CHAPTER 34

75 7 0
                                    

Chapter 34
Why

S C A R L E T

YESTERDAY'S ADVENTURE didn't go as planned. Kinsey and Seven were just bickering almost all day. Ganun na rin sina Savannah at Xavier. Ano ba meron sa kanila?

Bagong araw nanaman, at ngayon paparating si Dad galing sa Europe. Bukas na rin pala yung kasal. Bakit kaya sila Kinsey at Xavier lang yung nandito? Nasan yung iba?

"Kinsey, pwede bang mag-tanong?" Tanong ko sa babaeng inaayos yung kanyang buhok ngayon.

"You're already asking. Go on shoot!" She said pero nasa kanyang buhok pa rin ang kanyang atensyon.

"Where are your parents? Ba't kayo lang ni Xavier yung nandito?" Turo ko sa isa kong pinsan na naglalaro ng kanyang psp.

Nabitawan ni Kinsey yung suklay. "They won't come. All of them have appointments regarding the company. Sabi nila na mauna na lang kami ni Xavier dito at hahabol na lang daw sila. Pero narinig ko yung usapan nila bago kami umalis papunta dito sa Pilipinas na may problema ang kumpanya."

May problema yung kumpanya? Kaya pala bumalik ng Europe si Dad. Bakit hindi niya sinabi sa akin? I could help him.

My Mom's family business was bought by the Zamora Empire. Kaya nagtratrabaho doon yung pamilya ng kapatid ni Mom. Pero meron silang malaking posisyon sa kumpanya, there are a lot of branches.

"Bahala na lang. Tapusin mo na yung pag-aayos diyan at pumunta na kayo ni Xavier sa baba. Kailangan ata nila ng tulong natin para sa handa mamaya." Sabi ko at pumunta sa pintuan ng kwarto.

She groaned. "Why do we have to help? You know how I can't even get my nails done by myself!"

"Kinsey." Tiningnan ko siya ng masama bago ako tuluyan na lumabas ng kwarto at pumunta na sa baba upang tumulong sa kanila.

They are all busy down here. Tumutulong na rin yung mga kaibigan ko.

"How are your cousins?" Kinamusta ni Tita Sandy yung mga pinsan ko.

"They're both fine. Bababa na rin sila dito upang tumulong." Sabi ko.

"Mabuti naman at tutulong yung dalawang yun." Iritang sabi ni Seven.

"Seven!" Suway ni Tita sa kanyang anak.

Why is he irritated at my cousins? Lalong-lalo na kay Kinsey? Pagkikita lang nila kahapon kung mag-away na ang dalawang 'to akala mong ilang taon nang magkaaway.

"Don't be harsh towards them Seven. They're not used to this kind of treatment." Sabi ko na lang. Marami naman silang katulong kaya sila yung gumagawa ng mga bagay na tulad nito.

I won't actually argue by the fact that both of them are spoiled. Nag-iisang anak lang silang dalawa ng kanilang pamilya.

"Eh bakit naman sila nandito kung hindi sila tutulong?" Mag-pinsan talaga yung dalawang 'to.

Ginulo ko yung buhok ni Savannah. "They are my family."

Sumimangot na lang yung bata at pumunta sa pwesto ng kanyang pinsan upang tumulong. I suppose that I should also help. Pumunta ako kina Tita at nagtanong kung anong pwede kong maitulong.

"Is it okay for you to buy some ingredients for us? Naubusan kasi." Agad naman akong tumango sa request ng isa nilang katulong.

"Sige po!" Binigyan niya ako ng pera at ng listahan.

"Isama mo na lang si Seven." Sabi ni Tita sa akin.

Umiling ako. "May ginagawa siya Tita, kaya ko naman pong mag-isa." Naaalala ko pa naman kung saan ang daan papunta ng merkado.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon