26. Goodbyes?..

3.3K 47 1
                                    

Lily's POV:

Masakit. Pero kailangan kong tanggapin. Mahirap. Pero kailangan kong kayanin. Para sa kanya at para sa anak niya.

Ang drama ko 'no? Nakakatawa diba.

Sana hindi 'yon totoo. Sana panaginip nalang 'to. Pero hindi eh, totoo ang lahat. Aalis na ako mamaya. Nagpapaalam nalang kami kina Tito Tony at Tita Anne.

"Nako hija, pasensya ka na sa anak ko. Lagi kang dadalaw dito ha?" Sabi ni Tita Anne.

"Opo." Sagot ko at tumango na may pilit na ngiti.

"We're really sorry for our son. You are beautiful, Cara. He wasted you." Ani Tito Tony.

Yumuko ako at kinagat ang pangbaba kong labi para pigilan ang pag-iyak.

"Sana mapatawad niyo si Anthony. Mga kaibigan niyo siya pero hindi maiiwasan ang magkagalitan." Sabi ni Tita Anne na malungkot ang muka.

"Bakit ba kase binuntis niya yung babaeng 'yon?" Mahinang pagtataray ni Christine pero sapat na para marinig ko.

Tiningnan ko siya ng masama at nagkibit balikat lamang ito sa akin.

Hinarap ko ulit si Tita Anne at yinakap ito. "Okay lang po Tita." Sabi ko dito.

"Visit us, Cara. We'll accept you here at our house anytime. Again, I'm sorry for my son. I know you all see him as a jerk right now." Ani Tito Tony na niyakap din ako.

"No, Tito and Tita. You don't have to side on me. You should support your son right now. He needs you and his child." Sabi ko sa kanila.

"That's why we really like you. Despite all the things that hurts you or something bad, you still get to be a sweetheart. You're still kind." Sabi ni Tito Tony.

Natawa ako ng mahinhin at umalis na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

Nagpaalam na ang mga kaibigan ko isa isa kina Tito Tony at Tita Anne. Nahihiya parin ako kase ganito kaming aalis pagkatapos nila kaming patigilin dito. Babawi nalang ako sa susunod. 'Yon ay kung may susunod pa.

Inakbayan ako ni Christine sabay binaba ang kamay sa siko ko at pinabalikbalik doon.

"You okay?" Mahinang tanong nito.

"Yeah." Maikling sagot ko naman.

Ayaw ko na makipag-usap pa kaya naman ipinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat niya. Madali ko naman itong nagawa dahil medyo malaki ang agwat ng laki namin ni Christine. Mas matangkad siya sa akin.

Naglalakad kami ni Christine at ng iba pa papunta sa kanikanilang sasakyan. Sasabay ako kina Christine kase wala naman akong iba pang sasabayan. Binitawan na ako ni Christine nang malapit na kami sa sasakyan.

Napatigil ako at tumingin ulit sa bahay nina Anthony. Tiningnan ko ito mula sa pinto, papunta sa bintana ng kwarto ni Anthony. Patay ang ilaw nito. Siguro ay natutulog ito doon.

Habang nakatingin doon ay naalala ko paunti unti ang masasayang nangyari sa amin noong mga nakaraang araw. Bakit? Bakit biglang ganito ang nangyari? Tanong ko sa sarili ko.

Tumingala ako para pigilan ang luha na namuo sa mata ko. No.

Napangiti nalang ako nang may mabilis na dumaan sa langit. A shooting star.

Humiling ako at ngumiti ng pilit. Para akong bata pero hindi ko talaga alam kung totoo ang paghiling sa shooting star. Binalik ko ang tingin sa bahay nina Anthony. Ngumiti ulit ako pero hindi na pilit. Maliit lang ito. May halong pait at saya. Pait dahil baka huli ko na itong makikita. Saya dahil may mga masasayang memorya.

Bumagsak ang tingin ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ulit ang luha ko. Ayaw kong magmukang mahina. Masaya na ako para sa kanya. Sana maging masaya din siya sa magiging pamilya niya.

Goodbye Anthony...

A/N: hoy punasan mo nga yang luha mo! Charr

Wag kayo magagalit ha? Okay lang yan.

C U next chapter!

Sex FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon