Chapter 30
InvitesS C A R L E T
"Hello Seven? Nasan kana?" Tawag ko kay Seven.
Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng office. Sabi niya sabay daw naming pupuntahan yung mga kaibigan niya at yung mga council members upang bigyan yung wedding invitations.
Nagmamadali rin ako ngayon dahil may practice ako para sa isang competition. It's finally December. Palaging nagaganap yung kumpetisyon bago mag-simula ang Christmas break.
"Nandito pa ako sa cafe. May pinapagawa pa si Mom sakin, bigyan mo na lang muna yung mga council members. I'll be there immediately, tapusin ko lang 'to." Sabi niya. Naririnig ko pa siyang tinatawag ni Tita Sandy sa kabilang linya.
"Bilisan mo ah." Ako na yung nag-end nung call. Pumasok na ako ng office, mabuti na lang at kumpleto sila ngayon dito.
"Akala ko ba hinihintay mo si Seven?" Bungad sakin ni Gerald.
"He has still something to do." Sabi ko habang kinukuha sa aking bag yung mga invitations. Nasan na ba yun?
"Ano ba ang gagawin niyong magkapatid? I mean soon to be magkapatid?" Si Amanda.
"There!" Sabi ko nung makuha ko na yung mga invitations. "Invited kayong lahat." Isa-isa ko silang binigyan nung sobre.
"Woah! Seryoso?" Patrick said
"Of course! Pumunta kayo ah?" Sabi ko sakanila at isinara yung bag ko.
"Syempre naman! Paniguradong maraming masasarap na pagkain dun. Libre pa!" Napailing ako sa sinabi ni Diane.
"Bakit nga ba hindi dito yung kasal?" Tanong sakin ni Joanna.
"Well, ang sabi ni Tita sakin mahalaga daw para sa kanya yung lugar na yon. That was her hometown." Narinig namin ang pag-bukas ng pintuan.
Iniluwa doon si Seven na mukhang pagod na pagod.
"Attend kayo ah!" Sabi ko at hinila na palabas muli si Seven.
"Anong pinagawa sayo ni Tita?" Uminom muna siya saglit ng tubig bago kami nagpatuloy sa paglakad.
"Random things. Isa na doon ang pagtawag sa mga kaibigan niya. She's too excited about her wedding." Napailing na lang si Seven.
"Alam mo ba kung nasaan yung mga kagrupo mo?" Umiling muli siya.
"Call Van. Baka magkasama sila." Sabi niya
"Bakit naman ako? Ikaw yung kaibigan niya." Ngumisi siya sakin.
"Ikaw yung mahal niya. Sino sa atin siguro yung sasagutin agad ang tawag. For sure pag ako yung tumawag sa kanya hindi niya sasagutin iyon." Pasalamat siya dahil nagmamadali ako.
"Fine." Kinuha ko yung phone ko at dinial yung kanyang numero.
Calling... Pulang Manok
Hindi ko pa pala napapalitan yung pangalan niya sa contacts. Pagkakatawag ko pa lang ay agad niyang isinagot.
"Miss President! Good morning!" Masaya niyang bungad sa akin. Ng dahil sa lakas ng boses niya napalayo ako sa telepono.
BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Novela JuvenilACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...