Chapter 41
S C A R L E T
MARAMING NANGYARI noong mga nakaraang araw. Naging busy na yung banda sa pag-hahanda para sa Winter Fest na minsan hindi sila pumapasok ng mga klase. But it's alright. They already asked permission sa mga guro. Todo suporta pa nga yung ipinapakita nila. Si Principal naman umalis nanaman ng hindi namin alam. One day I went to his office pero yung nakita ko lang doon ay ang isang note na nagsasabing may pupuntahan nanaman siya.
Marami rin akong ginawa nitong mga nakaraang araw. I balanced training, studies, and council duties. PLUS yung essay entry ko pala para sa Harvard.
"How's training? Malapit na yung competition mo." May nag-lagay ng isang juice sa harapan ko. Napatingin naman ako sa taong nag-bigay noon at si Van pala.
Nandito kami ngayon sa classroom. First subject at wala pa yung guro namin. It's still actually early, napag-tripan ko lang pumunta dito ng maaga upang isagot yung binigay sakin ni Sir Benj na worksheets.
"Nakakapagod na." Ibinalik ko yung aking atensyon sa pag-sagot. Kinuha niya yung isang worksheet na tapos ko nang sinagutan.
"Wow, you're really this smart. All I can see are numbers." Tumingin ako sa kanya.
"Kayo? Kamusta yung practice niyo? Malapit na rin yung Winter Fest." Kinuha ko yung juice na binigay niya sakin at tinikman ko iyon.
Umupo siya sa kanyang upuan at inilagay ang kanyang mga paa sa kanyang desk. Feel at home?
"We're all set! Hindi ka ba talaga pupunta?" Tumingin ako sa kanyang mga mata.
"Kung may chance, I can escape the awarding." Napag-alalaman ko kasi na yung oras ng kanilang pag-perform ay parehong oras ng awarding.
Napangiti siya sa sinabi ko. "Sana nga makahabol ka. We actually prepared a song for you."
"Ha? Bakit naman?" Tumibok ng mabilis yung puso ko.
Why would they sing a song for me?
"Secret." Kumindat siya sakin kaya naman ay napailing ako.
I really need to go to that concert! Sayang naman yung kantang hinanda nila para sakin kung hindi ko iyon maririnig.
Hindi na ako nakapag-salita pa dahil pumasok na sa loob yung aming guro. Hindi talaga ako nakakapag-concentrate sa mga sinasabi ng aming guro dahil sa kakaisip nung kantang para sa akin. I have high expectations for the song.
Ang bilis talagang tumakbo yung oras, hindi ko namalayan na hapon na pala. I just found myself exiting the classroom of our last subject.
"Miss President!" Diane waved at my direction.
Lumapit naman siya sakin at sumabay sa paglakad ko. "May problema ba?"
"Wala 'no! Eto pala." May kinuha siya sa kanyang bulsa. "I bought you a ticket. Baka sakaling makarating ka doon kahit last song man lang." She handed me a ticket for Winter Fest.
Napangiti ako. "Thanks." Itatago ko na sana yung ticket pero pinigilan niya ako.
"Yung bayad?" Nawala yung ngiti sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Fiksi RemajaACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...