39. monday drunken night

3.1K 36 1
                                    

Lily's POV:

Natapos na lahat ng subjects namin at babalik na kami sa condo. Gusto na magpahinga ng katawan ko. Gusto kong matulog.

'Di ko namalayang malapit na pala kami nang biglang tumakbo si Christine sa may pinto. Agad niya itong binuksan at humiga sa sofa.

"Pagod na pagod ka ata?" Natatawang ani Sophie.

"Heh! Ayaw ko na sa school. Gusto ko na mag-graduate. Kayo ba? Gusto niyo?" Ani Christine.

"Aba syempre, oo! Ano pa ang pagsisikap natin kung wala naman pala tayong balak mag-graduate?" Ani Sophie.

"At tsaka, ano ka ba? Magtratrabaho pa tayo pagkatapos mag-graduate. 2 more years and we're done." Ani ko naman.

"Hay nako! Wala pa nga akong prom date. Meron na kayo?" Ani Christine.

"Wala pa." Maikling sagot namin ni Sophie.

"Nga pala, 'di ba kayo nagtataka kung sino yung tatlong lalaki na lilipat next school year?" Tanong ko.

"Hindi. Wala na akong pake." Ani Sophie at tumingin kay Christine na nakangisi.

May alam ba sila sa hindi ko alam?

Winalang bahala ko nalang 'yon at dumeretso na sa kwarto ko para nagpahinga. Natapos ko na ang konting requirements namin kaya naman wala na akong proproblemahin pa.

Hindi pa ako nagtatanghalian pero inantok na ako kaya nakatulog agad ako pagkahiga ko.

Halos tatlong oras ako nakatulog. Pagkagising ko ay dumeretso ako sa banyo para maghilamos at umihi.

***
Nanunuod kaming tatlo ng movie sa TV nang biglang may tumawag sa'kin.

Tiningnan ko ang tumatawag at nakita kong si Evan 'yon.

"Oh? Bakit tumatawag ang lalaking 'to sakin? Magpapaalam ba ng ligaw kay Sophie? Aba, syempre. Pwedeng pwede!" Ani ko bago sagutin ng tawag.

"Hello?" Sabi ko pagkasagot sa tawag.

"Lily?!? Puntahan niyo kami sa bar! Lasing na lasing ang dalawa at hindi ko alam ang gagawin." Anito. Pansin ko ngang nasa bar sila dahil medyo maingay sa kabilang linya.

"Hindi ka ba makakapagdrive?" Tanong ko na medyo natataranta.

"Hindi. Nalasing din ako at baka maaksidente lang kami kung magmamaneho ako." Anito.

"Oh sige, sige. Pupunta kami diyan. Send mo sakin kung saan." Ani ko bago patayin ang linya.

"Magbihis kayo. 'Wag kayo magtagal ha? Bilisan niyo." Ani ko at agad naman nagsikilos ang dalawa habang nagtataka.

Nakita kong hindi rin nagbihis ang dalawa. Nakapantulog lang sila at nagjacket nalang. Ganon din ako.

"Saan ba tayo Lily?" Tanong ni Christine.

"Bakit tumawag sayo si Evan?" Tanong ni Sophie.

"Wala akong oras magpaliwanag. Baka kung ano na ang nangyayari sa tatlong 'yon. Bilisan niyo na." Ani ko habang naglalakad kami papauntang elevator.

Nang magbukas ang elevator, agad akong sumakay at pinindot ang Ground Floor. Sumakay din agad ang dalawa at bumaba na ang elevator.

Nang nakalabas na kami ng building, agad kong hinanap ang kotse ko. Sumakay na ako sa driver seat at si Christine naman ay sa passenger seat habang si Sophie ay sa likod.

"Open my phone and check the massage from Evan." Ani ko at binigay kay Christine and cellphone ko.

"Password?" Tanong nito na tinititigan ang wallpaper ko na nakangisi.

"031313." Ani ko habang nagdradrive na.

"Anniversary niyo dati ni Anthony?" Nakangising tanong naman ni Sophie sa likod na nakita ko lang sa rear view mirror.

"Shut up." Ani ko na tinuon nalang ang pansin sa daan papunta sa sasabihin lugar ni Christine.

Sinabi na ni Christine ang bar at doon ko pinunta ang sasakyan. Hindi kalayuan ito kaya naman madali kaming nakarating dito.

Hindi kami hinarangan ng bouncer sa labas dahil nasa tamang edad na naman kami. Pagkapasok namin, agad naming hinanap ang tatlo.

Pumasok kami sa may Private room at naroon sila. Maraming mayayaman dito dahil maraming tao kahit na private room ito.

Nakita ko agad si Evan na mukang problemadong problemado na sa dalawang lalaking nagsisisigaw na sobrang lasing. Agad namin silang pinuntahan.

"Troy! Bumaba ka nga diyan! Naku ka, mapipingutan kita!" Sigaw ni Christine na pinapababa si Troy. Nakatayo silang dalawa ni Anthony sa mesa habang nagsisisigaw.

"Wooo!! Tumaas ka dito Christine! Mag-inom tayo!" Sigaw din ni Troy.

"Anthony! Isa ka pa namang lalaki ka!" Sigaw ko kay Anthony.

"What did you say, my love?" Pasigaw na tanong nito.

"Tse! Hindi oras ngayon para mambola! Bumaba ka diyan!" Sigaw ko ulit dito na hinihila na siya pababa.

"Ayoko! Tumaas ka nalang din dito!" Sigaw naman nito na hinila na din ako pataas. Masyadong malakas si Anthony kaya hindi ko kinayang pigilan ang panghihila niya.

"Anthony! Bitiwan mo nga ako! Bumaba na tayo rito!" Sigaw ko na kinakalas ang kamay ko sa bisig niya.

Nanlaki ang mata ko nang magsala ang paa ko.

Oh, shit!

Sex FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon