EPILOGUE

194 8 0
                                    

Chapter 50

S C A R L E T

AALIS NA SANA ako sa pwesto upang hanapin si Van nang may taong pumunta sa harapan ko.

"Congratulations again Miss President." Napatingin ako sa taong yun and it was the Principal.

"Ilang beses mo ba yan sinabi sa akin?" Natatawa kong sabi

"I am actually here to tell you that I am retiring." Nagulat ako sa kanyang sinabi.

"Hindi mo man lang ba hihintayin yung bagong batch ng council?"

"Nope. Gusto ko nang ituon yung buhay ko sa paglalakbay. That's what my wife wants to do kung hindi siya namatay." Narinig kong namatay yung kanyang asawa a year before I entered high school. Because of cancer? I dunno. People never talked about it.

"Kaya pala nawala ka. You were busy preparing for your retirement." Tumango naman siya.

"Stay strong." Kumunot yung noo ko sa kanyang sinabi.

"Huh?"

"I know something about you and my grandson. I really want the both of you for each other. Alam kong natanggap ka sa Harvard, you will eventually part ways for college. But please stay strong, promise me that." Seryoso niyang sabi sa akin.

Naramdaman ko ang pagtindig ng aking mga balahibo. Hindi ako sanay na makita siyang seryoso ng ganito. Yung boses niya para siyang namamaalam. May sakit ba siya?

"Okay ka lang ba, Principal?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

He laughed. "Hindi pa ako mamamatay wag kang mag-alala." Tinapik niya yung balikat ko at nagpaalam na siya sa akin.

Pagkatapos niyang umalis ay nakita ko naman yung buong pamilya ni Van. All of them are talking with each other. Nandoon rin si Kuya Vash at parang okay na silang magkapatid. They're talking to each other with a smile on their faces. Nakita naman ako ni Kuya Vash at tinawag kaya ay lumapit ako sa kanila.

"Congratulations Scarlet! I don't know why but your look right now reminds me of your mother when we were young." Kwento ni Tita Leah.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mom, are you proud at me right now?

"Mabuti na lang at naka-graduate rin kasama mo yung kapatid ko." Pang-aasar ni Kuya Vash kay Van kaya tiningnan siya nito ng masama.

"Don't be harsh to your brother Vashlee. At least he graduated." Tumawa naman kami nung sabihin iyon ng kanilang ama.

"Dad!" Van hissed.

Napangiti ako. Mabuti talaga't okay na sila.

"Nasan pala yung pamilya mo iha? Are you also going to have dinner?" Tanong ni Tito sa akin.

"Why not we have dinner with them?" Suggest ni Tita sa kanyang pamilya.

"Nauna na po sila. Actually, I'm not going to have dinner with them. We already celebrated last night." Panimula ko. "I actually have something to ask you po." Magalang kong sabi kina Tita at Tito.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon