CHAPTER 11

118 12 0
                                    

Chapter 11
Practice... Or Not?

S C A R L E T

WHAT MY HEART DESIRES? Ano kaya yung ipinaparating ni Tita sa kanyang sinabi? Naguguluhan na ako ngayon. I don't know what to say.

The sudden silence was immediately replaced by a loud noise that just entered the silent place.

"TITA! Nandito na po kami— Oh Miss President! Nandito ka na pala." Sabi ni Andrew

They're here.

"Nandito si Miss President?" Agad namang hinanap ng aking mata ang pinanggalingan ng boses na yun. "Miss President!" Sabi niya at bigla niya akong niyakap.

My heart is beating so fast! Ng dahil lang sa pag-yakap niya sakin, ito na yung naging epekto sa puso ko.

"Stop it Van." Sabi ni Dale at itinggal ang pagkayakap ni Van sakin.

"Ang kj mo Dale! Don't tell me nagseselos ka? Naku Dale sinasabi ko talaga sayo—" Nilagay ni Seven ang isang piraso ng tinapay sa bibig ni Van.

Bumaba na pala siya. Napatingin ako kay Tita na ngayon ay nakangiti sakin.

Hindi ko pa rin gets yung sinabi mo sakin Tita.

"Ang ingay mo talaga Yuan." Sabi ni Seven at kumuha na rin ng isang tinapay para sa kanya.

Nung maubos yung tinapay na nilagay ni Seven sa bibig ni Van ay agad siyang napalingon kay Tita Sandy. "Ang sarap talaga nito Tita!" Sabi niya at kumuha pa ng isang tinapay.

Napataas yung isang kilay ko ng inilagay niya yung tinapay sa kamay ko. Anong gagawin ko dito? Tiningnan ko siya na parang naguguluhan.

"Subuan mo ako." He ordered me to do so.

Inirapan ko siya at inilagay ko ng buo yung tinapay sa kanyang bibig. "Mabulunan ka sana."

"Aray, kinakagat na ako ng mga langgam dito." Sabi ni Aiden at umaacting na parang kinakalmot ang kanyang kamay.

"Oo nga Aiden ako rin!" Sumunod rin si Andrew sa ginagawa ni Aiden.

"Are we going to practice or not?" Singit ni Dale sa usapan.

"Nandyan ka pala Dale? Di kita nakita ah!" Pang-aasar ni Aiden. Tinapunan siya ng tissue ni Dale.

"Osya, mag-practice na kayo. I expect something good after the performance." Sabi ni Tita Sandy samin.

"Libreng pagkain pag-nanalo kami Tita ah!" Sabi ni Van kay Tita.

"Tumahimik ka nga Van. Palagi na nga kayong nakakalibre dito." Pag-suway sa kanya ni Seven.

"Hayaan mo na Seven." Nakangiting sabi ni Tita Sandy samin. "Ingatan niyo si Scarlet ha. Be patient with her." Sabi niya sa mga lalaki.

Naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Van. "Syempre naman Tita!"

"Okay so let's start. San tayo magsisimula?" Tinanggal ko yung pagkaakbay niya sakin.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon