CHAPTER 31

78 6 0
                                    

Chapter 31
Them

S C A R L E T

"ARE YOU BOTH READY?" Tanong ni Tita sa aming dalawa ni Seven ngayon. We're on our way to her family's house here in her hometown.

"Kinakabahan pa rin ako Tita." Sinabi ko sa kanya yung totoo.

Kailangan ko makuha ang good side ng pamilya nila! Ayokong sirain yung imahe ni Dad sa kanila.

"I'm also nervous just like you are." Sabi ni Seven na nakatingin sa bintana.

He's sitting at the passenger seat. Si Tita yung nagdridrive. Nandito ako sa likod kasama yung ibang mga gamit namin.

"Bakit ka naman din kinakabahan?" Pamilya niya yun!

"Matagal nang hindi kami nagkikita-kita ng pamilya namin. The last time we met each other, bata pa lang itong si Seven." Sabi naman ni Tita Sandy.

"Hindi ko na nga maalala kung may mga pinsan ako." Seryoso siya?? "Ikaw? Malapit ka ba sa pamilya mo?"

Napatingin rin ako sa labas. "Dalawa lang yung pinsan ko. Isa sa mother side, isa sa father side. Both of them are not here in the Philippines but we get in touch with each other."

Ang lungkot talaga ng buhay ko. Dalawa lang yung kapatid nila Dad at Mom. At isa lang din yung kanilang mga anak. Maybe they are too busy to have another child.

Hindi ko masasabi na close ako sa kanila. Pero we're not distant with each other. Hindi lang talaga kami masyadong nagkikita-kita dahil nga hindi sila dito nakatira. One is in Europe, and one is in Hawaii.

Medyo matagal yung biyahe. I guess 3 and a half hours from our city. Nakatulog ako buong biyahe. Palagi naman akong natutulog kapag nasa biyahe. I feel sick easily during long rides.

"We're here!" Masayang sabi ni Tita Sandy. Napatingin ako sa labas at nanlaki yung mga mata ko.

Ang ganda dito!

They have this gigantic town house! Masasabi mo talagang mayaman sila, pero bakit kung umasta itong si Seven para silang hindi ganito kayaman? Is he just that humble?

Isa-isa namin inilabas yung mga gamit sa kotse, napatigil lang ako sa pag-kuha nung makarinig ako ng sigaw mula sa loob ng bahay. The person is wearing a simple clothing. Maybe humbleness is really on their family. Hindi rin kasi bongga yung pananamit ni Tita. She wears simple clothes, hindi talaga makikitang ganito siya kayaman. Unlike my family, fashion is important.

"Ate Sandy? Ma! Seine! Nandito na sila Ate!" Kapatid pala siya ni Tita. Agad naman siyang lumapit sa amin at niyakap niya si Tita.

"Sam, it's been a long time." Sabi ni Tita sa kanya at niyakap rin siya.

"Ikaw kasi! Ba't ngayon ka lang umuwi? Hindi mo alam kung gaano kadalas mag-tanong sakin sina Mama at Papa kung kelan ka uuwi!" Napatingin naman siya sa direksyon ni Seven.

"Oh my, si Seven na ba 'to?" Nilapitan niya si Seven at niyakap rin.

"Tama po, Tita Sam." Magalang na sabi ni Seven at niyakap rin niya pabalik ang kanyang Tita.

Napangiti na lang ako habang tinitingnan sila. Akala ko ba kinakabahan siya? Ba't parang ang saya pa niya nung makita niya ang kanyang Tita?

Napatingin ako sa isang direksyon. Ngunit walang tao doon. Weird. I just felt someone staring at me. And I really can't say that the person who was staring just now is happy of my appearance here in this place. I just shook my head, baka imagination ko lang yun.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon