Lily's POV:
Nang nag-umaga na, bumangon ako at dumeretso sa banyo. Tulog pa si Anthony at ayaw ko naman gisingin.
Sigurado akong magkakahang over 'yan kaya naman ihahanda ko na ang painkillers at tubig sa tabi ng kama.
Nagtoothbrush at hilamos ako bago bumalik sa kwarto para ibigay kay Anthony ang painkillers at tubig. Kailangan ko din siyang tanungin kung may damit ba siyang dala para makapagbihis siya.
"Hoy! Gising. Bumangon ka na diyan." Ani ko habang pinapalo siya ng unan.
"Good morning." Anito at ngumiti pa. "Bakit ako nandito?" Sunod na tanong niya.
"Alalahanin mo! Good morning ka pa diyan. May damit ka bang pang palit?" Tanong ko.
"Compartment." Aniya na kunot ang noo sa pagtataka.
"Sige diyan ka lang kukuhanin ko." Ani ko at akmang lalabas na.
"Hmmm..." Ungol niya at hinaplos ang ulo.
"Ano masakit ang ulo mo?" Tanong ko at tumingin siya sa akin.
"Halata ba?" Malasarkastikong aniya at ako namang inirapan siya.
"Okay lang yan, mas masakit walang ulo." Ani ko at agad niya naman akong hinampas ng unan.
"Joke lang! Ano ka ba? Eto na nga oh, painkillers at tubig." Ani ko at ini-abot sa kanya ang kinuha ko galing sa lamesa.
"Kukuhanin ko na nga ang damit mo. Diyan ka lang!" Ani ko.
Kinuha ko ang susi niya at hindi niya ito pinansin. Lumabas na ako ng condo namin at dumeretso sa elevator. Inintay kong magbukas ang elevator at agad pumasok nang bumukas ito. Pinindot ako ang Ground Floor at agad naman itong bumaba. Lumabas na ako nang magbukas ito at dumeretso palabas para pumunta sa sasakyan ni Anthony.
Binati ako ng Guard at tumango lang ako dito. Hinanap ko agad ang sasakyan ni Anthony at agad pinatunog ito. Nilapitan ko ito at binuksan ang compartment para makuha ang damit niya. Nang makuha ko ito, agad na akong bumalik papasok.
Ganoon din ang ginawa ko pataas. Pinindot ko ang floor namin at nakadating na agad ako dito ng saglit lang. Naglakad ako papunta sa room namin at agad pumasok.
Nang buksan ko ang pinto, naabutan ko ang apat na naka-upo sa sofa. Nakunot ang noo ko dahil tahimik silang nakaupo. Problema ng mga 'to?
"Oh, bat kayo tahimik na naka-upo diyan?" Tanong ko sa mga ito.
"Ikaw nalang ang walang date." Ani Sophie.
"Oh? Eh, ano gagawin ko?" Tanong ko at sinara ang pinto.
"Bumili ka kung gusto mo." Malasarkastikong ani Christine at umirap ito.
"Tse! Diyan nga muna kayo." Ani ko at dumeretso sa kwarto ko.
Nagulat ako nang makitang walang Anthony sa loob ng kwarto. Kumunot ang noo ko at tumingin sa labas.
"Asa—" Naputol ang sasabihin ko dahil sa gulat.
Nakita kong nakatayo sa harap ko si Anthony at nakahubad ito. Naka-apron siya at boxers lang. Nakangiti ito sa akin habang hawak ang lalagyan ng kwintas.
Tiningnan ko ang mga kaibigan kong nakatayo na din at nakangiti sa akin ng malapad. Kumunot ang noo ko at nakita silang tumango sa akin.
Si Christine ay nakahalukipkip habang nakangiti habang si Troy ay nagkukunwaring selos sa ginawa ngayon ni Anthony. Tinawanan ko ito at binaling ang tingin ko kina Sophie at Evan na magkahawak ang kamay at nakangiti din sa akin.
Tiningnan ko ulit si Anthony na nakangiti parin at titig sa akin. Tinitigan ko din siya at hinintay na magsalita ito.
"Lily Delos Reyes. Be mine and be my prom date. Will yah?" Anito.
Hindi ako makasagot at natulala sa sinabi nito. Gusto kong sumagot pero ayaw bumuka ng bibig ko. Natulala ako at hindi gumagalaw.
Ano?
A/N: HOY!!! THANK YOU FOR 10.2K READSSS!!!
C U NEXT CHAPTER!
BINABASA MO ANG
Sex Friends
RomantizmWrong grammar and typos are present here. Two exes who still always sees each other... Lily and Anthony who always sleeps with each other... No mutual feelings, they just do it and that's all... But, can they really resist the hotness, chemistry, an...