Chapter 15
Pleasantly UnpleasantS C A R L E T
"Tired?" Lumapit sakin si Seven at nag-bigay ng isang mineral water.
"Thanks." Ininom ko muna yung binigay niyang tubig. "I'd be lying if I say no."
"You've becoming better and better Miss President!" Sabi ni Andrew na nasa tabi ni Aiden at kumukuha ng tubig na maiinom.
Well yeah. My voice is really improving, I guess?
Lumibot yung tingin ko sa buong cafe. Nasan na pala yung lalaking yun?
"Looking for Van?" Sabi ni Dale na nasa likod ko.
Agad akong umiling sa sinabi niya. "Wala akong sinabi."
"Wala ka ngang sinabi pero kitang-kita naman sa ekspresyon mo." He drinks his water as if he's sipping tea.
"Nadetention ulit yung lokong yun dahil natulog sa Geography class. Sa dinami-dami naman ng tulugan niyang subject yung sa terror pa na teacher." Sabi naman ni Aiden habang kumakain ng chips.
Hindi ba siya tinuruan na hindi mag-salita habang kumakain?
"I survived!" Pagod na sabi ng isang taong kakapasok lang ng cafe.
He really looks so tired. Iba talagang mag-parusa yung gurong yun.
"Anong ginawa sayo? Para kang narape!" Pinagtatawanan siya ni Aiden.
"Gago!" Binato niya ng bag si Aiden. "Nakakagigil talaga yung matandang 'yun! Pinaglinis ba naman ako ng buong building? Sino ba ang hindi matutulog ng dahil sa boring niyang subject." Umupo siya sa tabi ko at inagaw mula sakin yung tubig ko.
I raised my eyebrow at him. "Maraming tubig doon, ba't mo kinuha yung sakin?"
"Dahil gusto ko." Sabi niya at ipinagpatuloy ang kanyang pag-inom.
Halos ubusin na niya yung tubig ko. Napansin ko ang mga pawis na tumutulo mula sa buhok niya kaya naman biglang kumilos yung kamay ko at ibinigay sa kanya yung aking panyo.
"Damn! Ang swerte mo Van!" Hiyaw ni Andrew.
Napatingin si Van sa panyong inilahad ko sa kanya at saka tumingin sakin habang nakangiti ng nakakaloko. He looks like an idiot!
"Ikaw Miss President ah. Kinikilig ako." Nakangisi niyang sabi.
"Edi wow." Sabi ko at ibabalik na sana yung panyo sa bulsa ko ng hawakan niya yung kamay ko.
"Oh anong ginagawa mo." Gumagawa ako ng paaran upang matanggal yung pagkahawak niya sa kamay ko ngunit ang lakas niya!
"Ibabalik ko kaya bitawan mo ako."
"Hindi ko sinabing di ko tatanggapin 'to." Sabi niya at umalis sa tabi ko habang hawak-hawak yung panyo ko.
"Ba't di mo siya hahabulin?" Natatawang tanong sakin ni Dale.
"Ba't ko hahabulin yun?" Tumayo na rin si Dale. "Bahala nga kayo sa buhay niyo." Sabi niya bago tuluyang umalis sa likod ko.
Anong problema naman nun?
"Can't believe bukas na yung competition." Sabi ni Seven.
"AHHH! Oo nga! Hindi ba kayo kinakabahan?" Sabi ni Aiden at tinuro kami ni Van.
BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Teen FictionACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...