CHAPTER 8

123 12 0
                                    

Chapter 8
The Answer

S C A R L E T

THE NEXT DAY was just normal as every other day. Nakakagulat lang dahil hindi ko nakita sa klase yung dalawang kasama sa banda nung first subject. Yung subject na 'yun lang yung magkapareho naming subject.

"Diane?" Nakita ko nanaman siya dito sa labas ng aming silid.

Tiningnan ko yung loob ng room namin ngunit wala naman doon yung crush niya. Teka, hindi pumasok yung dalawang 'yun.

"Good day Miss President! Wala ba sila Aiden sa loob?" She's looking around the place.

Hinila ko muna siya paalis ng pintuan. "Hindi sila pumasok."

"Talaga? Omo! So tama yung post?" Sabi niya at agad na tiningnan ang kanyang cellphone.

"Bakit? Ano yung nakalagay?" I asked.

"Na may bagong kantang irerelease yung Act One AHHHH!" Tili niya dahilan para takpan ko yung kanyang bibig.

Sa lakas ng kanyang pag-tili, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito.

"Yung boses mo Diane." Pagsuway ko sakanya.

Hindi niya pinansin yung sinabi ko."Hindi ka naeexcite Miss Pres?"

"Bakit naman ako maeexcite?" Kunot noo kong tanong.

"You really need to listen to their songs! At saka yung mga cover nila, ang ganda! Kahit hindi ko maririnig na kumanta si Aiden, ang gwapo ng pag-drums niya." Kinikilig niyang sabi.

Napailing na lang ako. It's not that I don't want to listen to their music. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga ganyan. Ganito ba talaga kaboring yung buhay ko?

"You need to listen to them!" Sabi niya at binibigay niya sakin yung headset niya na nakaconnect sa kanyang cp.

I declined her offer. "Nope. I'm fine." Sabi ko.

"Miss Pres!" Humihingal na sabi ni Patrick.

"Patrick! Ngayon lang kita nakita ah. San ka ba galing?" Sabi sakanya ni Diane.

Ngayon ko lang rin siya nakita. Ang busy talaga ng lalaking 'to.

"Miss Pres. Kailangan niyo 'pong pumunta sa office."

"Why? Is there a problem? I haven't receive any text or anything from the council yet." Tanong ko at tiningnan ko pa yung cellphone ko.

Wala naman akong natanggap na notice ah.

"Si Heath! Nandoon." Pagkabigkas niya ng pangalan na 'yon ay agad na kumulo yung dugo ko.

What is he doing here in my school?!

"Seryoso ka Patrick? Heath? As in yung president ng kabilang school?" Tumango si Patrick. "My gosh! We need to go there now Miss Pres!" Hinila ako ni Diane papunta ng office.

Ano ba ang problema ng mga tao sakin? 'Bat ang hilig nilang manghila?

Pagkarating namin doon ay agad namin nakita ang kanyang katawan. Kausap niya ngayon si Gerald.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon