CHAPTER 39

73 7 0
                                    

Chapter 39
They Are Back

S C A R L E T

AFTER THAT sudden news, maraming tao ang nagulat. Kahit ako nagulat pagkatapos kong makita yung nakasulat doon. Wala namang away na naganap sa grupo, ba't siya umalis?

Pag-kauwi ko rin ng araw na iyon hindi ko nakitang lumabas ng kwarto si Seven. He's living in the house after our parents got married. Tinitingnan ko rin yung gc, hindi ko alam pero hanggang ngayon nandoon pa rin ako. Van's still in the gc pero hindi na niya tinitingnan yung mga message doon. All of them are worried. Hindi rin nila alam ang dahilan kung bakit siya umalis.

Well I guess except for one person. I decided to check the music room baka kasi nandoon yung taong hinahanap ko. And my guess was right, nandoon siya sa harapan ng piano.

"Dale. Can we talk?" Napatigil siya sa pag-play nung instrument pagkatapos niyang marinig yung boses ko.

"Sure, was is it Miss Pres?" He smiled at me.

But that was not the usual smile he always give.

"I know you're smart enough to know why I am here." Humiwalay siya ng tingin sa akin.

"You got the wrong person." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.

"May problema ba si Van?" Hindi ko mapigilan na mag-tanong.

Among all of the group members, alam kong may alam siya. After all, he is his best friend. They grew up together. Kung may problemang hinaharap yung lalaking yun ngayon alam kong alam rin niya.

"I guess I don't have any reasons to not tell you." Umupo ulit siya sa kanyang inuupuan kanina. "His family is back."

"And?" Ano naman yung kinalaman nun sa pag-alis niya sa grupo?

"Alam mong hindi gusto ng pamilya niya ang pagbabanda, lalong-lala na si Tito. Now that they are back, he has no choice but to quit."

"Where is he?" Tanong ko sa kanya.

Agad namang siyang napatingin sa mga mata ko. "What are you going to do Scarlet?"

"I'm just going to shove right into his face how stupid his decision is." Sabi ko sa kanya at umalis na ng music room.

Akala ko ba gusto niya yung kanyang ginagawa? Araw-araw niyang ipinamumukha sa akin kung gaano siya kasaya sa pagbabanda. Pero bakit parang andali niya lang bitawan yung bagay na iyon?

He really needs to be in his senses right now!

Pagkalabas ko ng school ay agad kong tinawagan yung driver ko. Mabuti na lang at nasa malapit lang siya kaya agad akong nakasakay.

"Where are we going?" Tanong sa akin ni Kuya

"To the Yuan's residence." Tumingin ako sa labas ng bintana.

"May I know kung ano yung gagawin mo doon? Is it 'that' important na kaya mong umalis ng school habang may pasok ka pa?" I did not answer back.

Hindi ko rin alam. This is the first time na hindi ako pumasok ng klase na walang kinalaman sa council. Bigla na lang ako dinala ng mga paa ko sa labas ng school.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon