30. crying dawn

3.4K 36 0
                                    

Lily's POV:

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila. Sinulyapan ko ang cellphone ko at tiningnan ang wallpaper ko.

"Dito kami tutulog, bakit?" Sabi ni Christine.

"Alam namin na gusto mo umiyak Lily. Nandito lang kami. Iiyak ka? Sa amin ka umiyak." Sabi naman ni Sophie.

"We're always here for you. Even the boys outside? They care." Sabi ni Trixie.

May sarisarili silang dalang unan.

Hindi ko alam kung bakit biglang may tumulo na luha galing sa mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Yinakap nila agad ako at ako naman ay humagulgul. Sana maintindihan nila ako. Ilalabas ko nalang...

"Hindi ko maintindihan. Bakit biglang sakit? Ang sakit. Sobra. Kumikirot ang puso ko. bakit pagkatapos ng masasayang araw sa bahay nila may bawi agad? Yung sobrang sakit pa." Sabi ko habang umiiyak. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko.

"Akala ko pwede na ulit kami. Akala ko masaya na ako at siya na talaga. Akala ko masaya na tayong lahat do'n. Akala ko siya na ang tama para sa'kin. Akala ko yun na yung tamang panahon at tamang tao. Bakit ganon? Akala ko lang pala..." Hagulgul ko.

"Masaya na'ko eh. Masaya na kami. Masaya din kayo. Okay na lahat eh. I wish that was all a dream that i never woken up to." Ani ko at pinunasan ang tuloy tuloy na tumutulo kong luha.

"Ayaw ko magmukang mahina. Sa kanya, sa inyo, sa inyong lahat. Ayaw ko na sana umiyak pero hindi ko kaya itago. Sana maintindihan niyo ako. Maiintindihan ko kung maiinis kayo kase nagpaloko ako. Alam kong lagi niyo ako pinagsasabihan kaya sorry talaga." Humahagulgul parin ako sa iyak. Gusto kong tumigil pero parang may sariling isip ang mata ko at tuloy tuloy ang pagluha.

"Sana pala nasabi ko na sa kanya na nagustuhan ko ulit siya. Nagustuhan?" Humalakhak ako na papilit. "Parang ngang hindi naman talaga nawala 'yon sa akin. Tinanggi ko lang sa sarili ko."

"Ayaw ko na. Baka nga hindi talaga kami para sa isa't isa. Baka nga pinaasa lang ako ng tadhana. Baka nga binigay lang sa'kin ang sandaling oras para maging masaya ako." Sambit ko na may mapait na ngiti sa aking labi.

"Wala na eh. Huli na ang lahat. Ang tanga tanga ko kase! Edi sana masaya ako ngayon sa piling niya. Edi sana masaya kami. Yung tipong walang problema at masaya tayong lahat." Sabi ko.

"Sana talaga hindi 'to lahat totoo. Sana bangungot lang 'to na kailangan ako gisingin sa pagkakatulog. Pero hindi eh. Ginising lang ako sa katotohonan na hindi pala talaga kami pwede." Sabi ko at tumawa.

Nakikinig lang sila sa akin. Tahimik sila at umiiyak na din si Christine. Yakap ako ni Trixie. Si Sophie naman ay hawak ang kamay ko.

"Ayaw ko na. Lalo lang ako masasaktan. Hahanap na siguro ako ng iba, yung iba na gagawin ko na lahat para hindi na ulit ako magkamali." Sabi ko.

"Bakit ka umiiyak? Masakit din ba puso mo? Nawasak din?" Medyo natatawa kong tanong.

"Ikaw kase eh!" Sigaw ni Christine at yinakap ako.

"Thank you sa inyo. Hindi kayo nagalit sa akin kahit na tutol kayo sa amin ni Anthony." Sabi ko sa tatlo.

"Okay, wait. First of all, Lily andito kami lagi ha? 'Wag ka magaalinlangan kausapin kami. Hindi ka namin iiwan kahit ikaw pa ang mali dahil mahal ka namin." Sabi ko Trixie.

"Second, naiintindihan ka namin. Kaya nga nandito kami diba? What are friends for?" Ani Trixie.

"Correction: best friends." Sabi ni Christine. "Then third, hindi kami tutol okay? Ayaw ka lang namin masaktan. Pinoprotektahan ka lang namin kase baka masaktan ka sa huli na may malaman kang ikakabagsak mo. Katulad nalang niyan, dba? Anong nangyari? Nasaktan ka. Sobra."

"Fourth, hindi mo kailangan humingi ng tawad. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Nandito nga kami para ilabas mo lahat. Para gumaan 'man lang ang pakiramdam mo. Lily, know your worth. You deserve better than this." Ani Sophie.

"Fifth, sana kayanin mo ang lahat. Magpakatatag ka sana Lily. May darating din sayong swerte. At yung swerte na 'yon, yun ang magpapasaya sayo." Ani Trixie.

"Sixth, Lily naging masaya din kami para sayo. Akala din namin ayun na 'yon. Naiintindihan ka talaga namin at hindi kami magagalit sayo." Ani Christine.

"Thank you talaga sa inyo. Hindi ko alam kung ano ginawa ko para makakuha ng best friends na katulad niyo." Ani ko na lumuluha pa rin.

"We should all go to sleep. Okay ka na ba Lily?" Ani Sophie.

"Yeah. Thanks to the three of you." Sabi ko.

"Aww... Nga pala, kausapin mo si Bryle bukas." Ani Christine.

Bakit naman kaya?

Natulog na kaming lahat pero medyo sumasagabal sa akin ang sinabi ni Christine kaya hindi agad ako nakatulog.

Bumangon ako at lumabas para uminom ng tubig. Pumunta ako sa kusina at dumeretso sa ref. Binuksan ko ito at kumuha ng tubig. May nakita din akong chocolate kaya kinuha ko na din at kinain.

Bumalik na ako sa kwarto pagkatapos ko uminom ng tubig at nahiga na ulit. Pinilit kong matulog pero parang ayaw ng mata ko hanggang sa suminag na ang araw.

Oh shit! This is not good...

Sex FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon