(Cheska POV)
Namataan ang isang bangkay ng binata sa harap ng simbahan ng JHM nitong gabi. Ang mga marka sa katawan ng binata ay tumugma sa mga natamong sugat ng babaeng napatay din sa cr ng mga babae noong nakaraang buwan. Hinihinalang iisang tao, o tao nga ba talaga ang pumatay sa parehong biktima.
Kumakain ako ngayon and as usual sikat nanaman ang markang ito. Habang kumakain ako ay bumababa na sila mom and dad sa kwarto nila at sinaluhan na ko sa pagkain.
"Cheska, finish your food na sumabay ka na sa amin ng daddy mo" sabi ni mom habang umiinom ng tea.
Agad ko namang tinapos ang kinakain ko at kinuha na ang bag sabay punta na sa garage ng house. While waiting them in the car I use my cellphone muna para di mainip.
When I open my messenger I saw a message request.
From Casper: Hello Cheska, accept mo na ko. Kamusta nakauwi ka ba ng ligtas?
What the Fudge!!!!
Ang ganda ng araw sisirain lang nya agad kong pinatay ang cellphone ko ng saktong pasok nila mom and dad sa car.
When we arrive na sa school sinuot ko na agad ang earphone ko at pumasok na sa gate. "Hi Cheska!" bati ni Casper sa akin sa malayo pa lang habang kumakaway-kaway. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at di sya pinansin pero see nasa likod ko nanaman sya. Kelan ba to mawawala sa buhay ko?
"Good morning, nakita mo ba message ko sayo?" tanong nya.
"Hindi" sagot ko at mas binilisan pa sa paglalakad. Habang umaakyat ako sa hagdan hindi sya tumahimik at nagkuwento pa ng nagkwento. Kaya nilakasan ko pa lalo ang volume ng earphone ko para di sya mapakinggan.
Pagpasok ko ay umupo agad ako sa upuan ko.
"Hey Cheska nakikinig ka ba sa mga kinukwento ko sayo?" pangungulit sa akin ni Casper. I remove my earphones and face him. "Can you please, shut up your mouth for a few minutes?" sabi ko sa kanya. "OK" sagot naman nya at aktong zinezipper ang bibig. Madali naman palang kausap to ha.
Tumayo ako at lumabas dala dala ang earphone at phone ko. Nakasunod pa din si Casper pumunta ako sa locker ko at para kumuha ng books.
"Ako na magdadala" pagpiprisinta nya kaya binigay ko naman agad ang 3 books ma hawak ko. English, Math and Music.
ang mga locker ng campus ay nasa 1st floor lahat. Habang naglalakad kami papunta na sa hagdan may biglang tumawag sa pangalan ko galing sa malayo.
-CHESKA!!!
Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin at nagulat ako ng Makita ko si Kayden.
Kayden is my Childhood friend. Apo sya ni Manang Teresita kaya medyo close kaming dalawa.
"Dito ka din pala nag-aaral?" tanong nya sa akin. "Ahhhmm, yes nag transfer na ko ng school" sagot ko naman.
Napatingin naman si Kayden kay Casper.
"This is Casper my classmate" pagpapakilala ko naman sa kanya
"Casper this is Kayden, my friend"
"Hello Casper nice to meet you" bati ni Kayden kay Casper at nag shake hands silang dalawa. "Ahhm, Cheska akyat na ko sa taas dalhin ko na din ito mag usap muna kayo" sabi ni Casper at umakyat na sa hagdan.
"So saan na kayo nakatira ngayon?" tanong ni Kayden nandito kami ngayon sa GYM. Meron pang 15 minutes before 7:30.
"Nagpagawa ng bahay sila mom and dad malapit lang dito sa school, kung gusto mo sumama ka mamaya sa kin sa house para Makita ka nila mom" yaya ko sa kanya.
"Sige ba. Teka anong grade mo na?" tanong nya sa akin. "Grade 9, section A" sagot ko naman. Mas matanda si Kayden sa kin ng one year so meaning to say Grade 10 na sya.
Requesting every student to get inside your classroom and wait for the advisers. Again requesting every student to get inside your classroom and wait for the advisers. Thank you.
Ng marinig namin and announcement ay naglakad na kami ni Kayden at hinatid nya ko sa classroom.
Music Time.
Nandito kami ngayon sa Music laboratory. Maraming instuments. Piano, guitar, violin and more.
"OK class, I want you to try this different kinds of instrument with your partner so kung sino na lang ang katabi nyo sa sitting arrangement sya na lang ang partner nyo" sabi ng advicer namin so wala akong choice kung hindi si Casper.
We choose the violin. "Hindi naman ako marunong nyan" daing ko kay Casper. "Edi pakinggan mo muna akong tumugtog tapos turuan kita.
Sabi nya at nagsimula na syang mag play ng music.
(Perfect)
Ang ganda ng sound. Hahaha feel na feel ni Casper yung music eh kaya naisipan ko syang kunan ng picture. Nakapikit sya at dinadamdam ang music. When I taking him pictures, I realize na his cute. May itsura sya.
When he was finish to play the violin he smiled at me and come closer. He give me the violin and carry me to stand. Tinuro nya kung paano ang tamang paghawak nito habang nakatayo.
(Casper POV)
Nang tinuruan ko sya sa paghawak ngayon ko lang sya nakita ng malapitan. Maputi, mapupungay ang mga mata at ang ganda ng labi nya. At ang bango nya.
"So paano ba tumutunog to?" tanong sa akin habang inuusisa ang hawak na violin. Medyo napangiti naman ako.
Tinuro ko sa kanya isa isa kung ano ba hahawakan at paano gamitin ang instrument na ito.
(Cheska POV)
Natapos ang klase namin at lunch time na din sa wakas. Habang kumakain ako kinuha ko ang notebook ko para mag aral sa Math. Meron kasi kaming quiz bukas kaya naisipan ko na din na mag aral kasi wala naman ako masyado ginagawa.
Nakaharap ang notebook ko sa mukha habang nakikinig ng music sa earphone. Maya maya naramdaman kong may nakaupo na sa harapan kong upuan dahan-dahan kong binaba ang nirereview ko and as usual. Grrrr
"Hi Cheska, ano binabasa mo?" Casper is here again.
"Nag aaral ako" cold kong sagot.
He suddenly grab my notebook and read it. "Hmmmm, Math ang advance mo naman mag aral" sabi nya habang binabasa ito.
"Speaking of equation, Hey Cheska. Can you replace my X without asking Y?" sabi nya habang nakatingin directly sa mga mata ko.
"Naku Casper tigil tigilan mo nga ako sa mga banat mo" masungit ko namang sagot sa kanya habang naka cross arms. Biglang pumasok sa isip ko si Trisha kaya naisipan ko na ding itanong kay Casper.
"Ahhhm Casper" tawag ko sa kanya. Tinanggal ko ang earphone sa mga tenga ko at umayos ng upo. "Kilala mo ba si, Trisha?" tanong ko sa kanya at biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha nya.
"Ahhh, Trisha? Trisha is my girlfriend kaso kinuha agad sya ni God eh. Masakit lang isipin na—"
*dong, dong, dong
What the Heck.
Hindi nya natapos ang sasabihin nya ng biglang tumunog ang Bell ng Church. Unti unting lumalamig ang katawan ko kaya tumakbo ako agad agad papalayo sa Canteen ng hindi nagpapaalam.
-CHESKA WAIT
Rinig kong tawag sa akin ni Casper pero di ko na sya nilingon.
// hello gaiiss thanks sa mga nagbabasa hahahaha. Sana nagustuhan nyo ang chapter na to. Continue reading and follow me na//
BINABASA MO ANG
The Haunted Catholic School (Complete)
ParanormalBeing inlove with a killer, moster, o kahit ano pa mang tawag sa kanya. kaya ko kaya syang tanggapin sa buhay ko.? FOLLOW ME MGA KA SECRETS