CHAPTER 48

87 5 0
                                    

Chapter 48

S C A R L E T

NGAYONG ARAW na namin malalaman yung results para sa final exams. Kaya naman ay nandito kami na mga senior students ngayon sa harapan ng bulletin board at naghihintay na ipadikit nila yung buong ranking ng aming batch. The report cards will be given to us by our adviser.

"Kinakabahan ako." Sabi ni Diane sa tabi ko.

"You'll graduate don't worry." Sabi sa kanya ni Joanna.

Dumating na yung guro na siyang maglalagay ng resulta kaya agad namang nagsiksikan yung mga tao. Pagkatapos niyang ipinadikit yung results ay agad kong hinanap yung pangalan ko. Napangisi ako nung makita ko yung pangalan ko sa pinaka-unang bahagi ng listahan.

1 TISH SCARLET ZAMORA 98.667%

"Sana all valedictorian." Sabi ni Diane sa akin.

"Pang-ilan kayo?" I asked the both of them.

"I'm in number six!" Masayang sabi ni Joanna

"32." Nakangusong sabi ni Diane kaya tinapik ko yung kanyang balikat.

"At least you survived! You're average isn't bad." Napatingin ako doon sa kanyang average and it was 90.885

It is still a passing grade! Hindi naman sa ranking napagbabasehan yung katalinuhan ng isang tao. There are people there who are smarter than me, pero hindi lang talaga nagseseryoso.

"Ano kaya yung ranking nung iba?" Joanna wondered.

Umalis na kami doon sa bulletin board dahil ang daming tao. Nahagip naman yung tingin namin yung buong banda. Looks like kagagaling rin nila sa bulletin.

"Yow Miss President!" Masayang bati sa akin ni Aiden nung makita niya akong papalapit sa kanila.

"Congrats!" Seven said

"Pahingi naman ng utak." Andrew

"98.667 nice!" Nakipag-apir si Dale sa akin

Napatingin naman ako sa taong nakasimangot ngayon sa harapan ko. "Anong problema ng isang 'to?" Tanong ko sa kanyang mga kaibigan.

"Naku! Yan na yung reaksyon niya nung makita niya yung kanyang ranking." Sabi ni Andrew

"Pang-ilan ka?" I asked him

Tumingin siya sa ibang direksyon. "25."

"You should be proud of it! Out of 120 students ika 25 ka." Sabi ko

"Sinasabi mo lang yan dahil ikaw yung rank one." Sinisi niya pa yung rank ko.

"Pang-ilan kayo?" Tanong ko sa kanyang mga kagrupo.

"5" Seven

"18" Andrew

"10" Dale

"24" Proud pang sabi ni Aiden

"Oh tingnan mo si Aiden, he's just a rank higher than you pero hindi siya tulad mong nanlulumo ngayon." I told him, mas lalo namang lumungkot yung kanyang itsura.

Two Different [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon