6. I miss you

27 1 0
                                    

Kinabukasan

(Cheska POV)

Wala sila mom and dad dahil pumasok sa trabaho ang nagbabantay sa akin ay si Yaya Celia. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll na lang sa FB.

Nakakainis na din minsang mag scroll kasi parang pare pareho lang naman ang mga nababasa ko. Name memes at kay Enrile. Ni hindi ko alam kung anong ibig sa bihin ng mga yun. Maya maya nakita kong muli ang bagong friend request sa akin ni Casper kaya inaccept ko na agad ito.

Mag wattpad na nga lang ako. His into her by maxinejiji. Nakakakilig tong kwento na ito eh. Hahahaha Deib Lohr Enrile and Maxpein nakakakilig ang mga banat.

Nagbasa ako ng nagbasa hanggang sa makatulog na lang ako.

(Casper POV)

Nandito ako sa school now and lunch time na. Nakakamiss din pala si Cheska. While I am sitting and eating at the mushroom table biglang may umupo sa harap ko.

"Hi Casper" pagtingin ko sa harapan ko ay si Carlota pala yun. Si Carlota ang matagal ng nagkakagusto sa kin. Section B sya. Pero kahit kailan hindi ko pinangarap na magustuhan bakit? Kasi masyadong masama ang ugali. Ay hindi masama pala talaga ang ugali.

"Ahhmm, hello" sagot ko naman at nag focus na lang sa pagkain.

"Bat parang lonely ka ngayon. Bat lonely ka?" tanong nya at kinuha ang water ko.

"Wala nasa ospital kasi yung kaibigan ko kaya di ko kasama ngayon" sagot ko naman. "Ahh I see sige eat ka lang dyan bye" sabi nya at tumayo na aktong hahalikan ako sa pisngi pero iniwasan ko.

Hayssttt pogi problems......

Kinahapunan

Mag seserve na ko sa church ngayong hapon nagbihis na ko ng damit at pumunta sa room kung saan matatagpuan si Father. Pagpasok ko ay wala pa sya doon ngunit nakita ko si Clydle. Si Clydle ang pinsan ko and she works as commentator. 5 years na kaming nag seserve sa church na ito.

"O Casper kumusta na" bati nya sa akin at niyakap ako. "Akala ko di ka na dadating" sabi nya habang nag aayos ng pinagbihisan nyang damit.

"Ahhh, sorry tumulong pa kong maglinis sa classroom kaya natagalan. Nasaan na si Father?" tanong ko naman.

Maya maya ay napasulyap ako sa labas at nakita na si Father kaya nagmadali na kami ni Clydel na lumabas.

Pagkatapos ng misa ay nagmadali ako at pumunta na sa ospital para bisitahin si Cheska.

(Cheska POV)

Pagmulat ko ng aking mga mata ay wala na si Yaya Celia marahil bumili muna ng makakain. Maya maya ay bumukas ang pinto at may isang malaking teddy bear at bulaklak akong nakita. Lumapit ang taong may hawak nito sa akin at iniabot ang teddy bear.

"For you" pag abot nya ng teddy bear at flowers nakita ko si Casper. "Oh para saan to?" tanong ko sa kanya. "Wala lang, para may kasama ka kapag walang nagbabantay sayo" sabi nya habang nakangiti. Umupo sya sa isang upuan sa tabi ko.

"Musta na yung pakiramdam mo ?" tanong nya sa akin. "Medyo ayos na. di na masyado masakit yung ulo ko ang sabi ng doctor madidischarge na ko sa Sabado" sagot ko naman sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun. Wala na kong kasabay kapag lunch at mag recess eh" pabiro nyang sabi.

"Hahaha" natawa na lang ako.

"Oo nga pala" sabi nya at may kinuha sa bag. "Ito nga pala yung lecture namin nung wala ka. Nag print ako para kahit wala ka makakasunod ka pa din sa lessons" sabi nya at iniabot sa akin ng printed na mga lessons.

"Thank you" sagot ko naman.

(Casper POV)

Medyo mahaba habang oras din ang pinag kuwentuhan naming dalawa. Maya maya ay napag desisyunan ko na ding umuwi at walang kasama ang lola ko sa bahay kaya nag paalam na ako kay Cheska.

Habang naglalakad ako sa daan papauwi ay napadaan ako sa isang bar. Maingay at ang daming taong mga lasing na sa labas nito. Hindi ko alam kung bakit nilalaan ng mga taong katulad nila ang oras nila sa isang walang kwentang lugar na ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at napadaan sa isang bangko. Lugar kung saan napapaloob ang mararaming pera at lugar din kung saan madalas ang nakawan. Mga taong sakim at diyos ang pera. Nakakalungkot lang kasi sabik na sa kapangyarihan ang mga tao ngayon.

Sunod kong nadaanan ang isang sinehan. Lugar kung saan maraming tao ang mas pinipiling magpunta dito kesa ilaan ang oras sa Diyos. May may oras pa sila sa kanilang mga karelasyon na pumunta dito kesa maglaan ng kahit isang oras lang sa simbahan.

Mga ilang saglit ay nakarating nako sa aming simpleng tahanan. Pagbukas ko ng pinto ay naghihintay sa akin ang mahal kong lola. Nakaupo sya sa sala at nanonood ng telebisyon. Sya na ang nagalaga sa akin simula ng mawalay ako sa mga magulang ko at nagpunta sila sa ibang bansa.

Ang sabi may anak na din daw na bago. Sabi din nila nagtatrabaho lang daw sila doon para mabuhay ako. Although naiintindihan ko sila. Hindi pa sila umuuwi dito sa Pilipinas simula ng magtrabaho na sila sa ibang bansa. 76 na si lola at mahina nadin.

"Lola mano po" nag bless ako sa kanya. "Halika na po matulog na po kayo. Bawal po sa inyo ang mapupuyat.

Inakay ko si lola papunta sa higaan nya at mahimbing ng natulog. Umupo ako sa may upuan sa sala at kinuha ang aking cellphone. Pumunta ako sa gallery at pinagmasdan ang maamong mukha ni Cheska.

"She's so beautiful"

Habang iniisa isa ko ang mga letrato nya lumabas bigla ang picture ni Trisha.

"I miss you Trisha"

2 years na sana kami ngayon kung hindi sya namatay. Hanggang ngayon hindi pa din nahuhuli kung sinong pumatay sa kanya. Galit na galit ako sa taong yun at hindi ko sya mapapatawad.

Nakatulog na ko sa sala namin ng di ko namamalayan.

//mahal na mahal ni Casper si Trisha. Sana gumaling na din si Cheska. Continue reading gaisss//


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon