CHAPTER 33

79 7 0
                                    

Chapter 33
Partner

S C A R L E T

IT'S MORNING AGAIN! Napasarap yata yung tulog ng mga kaibigan ko dahil anong oras na mahimbing pa rin sila na natutulog. Napagdesisyunan kong maligo muna at mag-ayos bago lumabas ng kwarto.

"Good morning! Ba't ang aga mo?" Nagulat na lang ako nung pagkarating ko sa baba ay nakita kong umiinom ng kape si Van. Umupo ako sa harapan niya.

He waved at me. "I'm always early, gusto mo?" Turo niya sa kanyang kape.

I refused. "No thanks. Hindi ka ba pagod sa biyahe?" Inilagay niya yung kanyang mug sa ibabaw ng mesa.

"Ikaw?" Napakunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Anong ako? Don't answer me with a question."

"Concerned ka 'no Miss Pres?" Nakangisi niyang sabi kaya naman ay tumayo ako sa aking inuupuan.

"Bahala ka kung anong gusto mong isipin." Sabi ko na lang at naisipan na pumunta ng kusina, baka may maitulong ako.

"Good morning po!" Sabi ko kina Tita Sam at sa mga katulong. Nakita ko rin na nandoon si Seine.

Hindi pa rin niya ako gusto. She still looks at me with her strong glare. Parang mapapatay niya ako sa tingin niya.

"Magandang umaga rin Scarlet! Mabuti ba yung naging tulog mo?" Masayang bungad sa akin ni Tita.

"Ang sarap pong matulog doon sa kwarto. I had a good sleep last night. Meron po ba akong matutulong dito?" I asked her.

"Naku wag na! Bisita kayo dito kaya hintayin mo na lang yung mga kaibigan mo na magising. At saka maluluto na rin yung almusal natin." Sabi niya at ipinakita sa akin yung kanyang niluluto.

"Ganun po ba?" Napatingin ako kay Seine na ngayon ay naghihiwa ng sibuyas. "Gusto mo ng tulong?" I asked her nicely as I could. Pero tiningnan niya lang ako at hindi pinansin.

Oh well. At least I tried talking to her. Lumabas na lang ako ng kusina dahil hindi talaga nila ako pinapatulong.

"Hindi ka pa tapos?" Tanong ko kay Van na hanggang ngayon ay umiinom pa ng kape.

"Hindi pa. Kakainom ko lang nito 'no! I also offered my help sa kusina kanina pero tulad ng nangyari sayo rin yung sinapit ko." Umupo na lang ulit ako sa harapan niya. Kinuha ko yung kape at tinikman iyon.

"Pwe! Hindi ka ba naglalagay ng asukal?" Ang pait! Wala namang tamis ang kapeng yan.

"I don't like sugar in my coffee Miss Pres. Just to let you know." Kumindat naman siya sakin.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko sa kanya.

"Tired of what exactly?" Napatingin siya sakin.

"Sa paghahabol sakin." Nag-iba yung itsura niya. He looked serious now.

He sighed. "Bakit naman ako mapapagod Miss Pres?"

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon