Chapter 80

1.1K 38 21
                                    

Andy was in her coffeeshop. She was checking on Richard from time to time, though she knew Richard was busy.

Time passed by so fast and it was already afternoon, she was just sitting on a table at their terrace when Shane arrived.

"Oh Shane bakit ka nandito?" She asked and invited her to join her.

"Wala lang just visiting your coffeeshop, puro na kasi ako cakes eh."

"Wait I'll get us coffee." Andy said and went downstairs to make their coffee.

Andy left her phone on the table when it suddenly buzzes. Shane got curious and looked at her phone. Since Andy and her treated each other like sisters, she knew that it's fine if she'll check her phone sometimes.

She looked at it and saw Rowell's name on the screen. She then opened the text message and read it. She also checked their previous conversations, suddenly Andy came back.

"Andy, maupo ka nga dito." Shane seriously told her and so Andy sat beside her. "Diba sinabihan na kita."

"Na ano, bakit?"

Shane showed her, her phone. "Ano 'to? Bakit nag paplano padin kayo ni Rowell? Diba ito yung pakakasalan ni Dawn?"

"Oo, bakit mo ba binasa yan."

"Andy diba sabi ko makinig ka sakin."

"Shane hindi ko kaya yung sinasabi mo mahal ko si Richard."

"Anong klaseng pag mamahal yan Andy? Handa kayong manakit at mangloko ng ibang tao para sa kaligayahan niyo?" Shane said as she put down the phone. "Andy naman, may anak na pala si Dawn at si Richard bakit ba pilit niyo silang pinag lalayo? Mali yang ginagawa niyo. Oh nabasa ko pa dito na hindi alam ni Dawn na buntis siya. Pero kayong dalawa ng Rowell na to alam niyo. Alam niyo din na si Richard ang ama."

"Shane pwede ba..."

"Hindi Andy makinig ka sakin, itigil mo ito. Andy sumisira kayo ng buhay ng ibang tao."

"Wala ka naman kasi sa posisyon ko. Hindi mo alam ang nararamdaman ko!"

Shane suddenly slapped her, then she slapped her once more. "Ano nagising ka ba? Natauhan ka ba sa sampal? Mas masakit pa jan kapag si Dawn na mismo ang gumawa sayo nyan." She said and tears fell from her eyes. "Andy para na kitang kapatid alam mo yan. Hindi ka naman ganyan eh. Paano mo nagawa ito. Andy gumising ka sa katotohanan. Hindi sayo si Richard."

"Pero magiging sakin din siya Shane. Hindi mo ba naiintindihan yun."

"Eh ikaw Andy, hindi mo ba naiintindihan na mali ka. Na mali ang ginagawa niyo! Andy ano ba, umayos ka nga. Pwede ba makinig ka sakin, tumigil ka na. Itama mo na ito, dahil kung hindi mo gagawin, patawarin mo sana ako. Pero ako mismo ang mag sasabi sa kanila ng totoo."

"Shane ano ba, pwede bang wag kang mangielam dito. Nakikiusap ako sayo, hindi ko kayang mawala sakin si Richard."

"Andy mahal kita alam mo yan, at ayokong nasasaktan ka. Pero hindi ko itotolerate itong ginagawa mo. Mali ka eh, maling mali. Andy hindi pa naman huli ang lahat eh. Sabihin mo ang totoo sa kanila."

Andy was crying in her front, then Shane hugged her. "Andy please makinig ka naman sakin."
___________________________

Alice came back at Dawn's house after she finished her work at ADV glam. She waited for Rachel to fell asleep before she talked with Dawn.

She was in the living room browsing through her phone, when Dawn went downstairs.

"Alicia, may gusto kang kainin or inumin?" Dawn asked her.

"No thank you Dawny, I already got wine hehe." She said and raised the glass to show her.

"Bilis mo dun ah."

"Dawny upo ka muna dito, usap tayo."

"Ano na naman ba yan, tungkol kay Richard. Hay nako Alicia, kinausap na kita tungkol dito diba."

"Oo nga Dawny pero wala na ba talaga? Wala ng chance?"

"Ano bang gusto niyong gawin ko? Iwanan si Rowell? Tapos balikan si Richard?"

"Oo Dawn, dahil ito na yun oh. Alam na ni Richard na may anak kayo. Nasasayo na ang decision Dawn para mag kaayos kayo ni Richard."

"Pero Alice, wala akong nakikitang dahilan para iwanan ko si Rowell. Wala siyang ibang ginawa Alice kung hindi mahalin ako. Kahit pa minsan nasaktan ko siya dahil kay Richard, napatawad pa din niya ako."

"Eh kay Richard, wala ka bang nakikitang dahilan para balikan siya? Kung wala pa nandito si Rachel oh. Dawn hindi mo ba kayang patawarin talaga si Richard?"

"Alice masyadong masakit ang ginawa niya..."

"At pinag babayaran niya na ito Dawn. Sa ginagawa mo sobrang nasasaktan din siya. Hindi mo ba nakikita yun."

Dawn suddenly came out of words and just looked at nowhere.

"Dawn sobrang mahal ka ni Richard, alam mo ba kanina sinabi niya sakin gustong gusto ka niyang bumalik sa kanya. Pero kung talagang ayaw mo, handa na siyang pakawalan ka."

"Oh siya na ang nag sabi..."

"Dawn ano ba, mahal na mahal ka ni Richard. Ang sabi mo samin noon mahal mo din siya eh bakit parang hindi ko na nakikita yun sa ginagawa mo."

"Alice alam ko ang ginagawa ko pwede ba."

"Dawn kung alam mo ang ginagawa mo sana makapag desisyon ka ng maayos. Ang sabi mo sakin noon gusto mong bigyan ng buo at masayang pamilya si Rachel kaya nga napunta siya samin eh. Ngayon Dawn pwede na handa na si Richard para sa inyo, pero ikaw nag mamatigas ka padin."

"Alice please wag mo ng guluhin pa ang utak ko."

"Dawn please din, I won't dictate na sige. But I hope you'll think about everything I've said."
___________________________

Note: Kindly Vote, Comment and Follow me for more updates. Thank you so much for reading💗

You're Still MineWhere stories live. Discover now