Chapter 38
QuitS C A R L E T
I AM BACK. Pagkatapos ng ilang araw na Christmas break nandito na ako muli sa school. I haven't contacted with any of my friends after Frey's birthday. Tinanggal ko yung sarili ko sa lahat ng bagay na maaaring magdulot ng problema. Ginamit ko yung mga araw na iyon upang mas iuna yung sarili ko.
I actually had a lot of fun during Frey's birthday. Their home changed a bit, sabi ni Tita ay inirenovate nila 2 years ago ang kanilang bahay. We also played chess, I must say she's good with it. Pero ako pa rin ang nanalo. She still needs to play more kung gusto niya akong talunin.
"Hoy! May basurahan doon ba't diyan ka nagtatapon?!" Singhal ko doon sa isang estudyante.
Agad naman niyang pinulot yung basura at tumakbo palayo. Bago na yung taon pero ganon pa rin yung mga tao. Mahirap bang magtapon sa tamang lalagyan?!
"Hi Miss Pres!" Sumabay siya sa paglakad ko.
"Nagustuhan ba ng kapatid mo yung regalo?" Tanong ko sa kanya.
I hope his sister liked it.
May kinuha siya sa kanyang bulsa. "My sister wants to give you this. Sige Miss Pres, mauna na ako." Paalam ni Aiden sa akin at una na siyang nag-lakad papunta ng classroom.
I stopped for a while at binuksan yung papel na binigay niya sakin. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng makita kong isa iyong sulat.
Dear Ate Scarlet,
Thank you po sa regalo! I really liked it. Nakwento ka po nila Kuya sakin, they say you're scary. Pero kahit hindi pa tayo nagkikita, I can feel that you are a nice person. Let's meet someday po!
Love,
AlianoraAiden is really blessed to have a sister like her. Because of her letter, mas gusto ko siyang makita sa personal. Itinago ko yung sulat sa aking bag at nagsimula muli akong mag-lakad papunta ng classroom. I'll visit the council after class, alam kong maraming papel ang sasalubong sa akin doon.
Pagkarating ko sa classroom ay halos lahat ng mga kaklase ko ay nandoon na. All of them sharing the days they have spent during their Christmas vacation. Napansin ko rin na wala yung katabi ko. Weird. He used to be earlier than me. Napatingin ako sa pwesto ni Aiden and he's there talking to our classmates.
Nasan ba siya? Teka. Ba't ko ba siya hinahanap? Natapos na lang yung first subject namin wala pa rin siya. Hindi pa ba sila nakakauwi galing States? Yung alam ko ay doon sila nag celebrate ng bagong taon.
"Miss Pres!" Pumunta sa harapan ko si Ben.
"Any news?" Tumango siya. Siguro tungkol ito sa competition. It's already January.
"Ang sabi ni coach sa 24 daw yung competition. We'll also start training this Saturday." May inilagay siya na mga papel sa harapan ko. "Pinapabigay rin pala ni Principal. Basahin mo daw lahat ng yan. Sige aalis na ako Miss Pres." Umalis na siya sa classroom.
Napatingin ako sa mga papel at hindi ko mapigilan ang pag-singhap. Never ending papers. Yung binigay niya sakin na papel bago magsimula yung break hindi ko pa nasisimulang basahin tapos may dadagdag pa.
"GUYS! Wala si Ma'am!" Sigaw ng kaklase namin na kakapasok pa lang ng room.
The class went wild. It looks like early lunch for us. Tumayo ako sa upuan ko at lumabas na ng room. Pupunta sana ako sa council upang ilagay yung mga papel na ito sa mesa. While walking down the hallway, may taong tumakip sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Two Different [COMPLETED]
Teen FictionACT ONE SERIES # 1 Tish Scarlet Zamora is that type of person in which all she cares are about everything that will go on according to her plans. She's the Student Council President anyway, she has all the authority to be strict with anyone who brea...