Chapter 42
S C A R L E T
TODAY IS THE DAY. Hindi mabuti yung tulog ko kagabi dahil natatakot ako sa maaaring mangyari sa araw na ito. I never been this nervous! Nung una, wala akong pakialam sa magiging resulta sa competition pero ngayon... I want to win. Gusto kong ipakita sa kanila yung matatanggap kong medalya sa oras na manalo kami dito.
"Miss President kaya niyo yan!" Sabi ni Joanna
Nagvivideo call kami ngayon. Magkasama sila ni Diane sa kanilang bahay. Both of them are preparing for the Winter Fest. Mamayang hapon daw yung simula.
Nandito rin ako ngayon sa venue ng competition. Nakasuot kami ng mga uniporme namin. Malapit na rin na magsimula ang opening ceremony.
"Thanks. I need to go now. See you soon." Sabi ko
"Hihintayin ka namin Miss Pres!" Sabi ni Diane at inend na yung call.
Pagka-end nung call ay isinara ko yung cellphone ko at nag-buntong hininga. Why are you so nervous Scarlet? Hindi ito yung first time mo!
"Scarlet!" May tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko kung sino yun at napangiti ako nung makita ko si Seine na papalapit sa akin.
"Seine! Mabuti naman at kasali ka dito." Niyakap ko siya ng mabilisan.
We became closer. Pagkatapos naming umalis ng hometown nila Tita Sandy ay palagi na kaming nagkakausap sa telepono ni Seine. Nakakamiss silang lahat doon! Kelan siguro kami babalik?
"Mabuti rin at kasali ka dito. We're both rivals again." Napangisi ako sa sinabi niya.
"Do your best Seine." Nagpatuloy ang aming kwentuhan hanggang sa tawagin siya ng kanyang mga kaibigan.
Mabuti naman at nagkaroon siya ng mabuting kaibigan. She needs someone who understands her.
Naisipan ko na rin na bumalik sa aming pwesto. Habang naglalakad parang nakakita ako ng isang pamilyar na tao. She looks like Van's mother! Pero baka kamukha niya lang. Bakit naman siya pupunta dito?
"San ka nanggaling? Grabe yung pag-aalala ni coach kanina dahil hindi ka niya mahanap." Sabi sa akin ni Ben nung makaupo ako sa tabi niya.
"May naka usap lang akong kakilala. Hindi pa ba nagsisimula?" Umiling siya
"Where have you been Miss Zamora? I've been looking every where for you." Naiistress na sabi ni Sir Benj nung makabalik siya sa paghahanap sa akin.
"Just around the corner." Ngumisi ako sa kanya
Binigyan niya kami ni Ben ng isang tubig at biskwit. "Galingan niyong dalawa."
"Syempre kami pa coach!" Confident na sabi ni Ben at binuksan yung tubig.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsimula na ang opening ceremony. It's almost 10. Dapat 9 straight yung simula pero kakarating lang daw nung guest speaker.
Sino kaya yung speaker ngayon? Noong mga nakaraang taon ang mga iniimbitahan nila ay galing sa ibang bansa. Ang narinig ko sa mga usap-usapan ay galing raw sa paaralan namin yung inimbitahan nila ngayon. I wonder who that person is.
BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Genç KurguACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...