Lily's POV:
Natulog ako sa byahe namin papunta sa binili kong bahay. May sarisarili kami doon na kwarto.
Gusto ko din naman mapag-isa. Wala pa akong umagahan.
Pumasok na ako sa kwarto ko agad pagkababa ko ng sasakyan. Agad akong nahiga at tinitigan ang wallpaper ko.
Litrato namin ito ni Anthony. masaya kami nito. Ito ay noong pumunta kami sa isang fun rides. Bakit ba kita winallpaper eh hindi pa nga kita nakukuha?
Pinatay ko na ang cellphone ko at dumapa. Hindi ko namalayang nakatulog ulit ako.
Nagising ako sa katok ni Christine sa labas ng kwarto ko.
"Lily! Lily, open up!" Sigaw niya sa labas ng pintuan.
Inaantok akong bumangon sa kama para buksan ang pinto at papasukin ang babaeng kanina pa katok ng katok eh napaka-ingay naman.
"Kanina pa ako katok ng katok sayo 'di ka naman nagbubukas ng pinto. Akala ko kung ano na nangyari sayo." Sabi nito at pumasok sa kwarto ko na may hawak na plato na may laman na pagkain at isang baso ng juice.
"As you can see, I'm sleeping." Sabi ko dito at sinara na ang pinto.
"Wala akong pake. Oh eto, kumain ka na." Aniya at inabot ang hawak na plato at baso.
"Thanks bitch." Sabi ko at tinanggap ang ini-abot nito.
"Nagawa mo pang magloko sa lagay mo ha." Anito na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit? Hindi naman ako heart broken ah." Sabi ko dito at kumain na.
"Bakit hindi naman ako heat broken ah." Pag-ulit nito sa sinabi ko. "Lokohin mo na ang lasing 'wag lang ako Lily." Dagdag pa niya.
"Bahala ka nga. Lumabas ka nalang kung gusto mo. Do'n ka sa boyfriend mo." Sabi ko dito at kinuha ang cellphone ko.
"Oh siya sige. Aalis na ako madam. Mamaya nalang ulit kita pupuntahan o baka naman gusto mong lumabas diyan at 'wag na magmukmok." Sabi nito na naglalakad na palabas.
"Ewan ko ba kung kaibigan kita o hindi." Ani ko na parang hindi niya naman narinig dahil sinara niya na ang pinto.
Napabuntong hininga ako at nanuod nalang ng movie sa laptop na dala ko sa bag ko. Buti nalang at dinala ko ito para may libangan ako.
Naalala ko ang project ko. Madali na 'yon.
Nanuod nalang ako ng romance movies pero hindi ko nagustuhan kaya nilipat ko sa horror.
"'Yan! Mas nakakadiri pa yung halikan eh." Sabi ko sa kawalan dahil wala naman akong kakausapin.
Tinapos ko ang isang movie na 'yon at nilipat sa comedy.
Natapos ko na din at umayaw na ako kaya natulog nalang ako. Nakakainis din kase, wala akong pagkain. Masarap sana kung may chips 'man lang kaso tinatamad ako tumayo kaya nagtiis akong manuod ng walang kinakain. Kakakain ko lang din naman kase ng umagahan. Brunch ganon.
Uuwi kami bukas. Gusto ko pumunta sa condo namin. Papasok na din kami sa ilang araw.
Natapos ang araw ko sa nuod, kain, tulog. Nagmumukmok lang ako sa kwarto ko dahil wala akong planong ibang gawin.
Pumapasok minsan sina Christine, Sophie or Trixie para lang mang-loko o mambulabog. Nakakainis minsan pero kahit papaano ay napapangiti nila ako.
Isa pa si Bryle na makulit at ang dalawang lalaking tropa ni Anthony. Pumapasok sila sa kwarto ko.
Maya maya lang ay gabi na. Ang bilis...
Tiningnan ko kung anong oras na. Pa'no ako magmomove-on kung ito ang wallpaper ko?
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto at bigla kong napatay ang aking cellphone.
What the fucking hell???
BINABASA MO ANG
Sex Friends
RomanceWrong grammar and typos are present here. Two exes who still always sees each other... Lily and Anthony who always sleeps with each other... No mutual feelings, they just do it and that's all... But, can they really resist the hotness, chemistry, an...