumasag sa katahimikan. Agad ko naman itong ginawa. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinapanood niya ang galaw ko.
Tiningnan ko siya at tila ba'y may sariling isip ang mga mata namin at nagkatitigan ito. Hindi ito nagtagal nang biglang pumasok si Cheszka. Nag-iwas agad ako ng tingin at tumingin na lamang sa labas. Shit!
BINABASA MO ANG
Sex Friends
RomanceWrong grammar and typos are present here. Two exes who still always sees each other... Lily and Anthony who always sleeps with each other... No mutual feelings, they just do it and that's all... But, can they really resist the hotness, chemistry, an...