23. Dinner Pt.2

3.5K 45 0
                                    

Lily's POV:

Umupo ako sa malayo kay Anthony. Ayaw ko siyang tabihan pero hindi ko alam kung bakit.

Tinitingnan ako ng mga magulang ko at nina Tita at Tito.

May masama ba akong nagawa?

Napatingin ako sa gawi ni Anthony. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya at ganoon ang muka habang nagpipipindot sa kanyang telepono. May nilalaro ata ito.

Tumayo si Tita Anne at pumunta sa akin. Bakante ang upuan sa tabi ni Anthony at doon ako pina-upo ni Tita Anne.

"Yan. Dapat diyan ka umu-upo." Sabi nito na may malapad na ngiti sa mga labi.

"Walang aalis diyan Lily ha." Sabi ni Mommy nang mapansin niyang aalis ako sa kina-uupuan ko.

Ugh... I don't hate Anthony but i don't want them to convince me to do something with him. If i want to do it with Anthony or to Anthony, i would do it myself. With pleasure.

Pinatay ni Anthony ang kanyang telepono nang magdadasal na kami.

Nagsimula na kaming kumain at wala pa din kaming ibo ni Anthony. Torpe.

Kumakain ako ng tahimik nang biglang may ibinulong sa akin si Anthony.

"Bella, come with me after this..."

Kumunot ang noo ko sa ibinulong niya. Bakit nanaman kaya?

Natapos na akong kumain pero sumasagabal pa rin sa utak ko ang sinabi ni Anthony. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ibinulong sa akin.

Nagpaalam ako para pumunta sa cr. Nai-ihi na kasi ako eh. Pumunta ako sa labas ng dining room kung saan naroon ang isang cr.

Mabilis lang akong umihi at nag-ayos din ng sarili. Lumabas ako at nagulat ng madatnan si Anthony na naghihintay sa labas ng banyo.

"W- what are you doing here?" Tanong ko habang sinasara ang pinto ng banyo.

"I told you, bellisima. You're coming with me." Sabi nito na nakangisi at bigla na lamang akong hinila.

"Where are we going?" Pasigaw na pabulong kong tanong.

"Secret bella." Sagot nito na hindi manlang ako nilingon.

Ugh... I hate secrets. It makes me more curious and knowing that I am nosy, i will be more curious and curious.

Sumama na lamang ako dito na naka-kunot ang noo.

Hindi ko na namalayan na nakasakay na pala ako sa sasakyan nito.

"A- Anthony..." Mahinang ani ko.

"It's okay." Matigas na aniya.

"Pe- pero hindi pa tayo nagpapaalam. Baka mag-alala sila." Sabi ko dito.

Hindi ito sumagot at nakita kong nag-igting ang panga niya. Napalunok ako sa ginawa niya. Nakita kong lumunok siya dahil gumalaw ang adams apple niya.

Pina-andar niya na ang kanyang sasakyan. Lahat ng atensyon niya ay nasa daan lamang. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Shit!

Tumigil kami sa may parte ng tabing dagat.

Sinandal niya ang kanyang ulo sa likod ng upuan at mahinang nagmura. What's wrong with him?

"B- bakit tayo nandito?" Tanong ko na may kunot ang noo.

Tumingin ito sa akin. Biglang tumalon ang puso ko. Hindi sa natakot ako pero parang ganon na nga.

Sinalubong ko ang nakakatakot niyang titig. Hindi ako nagpakita ng takot o ano 'man. Bumagsak ang tingin niya sa labi ko. Bigla niya akong sinugod ng halik.

"Hmmm..." Ungol niya sa gitna ng aming halik.

Tumigil siya at napamura sa hangin. Sinubukan kong buksan ang pinto ng sasakyan pero naka-lock ito.

Ugh... Bakit ba kase may lock button ng lahat ng pinto ng sasakyan sa driver at bawal buksan?

Napairap ako sa kawalan. Hinarap ko siya at naabutang nakayuko.

"May problema ka ba?" Mataray na tanong ko.

Tumingin ito sa akin at napansin na may galit o sakit sa kanya. Pero bakit?

Hindi ako makaimik. Kanina naman ay maayos siya. Gusto ko 'man magsalita pero parang ayaw ng labi ko. Binigo ako nito.

May naalala ako. Nahuli ko siyang may ka-text kanina. Kunot ang noo niya habang kausap ito. Pinagtaka ko 'yon pero isinantabi na lamang.

Tumawa ito ng parang pilit. Tumingin ito sa akin at nakita ko ang luha sa mata niya. Humahalakhak ito pero halatang peke lamang.

Bakit?

A/N: hehe. Bitin, hehe.

Hehe

Hehe

Charr. So ayonnn... Sorry na agad sa late updateee

C U next chapter!

Sex FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon