Chapter 32
ArrivalS C A R L E T
AFTER SEINE left the room, panay ang hingi sakin ng tawad ni Tita Sam dahil sa inasta ng kanyang anak. She shouldn't be apologizing for her daughter's actions.
Nandito ako ngayon sa kanilang garden. May ginagawa kasi sila sa loob kaya naisipan ko munang ikutin ang kanilang bahay. Dito ako dinala ng aking mga paa sa isang upuan na gawa sa kahoy. Umupo ako at tiningnan ang mga halaman na nandito.
Naisipan kong tawagin si Joanna. It's been days since both of us talked to each other.
Calling... Joanna
Mabuti na lang at agad niyang sinagot yung tawag.
"Yes Miss President?" Naririnig kong parang nasa biyahe siya.
"Nasan ka? Ba't parang nasa kotse ka?" At mukhang may mga kasama siya. Naririnig ko kasi sa kabilang linya na may nagsasabing 'shh'.
"Ay, pupunta kasi ako sa school ngayon Miss Pres. Nakalimutan ko yung ibang importanteng papel doon sa office." Bukas pala yung school ngayon?
I do believe today is a Sunday.
"Okay. I just wanted someone to talk with."
"Why? May problema ba diyan Miss President?" Napabuntong-hininga muna ako bago siya sinagot.
"Hindi ko masasabi na problema. They are nice, maganda yung salubong sakin ng kapatid ni Tita Sandy at ang kanilang ina. I even introduced myself with some of Seven's cousins."
"Oh. Anong mali naman diyan? They all like you!" Kung alam mo lang Jo.
"Correction. Not all of them. Parang galit sakin yung isang pinsan ni Seven. Hindi ko alam yung maling ginawa ko sa kanya. Bigla na lang niya ako titingnan ng masama at ang lamig ng pakikitungo niya."Hindi siya sumagot. Tiningnan ko kung wala na yung call pero hindi pa naman.
"Hello? Joanna?"
"Talk to you later Miss President!" Bigla na lang niya akong binabaan.
Ano kaya nangyari doon?
"Are you done checking out the house?" Biglang nagpakita si Seven at umupo sa tabi ko.
Itinago ko sa aking bulsa yung phone.
"It's pretty." Sabi ko habang nasa paligid pa rin yung tingin.
"Pasensya talaga sa pinsan ko. I didn't know she was like that. The last time I saw her, ang tahimik niya." Sabi niya
"May problema ba siya sa pamilya?" I asked him
Napatingin ako sa kanya ngunit nasa ibang direksyon siya nakatingin. Napatingin na lang ulit ako sa mga halaman.
"Her parents just got divorced. Yun yung alam ko. Sinabi rin kanina ni Tita na ganyan na yung inaasta niya pagkatapos nung araw na yon." But why is she mad at me?
I can really sense that she dislikes me. Napailing na lang ako. Not everyone likes you Scarlet. Hindi kana dapat magugulat kung hindi ka niya gusto.
BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Teen FictionACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...