(Cheska POV)
Nakatulog ako ng mahimbing pagdating ko ng bahay. Then nagising ako sa isang katok mula sa pintuan. Agad akong tumayo na bagsak ang katawan at pipikit pikit pa ang mata. Pinagbuksan ko ang taong kumatok at nagulat ako ng Makita ko si....
"Casper?" gulat na gulat kong banggit sa pangalan nya at nagising bigla ang diwa ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pumasok na lang sya bigla sa kwarto ko.
"Wala lang, bumibisita" sabi nya at ineinspiksyon ang kabuuan ng kwarto ko.
"Umuwi ka na Casp nagpapahinga pa ko eh wala akong time makipagkwentuhan" sabi ko at humiga ulit sa kama at nagtulukbong ng kumot.
"Academy Day na pala bukas diba?" sa pagkakatulog ko ay napabangon ako at napatingin kay Casp na ngayon ay nakahiga sa higaan ko.
"OMG, nakalimutan ko" sabi ko sabay takip sa bibig. "Bakit?" nagtataka nyang tanong habang nakatingin sa akin.
"Hindi pa ko nakakapag paalam kay Mom and Dad" sabi ko kaya natawa sya. "Tss, may balak ka talagang pumunta?" tanong nya kaya pinagtaasan ko sya ng kilay.
"Ang dami mong satsat ikaw ba pinayagan ka na?" sabi ko sabay cross arms sa kanya at iniirapan ko.
"Wala naman akong balak pumunta dun" sabi nya at bumangon. "Umalis ka na nga pagod ako ngayon ok?" sabi ko at napasimangot sya.
"Ang layo layo ng bineyahe ko tapos ilang oras ako sa traffic paaalisin mo lang pala ako" nakasimangot nyang sabi at nginusuan ako. wait anong oras na nga pala. Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nagulat ako ng makitang 5:46 na ng hapon.
"Gosh" yun na lang ang nasabi ko at mabilis na hinatak si Casper patayo ang bigat nya."Tumayo ka na kasi--- ahhh" hinila nya ako pahiga sa kama at hinawakan sa magkabilang kamay.
"A-anong gagawin mo?" sabi ko habang nakatitig kami sa pareho naming mga mata. Hindi nya ako sinagot sa halip ay dahan dahang nilapit ang mukha nya sa akin. Bumibilis ang heartbeat ko habang dahan dahan ang paglalapit ng mukha namin. Ramdam ko ang maiinit na hininga nya na sinasalubong ang balat ko. "I like you Cheska" bulong nya kaya nanindig ang mga balahibo ko sa husky nyang boses. Nakakatunaw ang malagkit nyang mga mata sa akin nang......
*knock, knock
Sa gulat ko ay natulak ko si Casper at nahulog sa sahig.
"Aray" sabi nya habang hawak hawak ang braso. "Bat mo ko tinulak" irritable nyang sambit pero napatulala ako sa kanya at di sya nasagot.
"Cheska nandyan na ang mommy at daddy mo" pagbanggit ni Mang Celia mula sa labas ay pilit kong pinatayo si Casp at bubuksan na ang pinto
"Umalis ka na baka makita ka nila—" natigil ako sa sasabihin ko ng Makita si mom and dad na nakatayo sa may pinto. Shit. Nagulat naman sila ng Makita si Casper.
"Ma! Pa!" nagulat kong bulyaw kasi nakatulala lang silang nakatingin sa aming dalawa. Sa katahimikan sa pagitan naming apat ay napatawa naman si dad na pinagtaka ko.
"Hindi mo man lang sinabing may kasama ka pala sana di naming kayo naistorbo" biro ni dad kaya pinanlakihan ko sya ng mata.
"D-dad naman" sabi ko at nag pout kaya natawa na din ng mahina si Casper kaya siniko ko sya at napatigil naman sya sa pagtawa.
"Bumisita lang daw po sya, aalis na din diba Casp" sabi ko at inapakan ko ang paa nya. "Gusto lang pong magpaalam" sabi nya kaya pinanlakihan ko sya ng mga nata. Wait magpaalam? For what?
"Pede ko po bang ligawan ang ana—"
"Oo naman!" hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Casper ay sumagot na agad si dad. Ano ba yan magkakampi pa talaga sila. Nagiinit ang dugo ko sa lalaking ito pero di ko alam kung bakit gustong gusto sya ni daddy si mom naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nila. Nagtataka nga ako kung bakit wala syang ginagawa para kumontra don't tell me.....
"Hijo, aba manliligaw ka pala sa anak namin hindi ka man lang nagsabi. Bumaba na muna kayo sa kusina mag bebake ako ng cookies" sabi ni mom sabay hawak sa braso ni Casper at bumaling ng nakakalokong tingin sa akin. "Tara na" sabi ni dad at sabay sila ni Casper na bumaba ng hagdan. What the. Naiwan akong nakatulala pa din sa hangin dito sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung maiirita ba ko, magugulat, manghihina, matutuwa or whatever.
"AHHHHH!!" ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Seriously?
***
Nandito kami sa tabi ng pool ngayon nila dad at ang pinag iinitan ko ng kumukulong tubig sa takuri na si Casper. Nakapwesto kami sa may garden table. Habang sila ay masayang nagkukwentuhan ay ako naman itong busangot pa din ang mukha hanggang ngayon.
"Maiwan ko muna kayo magpapalit lang ako ng damit" sabi ni dad at tinapik si Casper bago umalis. Ng mapansin kong nakaalis na si dad. Hinampas ko si Casper ng malakas sa kanang braso.
"Aray, pangalawa na yan ha" daing nya at hinawakan ang parte kung saan ko sya hinampas. "Ikaw naman kasi bat mo sinabi kanina yun nakakainis ka" sabi ko at hinampas sya ulit sa kaliwa naman nyang braso.
"Alin dun sa sinabi ko?" sabi nya at nginitian ako. Aba nakaka ugh nakakainis!! Tumayo sya at tumabi sa akin habang nakatingin pa din ng naakatunaw.
"Yung sinabi kong gusto kita, or ung nagpaalam akong manligaw" sabi nya na may nakakalokong ngisi. Hindi ko kayang salubungin ang bawat titig nya. Nakakainis talaga sya. Agad akong tumayo at lumayo sa kanya.
"P-parehas" sabi at napapaatras habang dahan dahan syang lumalapit sa akin. Si Casper ba talaga toh? Ibang iba sya ngayon, pero nakakainis pa din sya. Patuloy ako sa pagatras ng....
"AHHHHH!" nagkamali ako sa paghakbang at mahuhulog na sa pool ng mahawakan ni Casper ang bewang ko. Here we go again. Wag mo na kong titigan please. Hindi sya nagsasalita kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Bitawan mo nga ako" sabi ko pero di pa din sya nagsasalita. "Sure ka?' sabi nya at pinanlisikan ko sya ng mga mata. "Bitawan mo na— ahhh"
Agad nya akong binitawan kaya natuloy ang pagkakahulog ko sa pool. Pagbagsak ko sa pool ay agad ko syang tinitigan ulit ng depress na depress na.
"Oopss, sorry" sabi nya at sarkastikong tumawa. "Sabi mo kasi bitawan kita" sabi nya at tinalikuran ako.
"Hoy, kinakausap pa kita" sabi ko at dali daling pumunta sa may tabi ng pool at umahon sa tubig. "AHHHH, Casper Angelo Dela Vega!!!!" sigaw ko pero di nya ko pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa bahay. Nakakainis!!!!!!
***
Nang nakapag paalam na si Casper, shempre di ko sya hinatid sa may gate naiinis pa din ako sa kanya. Matapos ng nangyari sa pool ay pumunta na ko sa room ko na basing basa pero guess what? Si mom and dad natawa pa habang kumakain sila ng cupcakes sa may dining table.
Nagkulong ako sa kwarto hanggang sa makaalis na si Casper. I took a deep breath before I get out of this room. Pagbaba ko ay masayang nagkukwentuhan sila Mom and Dad sa may couch habang nanonood ng TV.
"O, Cheska sweetheart come here......" sabi ni mom at lumapit ako sabay halik nya sa pisngi ko "....... Gutom k aba, ipagpapaluto kita kay yaya"
"No thanks mom" sabi ko at sumingit sa pagitan nila. "Bakit? Gusto mo bang sabihin sa amin na sasagutin mo na yung Casper" as I expected. Natawa naman sila parehas pero straight pa din ang expression ko kaya natigil sila.
"Ma, pa" yan tama nga Cheska bwelo lang. Enhale, exhale magpapaalam ka lang hindi mo sasabihing buntis ka. Nakatingin lang sila sa akin habang hinihintay ang susunod na lalabas sa bibig ko.
"Pwede po ba akong umattend sa Ball ng Academy Day tomorrow" sabi ko kaya medyo kinabahan ako ng di sila nagsalita. "Oo naman anak, since you're a teenager na din you can experience that" sagot ni Mom.
"Yah right basta ba hindi ka gagawa ng ikakagalit naming ng mommy mo, your free to do what you want" sabi ni dad kaya napangiti naman ako. "Thank you po" sabi ko at niyakap ko silang dalawa.

BINABASA MO ANG
The Haunted Catholic School (Complete)
ParanormalBeing inlove with a killer, moster, o kahit ano pa mang tawag sa kanya. kaya ko kaya syang tanggapin sa buhay ko.? FOLLOW ME MGA KA SECRETS