Chapter 9
Old FriendS C A R L E T
"HAHAHAHAHA."
"Can you stop it?" Sabi ko sa kausap ko ngayon sa telepono.
Nakakarindi yung pagtawa niya as in!
"Ikaw kakanta? Kasama pa yung apo ko? HAHAHAHAHA."
Ang matandang ito yung kausap ko ngayon. Hindi ko naman alam na kaya pala siya tumawag dahil nalaman niya kung sino yung pambato ng DVYF sa walang kwentang singing competition.
Akala ko pa naman tatawag siya kung nakarating na yung ipinadala niyang mga kitkat mula Japan.
"I'll let you go this time dahil dumating regalo mo. Kung wala talaga yung mga chocolate na 'to pupuntahan ko talaga kung san lupalop ka man upang batukan."
"Ang sama mo naman! Pero di nga, kayo ng apo ko?" Gosh for the 14th time!
"Oo nga! Ilang beses ko ba dapat sabihin?"
"Babalik talaga ako diyan sa oras ng kumpetisyon. Dapat may taong tatawa sa oras na pupunta kana sa stage." Tumawa nanaman yung loko.
"Thank you talaga sa support mo." Sarcastic kong sabi at inend yung call.
Ako na mismo yung mageend dahil napupuno na talaga ako sa matandang yun! Kakain nalang ako nitong pinadala niya.
"Miss President, anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ng kakapasok palang sa office na si Amanda.
Her attention is still on her cellphone. Ano ba yung pinaggagawa niya palagi sa kanyang cellphone?
"It's the office Amanda, of course I'm here." Sabi ko sa kanya.
Base sa schedule ko wala naman akong subjects ngayong araw. Dito sa aming school meron kaming tinatawag na ICL kung saan yung araw na ito ay rest day namin. The school decides when our ICL is.
"Shouldn't you be practicing? You know, for the singing competition?" Huh, pano niya nalaman?
"How did you know—" Hindi natapos yung sasabihin ko dahil may ipinakita siya sa akin mula sa kanyang phone.
Isang post sa social media na app na 'twitter'. Ngayon lang ako pakakarinig na may app palang ganito. I'm really that outdated! Messenger lang yung alam kong social media app.
Kung hindi niyo makita yung picture, nagpost yung matandang nasa Japan ngayon tungkol sa competition. Yung kami ni Van yung panlaban ng school na 'to. Argh! Kumukulo dugo ko sa matandang yun!
"Chill lang Miss Pres. Ang bata mo pa para mahighblood." Sabi sakin ni Amanda at kinuha niya yung kanyang cellphone.
"Psst Amanda." Nilingon niya ako. "Anong meron diyan sa Twitter, 'bat maraming taong gumagamit?"
"Random posts lang Miss Pres. Dito rin nila sometimes nilalagay yung mga thoughts nila o di kaya yung mga rant na gusto nila sabihin. Ang daming 'tea' dito Miss Pres." Nakangisi niyang sabi sakin. "Gusto mong magpagawa ng account?"
Umiling ako. "Nope. I'm fine without it. Ayokong maki-business sa mga drama." Andami ko na ngang prinoproblema, hahanap pa ako ng iba?
BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Teen FictionACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...