CHAPTER 47

77 6 0
                                    

Chapter 47

S C A R L E T

"Miss President!" Bumukas yung pintuan at pumasok sa loob si Diane.

Napatigil naman yung kwentuhan namin ni Kuya Justin dahil sa pag-pasok niya. "Yes?"

"Hinahanap na po kayo doon sa gym— omg Kuya Justin! Pasensya na po mukhang nag-uusap kayo ni Miss Pres." Agad siyang humingi ng tawad pagkatapos niyang makita si Kuya Justin sa harapan ko.

"It's fine. We were just reminiscing the old times." Tumingin siya sa akin. "You should go now."

Isinara ko yung box na hawak ko at inilagay iyon sa isang sulok. "We'll be going now." Paalam ko at umalis na kami ni Diane sa office.

"Nandito pala si Kuya Justin! Nakakahiya ang laki ng boses ko." Napahawak si Diane sa kanyang bibig kaya napatawa ako.

"Kailan ba hindi malaki yung boses mo?"

"Kapag may gwapong lalaking kaharap?" Kumindat siya sakin kaya napatawa kaming dalawa.

Pagkarating namin ng gymnasium ay sinalubong ako ng maraming tao. Almost every student are here.

"Sabi mo mabilis ka lang?" Salubong ni Gerald sa akin.

"Sorry, nakausap ko kasi si Kuya Justin. Napahaba yung usapan." I explained.

Nakuha ko ang atensyon ni Joanna pagkatapos kong banggitin ang pangalan ng kanyang kapatid.

"Hindi niya sinabing pupunta siya dito." She said

"Nasa office siya. Huhuhu narinig ng kapatid mo yung boses ko na malaki!" Sabi ni Diane.

"You shouldn't talk in a high volume. Ang panget tingnan sa babae yan, diba Ben?" Isinama pa ni Amanda si Ben sa usapan.

"Ha?" Naguguluhan niyang tanong.

"Student council!" Tawag sa amin ng isang tao. It was the Principal.

"Principal!" Tawag namin sa kanya. Kasama niya si Patrick.

Naku, silang dalawa talaga yung nagkakaintindihan! I can't believe kaya niyang marinig yung mga kwento nung matandang yun na paulit-ulit.

"Aren't you all excited?" Nakangiti niyang sabi.

"Bakit naman kami excited? Ito na yung huling araw namin sa council." Malungkot na sabi ni Ben

Naging malungkot yung hangin sa amin ngayon. He's right, ito na yung huling araw.

"Wag kayong malungkot! You should be happy for the new batch." Tinuro niya yung mga party na naghihintay na mag-simula yung grand rally.

Ngayong umaga magkakaroon ng grand rally at sa hapon agad yung elections.

"The grand rally is about to start, students please go to your assigned seats." Sabi ng isang guro gamit yung speaker.

Umupo naman kami sa mga upuan na nasa gitna ng gymnasium while other students are at the bleachers. Nasa likod namin ang mga unang batch ng student council. I'm happy that they found time to come. The programme started with the introduction of the different parties. Dalawa lang yung magkalaban na parties ngayong batch. Nung panahon namin, we were 5 I guess?

Isa-isang ipinakilala ang mga myembro ng bawat party. Pagkatapos nun ay umupo sila sa mga upuan na nandoon sa stage.

"Before we proceed to the debate, let's all welcome Miss Scarlet Zamora for her farewell speech as the Student Council President." Tumayo ako sa upuan at pumunta sa stage. Naririnig ko yung pag palakpak ng mga tao doon kaya mas nakakaramdam ako ng kaba.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon