Chapter 45
S C A R L E T
BEFORE the month of January ended, I successfully passed my entry for Harvard. Pagkatapos nung araw na yun hindi talaga ako mapakali kakahintay sa results. Mabuti na lang talaga at darating na yung final exams, may pagkakaabalahan na ako maliban sa pag-hintay sa results.
"HINDI AKO NAKAPAG-STUDY!" Boses ni Diane ang nangibabaw sa buong student council office.
"Ang ingay mo. Tumahimik ka nga." Suway sa kanya ni Amanda.
"Ugh. Nagsisisi talaga ako na puro videos lang ni Aiden yung pinagkaabalahan ko kagabi!"
"Instead of being noisy ba't hindi ka nalang mag-study diyan?" Joanna suggested
"Omg! Ang talino mo talaga Jo!" Sabi niya at agad na kinuha yung kanyang notebook.
Napailing na lang ako habang binabasa ko muli yung notes na ginawa ko nung isang araw. Malaki pa naman yung oras namin bago mag-simula yung first test.
For us seniors, one day lang yung exams. Lahat ng subject para sa exam ay ngayong araw namin itetake. Mabuti na lang iyon at least bukas wala na kaming pagkakaabalahan. We're free as a bird! Saka next week ay yung elections na. Meron pa kaming oras para makapaghanda.
I am actually looking forward para sa bagong batch ng student council.
"Miss President?" Tawag sa akin ni Gerald.
"Yes?" Ibinaba ko yung noted na hawak ko at itinuon ang atensyon kay Gerald.
"Hindi ba't ngayon yung results ng essay mo para sa Harvard?" Nanlaki yung mga mata ko sa kanyang sinabi.
Tiningnan ko yung calendar ko and he's right! Mamayang hapon ko na matatanggap yung resulta! I was really busy with studies nakalimutan ko yung tungkol sa essay ko!
Mas kinakabahan ako sa magiging resulta nito kesa sa exams namin mamaya.
Tumayo ako sa inuupuan ko at kinuha ko na yung aking mga gamit. "I'll be going ahead." Paalam ko sa kanila.
Agad ko namang tinahak ang daan papunta sa aking classroom. Since it's the exams we will not exchange classrooms. Yung guro yung pupunta sa amin. Pagkarating ko ng classroom ay nakita kong natutulog si Van. Wala ba siyang planong mag-study?
"Huy." Tawag ko dito.
Ilang beses ko siyang tinawagan bago siya nagising. "Hmmm?" Hindi pa rin nakabukas yung kanyang mga mata.
"Hindi ka magstustudy?" Tumalikod siya sa akin.
"Wala akong pakialam sa study." Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Kung ito talaga humingi ng tulong mamaya.
Dumating na yung guro namin na may hawak na mga test paper. Sinabi pa niya na no erasures yung exam.
"Psst." Tawag sakin ng isang 'to pero hindi ko siya pinansin.
I just focused on my paper.
"Psst. Miss Pres." Tawag pa niya kaya naman ay nilingon ko siya palihim.
"Ano? Baka mahuli tayo ng guro." Bulong ko dito.
"Ano yung number 7? Hehehe." Napataas yung kilay ko sa kanyang sinabi.

BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Teen FictionACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...