34. He's possesive?

3.8K 47 2
                                    

Lily's POV:

Nanatili kaming tatlo na tahimik. Si Anthony ay tahimik na nagmamaneho. Napapansin ko ang pagsulyap sulyap niya sa akin pero hindi ko ito inintindi. Ang babae ay tahimik lamang sa likod. Habang ako, nakatingin lamang ako sa mga nagdadaanang sasakyan.

Hindi ko namalayang nasa bahay na pala kami ng babae. Bigla nalang huminto ang sasakyan ni Anthony sa isang bahay.

"T- thank you." Pagpapasalamat ng babae.

Tumango na lamang ako habang nakatingin si Anthony sa akin.

"Good luck for the baby! Hope you find the baby daddy." Ani ko. Tumango ito at nagsimula na maglakad papasok sa bahay nila.

Magara ang bahay nila. Siguro ay mayaman din ang babaeng ito.

Nagsimula na gumalaw ang sasakyan ni Anthony. Naririnig ko nalang ang malalalim niyang hinga. Sobrang tahimik namin. Ingay nalang ng air-conditioner ng sasakyan niya ang naririnig ko halos.

"Lily..." Basag nito sa katahimikan. Agad ko naman itong nilingon.

"Y- yeah?" Nautal kong sagot.

"I'm sorry." Paumanhin nito.

"It's not your fault. Really." Ani ko. Natahimik kami ng ilang minuto at bigla ulit siyang nagsalita.

"But I didn't think first. I should have solved the problem first before letting you worry about it." Anito.

"No, it's okay. At least it's now solved." Ani ko na ikinangiti niya.

Akmang sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang telepono ko. Tiningnan ko ito at kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag. Unknown number?

Tumingin muna ako kay Anthony at huminga ng malamim bago sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Hey Lily! It's me Gabe." Anito sa kabilang linya.

"Oh hey, Hi!" Bati ko naman.

"So... I was wondering if our plan going out is still up?"

"Uhm... Yeah, sure. Where are you?"

"Still at the house. Is the group okay with it?..." Nahihiyang anito.

"They wont mind. In fact, they would be glad to see you." Ani ko.

"Great! Send me the place. See yah!"

Bago pa ako makasagot ay nababa niya na ang tawag. Maybe he's just so excited.

"Who's that?" Malamig na tanong ni Anthony.

"Gabe. An old high school friend of ours. Remember?" Ani ko.

"Yeah." Maikling sagot nito. What's the matter with him?

Natahimik kaming dalawa papunta sa isang restaurant na sinabi ni Christine. Sinabi ko na sa kanila ang pagpunta ni Gabe. Nasabi ko na din kay Gabe kung saan siya pupunta.

Nang tumigil ang sasakyan ni Anthony, bumaba na ako ng sasakyan at dumeretso sa loob ng restaurant.

"Hey Lily! Over here!" Ani Christine nang makita ako na naghahanap sa may pinto.

"How's it?" Tanong ni Sophie nang naupo na ako.

"How's what?" Balik na tanong ko.

"You and Anthony. Duh!" Ani Sophie na umirap pa.

"What do you expect?" Tanong ko dito.

"Ugh... Lily Delos Reyes! I can't with you." Ani Christine.

"Why? Bakit ba ang laki ng problema niyo?" Tanong ko sa mga ito.

"Just shut up Lily." Ani Trixie.

Dumating na si Anthony at tumabi naman kina Troy. Nahuli ko itong nakatingin sa akin at sinalubong ko naman ang titig nito.

Dumating ang order ng mga kaibigan ko at saktong dating din ni Gabe. Tumabi ito sa akin at bumati sa iba.

Nagsiubuhan na halata naman na peke ang nga babaeng 'to. Tiningnan ko sila at hindi naman nila ininda ang tingin ko.

"Baka nakakalimutan mo lang, kakabati niyo lang at baka gusto mong tingnan ang tinutukoy ko dahil baka mamaya wala na tayong Gabe na maabutan." Bulong ni Christine na katabi ko lamang. Agad kong tiningnan si Anthony na masama ang tingin kay Gabe.

Tumayo si Anthony at lumapit sa akin.

"One wrong move with him and you don't want to see what I'll do." Bulong nito.

Agad na nagsikiligan ang mga babaeng 'to na ikinairap ko naman.

"Lily! Ako ang kinikilig sayo! Bakit wala ka 'man lang reaction?" Ani Christine.

"Lily! Bakit hindi ka 'man lang namula?" Ani Trixie.

"Edi sana kayo nalang ang binulungan." Ani ko at nakitang umirap si Christine.

***

Hinawakan bigla ni Gabe ang braso ko na ikinagulat ko naman.

"Thats it!" Rinig kong iritadong boses sa table namin.

"Lily get ready!" Biglang sigaw ni Christine sa tabi ko na pinagtaka ko naman.

Bigla akong hinila ng isang tao patayo sa kinauupuan ko. Nang tingnan ko ito, nagulat ako nang makita si Anthony na iritadong iritado ang muka. Wala kaming pake sa mga nagtitinginang tao.

"What the fuck are you doing?!" Pasigaw kong tanong.

Hindi 'man lang ito sumagot o nilingon ako. Hinihila niya parin ako papunta sa sasakyan niya.

"Where are we going?" Tanong ko ng bigla niyang binuksan ang passenger seat.

"Just get in the fucking car!" Anito. Kinunotan ko siya ng noo bago sumakay sa sasakyan niya. Malakas ang pagkakasara niya dito at nagulat ako.

Sumakay na ito sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan niya. Hindi niya 'man lang ako tinitingnan.

Puno ng kyuryosidad ang sarili ko. Tahimik lang ang buong byahe namin. Hindi ko alam kung anong gagawin namin at kung saan kami pupunta.

Tumigil na ang sasakyan niya at biglang kumunot ang noo ko.

"Why are we here?"

A/N: THANK YOU FOR 7.19K READS!!!

C U next chapter!

Sex FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon