CHAPTER 16

102 9 0
                                    

Chapter 16
Two Is Better than One

THEY ARE REALLY serious about this competition. Nandito kami ngayon sa Heartfelt dahil dito magaganap yung singing contest. Well dapat lang! Sila yung may pasimuno nito, kaya dapat lang na sila yung maghohost ng venue.

Pero hindi ko naman inakalang ganito nila pinaghandaan ang araw na ito. A marching band is performing in front of their gate. May mga flyers na nagsasabing may magaganap na contest between schools.

"I really did not expect this." Rinig kong sabi ni Joanna habang nakatingin sa sahig.

Yung kanilang hallway mayroong flower petals that are scattered!

"Well, well, well. Look who's here!" Sabi ng isang taong nasa harapan namin.

Tiningnan ko kung sino yun and it's Frey. Nagkatinginan muna kami saglit bago siya mag-salita ulit at inalis na yung kanyang titig sakin. "The President is waiting for you at the office. I bet you know where it is."

I smiled and went beside her. Nagulat siya nung may ibinulong ako sa kanya. "I hope you're still ready." Yan lang yung ibinulong ko saka umalis na sa kanyang tabi.

Just wait and see Frey. You'll be having the forgiveness you deserved. And I'll make sure that you'll accept it.

"Ano yung ibinulong mo sa kanya Miss Pres?" Sabi sakin ni Diane.

"Nothing." Hindi pa rin natatanggal yung ngiti sa aking labi. I don't know how will the events turn out later, pero sisiguraduhin kong hindi ko mapapahiya yung paaralang namin.

When we went to the office. Nakita namin yung kanilang President na nakatingin ngayon sa labas ng kanyang bintana. "I bet you all saw the preparation."

"You don't have to waste too much money on this." Sabi ko sa kanya.

"Waste?" Napalingon siya sakin.

I sighed. Nakalimutan kong grabe pala kung gumasto yung paaralang ito sa iba't-ibang events.

"Heath, the contest is about to start." Sabi sa kanya ng kanyang secretary.

"I'll look forward for the competition later." Sabi niya sakin at una silang umalis sa kanyang office.

"Anong ginawa natin dito?" Taas kilay na sabi ni Diane pagkalabas nila.

"Hindi ko rin alam. Tara na." Sabi ni Joanna at hinila kaming dalawa paalis doon.

Pagkarating namin sa kanilang gym ay hindi namin inaasahan ang mga taong nandito ngayon. There are lots of people!

Nakakaramdam na ako ngayon ng kaba. Hindi ko naman inakalang ganito karaming tao ang manonood.

"Miss President! Dito!" Sabi ni Amanda at itinuro ang isang daan papuntang back stage.

Nandito na rin yung buong band. They all greeted us the moment we entered the back stage.

"I am so excited to perform later!" Sabi ni Aiden habang pinaglalaruan ang kanyang drum sticks.

Napatingin naman ako kay Diane na ngayon ay hinahawakan yung kamay ko ng mahigpit.

Dumating na rin yung pambato ng Heartfelt. Sa pagkaalala ko, nakita ko na silang dalawa na nagperform sa isang concert na naganap dito sa Heartfelt. I saw them on of their banners.

"Good afternoon everyone!" Simula nung host sa stage.

This is it. Naramdaman ko ang pag-tabi ni Van sakin. Nilingon ko siya pero nasa stage ang kanyang atensyon.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon