CHAPTER 25

88 8 1
                                    

Chapter 25
Say What?

S C A R L E T

IT'S ANOTHER DAY in my life. Mabuti at buhay pa rin ako hanggang ngayon. Pagkatapos kong iayos yung sarili ko ay bumaba na ako upang kumain ng almusal.

Hindi ako pinapayagan na umalis ng bahay kapag hindi muna nag-uumagahan. Palagi akong pinapagalitan ni Dad kapag umaalis ako ng maaga.

"You're here! Try mo itong hotdog, galing spain yan!" Sabi ni Dad sakin at inilagay yung dalawang piraso ng hotdog sa plato ko.

"Ano namang pinagkaiba nito sa hotdog dito sa Pinas?" Tinikman ko iyon.

It still taste the same.

"Yung pinanggalingan niya, duh." Sabi niya at itinuon muli ang atensyon sa kanyang hawak na dyaryo.

"Kailan ka pala aalis pabalik ng Europe?" I asked him.

It's weird that he hasn't gone back to Europe. Hindi ba siya hinahanap ng kumpanya doon?

"Ayaw mo na ba ako dito?" Tanong niya sakin at tiningnan ako sa mata.

"Stop being dramatic Dad. Ang aga-aga pa para dyan." Kumuha pa ako ng isang pirasong hotdog.

Hindi ko alam pero these past few days palagi na lang ako ginugutom. Palagi naman akong kumakain, ba't hindi pa rin sapat?

"I hope you're doing fine right now." Napalingon ako sakanya. Is he going to ask me about a guy again? "Wala ka ba talagang ipapakilala sakin?"

Sabi ko na nga ba.

"Dad. Wala nga. Kumain ka na lang diyan." Sinubuan ko siya ng isang hotdog.

That will keep his mouth shut for a moment.

"Uhm Scarlet?" Pagkuha muli ng atensyon sakin ni Dad.

"Yes? Siguraduhin mong hindi yan tungkol sa love life ko." Tanong ko saka uminom ng kape.

Ang pait naman nito. Wala ba silang inilagay na asukal?

"I actually have something to tell. I hope you wouldn't get angry at me for this." Sabi niya kaya naman ay tiningnan ko siya.

He looked so serious. Ano kaya yung gusto niyang sabihin sakin?

"Tell me." Ibinalik ko yung atensyon ko sa iniinom kong kape.

"I think I'm getting married." Pagkasabi niya nun ay agad akong nabulunan sa kapeng iniinom ko.

Say what? Teka, ang init ng kape!

"Anong sabi mo Dad?" I asked him while looking surprised.

Him getting married? Never knew he was dating someone.

"I got this woman in my eyes for years now. I actually taught of proposing to her." Nahihiya pang sabi ni Dad sakin.

"Is she kind?"

"She is! Remember the anonymous person who donated a big amount at the orphanage? She was the one who did it." I smiled.

Not because of what Dad said. But because of his reaction. He looked so in love. I never saw this side of him.

"Then go with it." I placed a cinnamon bun in my mouth.

"You're not mad? This wasn't the reaction I was preparing for!" Gulat niyang sabi sakin.

Nilunok ko muna yung tinapay bago siya sagutin. "Ba't naman ako magagalit? It's your happiness Dad. Besides, I also want to have a Mom. Alam mo yan." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon