(Ey-ey POV)
Marami kaming napag kwentuhan ni Kayden about sa studies nya. Pero sa lahat ng yun wala akong naintindihan kasi naka focus lang ako sa napaka perpekto nyang mukha.
Tumingin sya sa relo nya.
"Tara na hatid na kita sa room nyo" sabi nya at namula naman ako ng konti.
"Ahhh, sige" umalis na kami at lalabas na ng cafeteria.
Nauna ako sa paglalakad at itinatago ang kilig. ng bigla akong matapilok. Matutumba na ko ng hinawakan ako ni Kayden sa kamay.
"O dahan-dahan" sabi nya. Wow savior. Cute nya.
***
Papunta na kami ngayon sa third building.
"So tell me, ilan na naging boyfriend mo?" tanong sa akin ni Kayden. Wews kumekerengkeng akesh.
"Ahhh, boyfriend? Wala pa" sagot ko naman.
"Talaga? Di ako makapaniwala, sa ganda mong yan wala man lang nanligaw sayo" sabi nya at medyo natawa.
"Ahhh, study first kasi ako" sagot ko naman.
"Ahhmm, ikaw ilan na naging girlfriend mo? Siguro madami na no?" biro ko sa kanya.
"Actually isa pa lang" sagot naman nya.
"Naku, brineak mo naman agad" sabi ko at parang nasaktan sya ng sinabi ko yun.
"Hindi, nasa states na sya. Mas pinili nya yung carrer nya kesa sa kin" sagot naman nya.
"Ahh, sorry di ko naman alam" sagot ko naman.
"OK lang matagal na rin naman kaming hiwalay. Nevermind na lang" sabi nya at nandito na kami sa room.
"Thanks sa kwento ha. May next time pa ba?" tanong ko.
"Oo naman anytime, basta nandun lang yung classroom namin sa 1st floor daanan mo lang nandun ako" sabi nya at kinindatan ako bago umalis.
"Ey-ey san ka ba galing kanina pa kita hinahanap" biglang dumating si Clarisse.
"Clarisse, sambutin mo ko matutumba ata ako" sabi ko naman. Grabe kinindatan nya talaga ako. O baka napuwing lang. my god kinekeleg ake. Anebe.
(Krystel POV)
(In Hell)
Kausap ko ngayon ang reflection ko sa salamin.
"Nakilala na nya si Clarisse at Ey-ey"
"Paano na yan? Baka pagtulungan ka nilang tatlo. Mas lalakas pa ang pwersa nila" sabi ng reflection ko.
"Hmm, hindi meron pang dalawang tao ang kailangan nila para matalo ako at sisiguraduhin kong hindi na nila mahahanap ni isa sa dalawang yun"
"Pero Khie, wag kang pakampante"
"I know, mas malakas ako kesa sa kanila. I can beat them kahit magsama-sama pa sila"
Tumalikod ako saglit.
"Pero matanong ko lang Khie, sino pa ba ang dalawang taong yun?"
"Ang dalawang ito ay may taglay na kinakailangan nila upang magawa ang orasyon. Ngunit imposibleng makilala pa nila ang mga yun"
"Ano ba ang taglay nilang lakas?"
"Ang isa sa mga ito ay nagtataglay na kaalaman ukol sa pambabasa ng isipan at ang isa ay may matatag na pananampalataya"
"kikilala mo ba yun"
"Well, yun ang aalamin natin"
Nawala na ang reflection ko lumabas sa aklat ng buhay ang pangalan ng aking susunduin. Kaya dali dali akong lumabas sa Lagusan at bumaba na sa lupa.

BINABASA MO ANG
The Haunted Catholic School (Complete)
ParanormalBeing inlove with a killer, moster, o kahit ano pa mang tawag sa kanya. kaya ko kaya syang tanggapin sa buhay ko.? FOLLOW ME MGA KA SECRETS