Chapter 44
S C A R L E T
HINDI KO MAPIGILAN ang hindi mapangiti habang nakikita yung mga magulang ni Van na nakatingin pa rin sa stage. If I'm not mistaken, parang umiyak rin si Tito.
"That's my son!" Sigaw pa ni Tita habang pinipigilan ang kanyang sariling umiyak.
Tito is just silent pero nakikita ko kung gaano siya kaproud para sa kanyang anak. Inilahad ko sa kanya yung panyo ko. Kunot niyang tiningnan yung inilalahad ko sa kanya.
"Baka gusto mong hiramin Tito." Doon nag-sink in sa kanya yung nangyari. Agad siyang napahawak sa kanyang pisngi at pinunasan gamit ang kanyang kamay ang mga luhang lumabas sa mga mata niya.
"Omg. When was the last time I saw you cried? After I gave birth?" Pang-aasar ni Tita sa kanyang asawa.
"W-Who says I'm c-crying?" He cleared his throat.
"Oo na lang." Tumingin si Tita sa direksyon ko. "My son likes you a lot. Masaya ako dahil ikaw yung pinili niya." Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.
Hindi na namin natapos yung concert dahil inaya kami nila Tito na pumunta sa kanilang bahay. They said that they are throwing a party para daw sa concert na ito at para na rin sa pagkapanalo ko. I'm flattered actually dahil gagawa sila ng party para sakin.
Hindi rin mawala sa isipan ko yung itsura ni Van pagkatapos niyang makita ang kanyang mga magulang. Hindi talaga niya inaasahan na pupunta sila doon laong-lalo na ang kanyang ama.
"Congratulations!" Sabay naming sabi at itinaas yung mga baso namin na juice yung nakalagay.
"Congrats to your win Scar." Ginulo ni Seven yung buhok ko.
"Congrats rin sa concert niyo. It was a blast! Kahit last song lang yung naabot ko." Napunta yung tingin ko kay Van na hindi makatingin sa akin.
He sang that song to me. Pero bakit ganyan yung reaksyon niya sakin ngayon? Hindi pa rin niya ako kinakausap mula pa kanina.
"Kausapin mo nga kapatid ko. Ba't nahihiya ka pa." Lumapit si Seven kay Van at itinulak papunta sakin.
Tumawa yung mga kasama namin. Napailing na lang ako. Napatigil yung tawanan nila dahil pumasok si Tita sa living room.
"We actually have more guests." Sabi niya. More guests?
Bigla namang nagsipasok yung mga sinasabi ni Tita na iba pang bisita. TEKA—
"Mom? Dad?/Ma? Pa?" Sabay na sabi ng mga miyembro ng grupo.
Well of course except for me and Seven. Wala naman dito yung mga magulang namin.
"Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Aiden
"Bakit? Hindi ba kami pwedeng maki-celebrate?" Sagot ng kanyang ina sa kanya.
"Anak, I'm so proud of you." Nakayakap ngayon ang ina ni Andrew sa kanya.
"Pare! Hindi pa rin nagbabago yung bahay niyo." Dad yata ito ni Aiden na kumakausap ngayon kay Tito Vincent.
I can't help but to wonder why Dale isn't talking to his parents. He seemed awkward with them. Yung kanyang ina yung unang lumapit at niyakap ang kanyang anak.
"I'm sorry for being a bad mother to you." Nakalimutan kong hindi pala sang-ayon yung kanyang mga magulang sa pagbabanda niya!
"Dad..." Tawag niya sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Fiksi RemajaACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...