Chapter 24
That MomentS C A R L E T
SINUNGALING yung lalaking nagbabantay dito! Sabi niya dalawa lang yung kasya eh bakit ang laki masyado ng space? Kasya naman apat dito!
Nasa medyo mataas na kami na parte ng ferris wheel. Ngunit mula nung pagkapasok namin dito hanggang ngayon wala pa ring may gustong mag-salita. Nagulat lang kami nung biglang nag-stop yung ferris wheel. Nawala rin yung kulay ng lights. This thing just stopped! At nasa pinakatuktok kami!
I am freaking out right now. Hindi man ako nagsasalita ngayon pero pakiramdam kong napapansin niya na natatakot ako sa sitwasyon namin ngayon.
"D-Don't be scared. Everything will be alright." He first broke the silence.
Pagkarinig ko ng boses niya unti-unting bumubuhos yung mga luha ko. Nagulat siya nung makita niyang umiiyak ako sa harapan niya.
"Scarlet! Stop crying, hush. Everything's going to be alright. Don't be scared." Sabi niya.
Nakatingin na siya ngayon sa mga mata ko. "Sino ba ang nag-sabing takot ako?"
"Then bakit umiiyak?" Sabi niya
"I'm just glad you're talking to me again." The reason is just weird but it's true.
Bigla na lang bumuhos yung mga luha ko nung marinig ko ang boses niya kanina. I felt relieved. Dahil kinausap niya ako.
"I'm sorry for what I did. I was confused, hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos mong sabihin iyon sakin sa harap ng maraming tao. I was scared to make the wrong decision kaya tumakbo ako palayo. I was stupid for not thinking kung anong mararamdaman mo sa oras na gawin ko yun. I'm really sorry, Van." Nagulat na lang ako nung yakapin niya ako.
My heart is beating fast. Alam ko sa oras na yakapin ko siya pabalik, everything will change.
But I don't care.
Niyakap ko rin siya pabalik bago niya ako tingnan. Namumula na yung buong mukha ko dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"I like you very much Scarlet. And I also respect your decision. I know that you came to that school not to fall in love but to study hard. That's why I will wait no matter how long it is. I will make sure to make you like me back." Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Hindi mo na kailangang mag-hintay." Inilapit ko yung bibig ko sa kanyang tainga. "I like you too." Bulong ko sa kanya at inayos yung pwesto naming dalawa.
Masyadong malapit ang posisyon namin kanina, delikado na baka biglang gumana yung ferris wheel at may mangyari na hindi kanaisnais.
He looked so speechless. Hindi pa rin sumisink in sa kanya yung sinabi ko. "Hoi." I snapped my finger at him.
"Ha?" Yan lang yung sinagot niya sakin kaya napailing na lang ako.
Bigla namang gumana muli yung ferris wheel at muling umikot. Naisipan na lang namin na ituon ang aming atensyon sa napakagandang senaryo na nakikita namin ngayon mula sa ferris wheel. Nakita rin namin ang napakagandang pagbaba ng araw.
Pagkatapos nung ride namin ay agad akong bumaba ng cart nang nakangiti. Hindi pa rin talaga bumabalik sa katinuan yung lalaking yun. Bumaba na rin yung ibang kasama namin mula sa kanilang cart habang nakatingin samin na may malaking ngisi.
"Musta yung ride?" Tanong ni Kuya Vash.
"Thank you." Bulong ko sa kanya at kumindat.

BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Teen FictionACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...