CHAPTER 49

122 9 0
                                    

Chapter 49

S C A R L E T

I AM LOOKING at my own reflection from the mirror. I can't believe that today is the day. Yung araw na aalis na kami sa high school. Pagkatapos ng araw na ito, another chapter of our lives will appear. And I can't wait for that to happen.

Inayos ko saglit yung suot kong toga bago lumabas ng kwarto. Ilang oras akong nakaharap sa salamin. While looking at myself wearing this outifit, bumabalik yung mga panahon na kung saan bago pa lang ako sa DVYF. I can't help but to reminisce those days.

"Kanina ka pa naming hinihintay." Salubong sa akin ni Seven pagkarating ko sa living room.

Hindi pa niya suot yung kanyang toga.

"Let's go?" Sabi ko

Pagkalabas naming dalawa ay nakita ko sina Dad at Tita Sandy na naghihintay na sa harapan ng kotse. Naghanda rin sila para sa araw na ito.

"Congratulations my little valedictorian." Sabi ni Dad at niyakap niya ako ng mahigpit.

Speaking of valedictorian, hindi pa ako handa para sa speech mamaya. Nakalimutan kong gumawa kagabi. The whole family celebrated outside kaya late na kami nakauwi.

"Mamaya niyo na yan ituloy. Malelate na yung mga bata Terrence!" Sabi ni Tita Sandy kaya naman ay napabitaw na si Dad sa yakap at pumasok na kami sa loob ng kotse.

The ride went smoothly. Wala ni isa sa amin ang nag-salita buong biyahe, but the atmosphere wasn't awkward. Wala lang talaga sa amin ang may gustong mag-salita.

Pagkarating namin sa school ay sinalubungan kami ng mga tao. The students congratulated me. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti na lang bilang sagot. Nakakapagod rin kung palagi akong magsasabi ng thank you sa bawat taong magsasabi ng congratulations sa akin.

"Miss Pres over here!" Agad akong tinawag ni Diane pagkapasok namin sa gym.

Itinuturo niya yung upuan na nasa pinakaharapan.

"We'll just find a seat over there. Have fun." Yumakap sa akin saglit si Tita Sandy bago sila pumunta ni Dad sa pwesto ng mga magulang.

"I'll see you later." Paalam sa akin ni Seven at pumunta sa kanyang mga kaklase.

Napatingin ako sa buong gymnasium. Ito na yata yung huling araw na makakapasok ako dito. Habang tinitingnan ko yung buong paligid ay naramdaman ko ang pag-akbay ng isang tao sa akin.

"Ba't ka nandito?" Tiningnan ko kung sino yun at si Van lang pala.

"Bawal ba? Eh ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Inilapit niya yung kanyang mukha sa akin. "Nandito yung buhay ko eh."

Agad ko naman siyang itinulak palayo sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya! Nararamdman ko rin ang pag-init ng mga pisngi ko.

"Tumigil ka nga!" Napatawa siya sa reaksyon ko.

"Congratulations Miss President." Kumindat siya sakin at umalis na harapan ko.

Napailing na lang ako habang tinitingnan siyang papunta sa direksyon ng ibang tao. I decided na pumunta na rin sa pwesto ko. Wala naman akong ibang magawa doon.

"Ang harot niyo Miss Pres." Nakangusong sabi ni Diane.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Siya lang yung maharot." Umupo ako doon sa assigned seat.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon