(Cheska POV)
Tumigil ang sinasakyan naming Taxi sa Beach. Malayo itong lugar na ito sa lugar namin. Out of town ata. Pagkababa namin sa Taxi at sumalubong sa akin ang malakas na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Hindi naman gaano madami ang tao sa Beach na ito.
"Wow" bigla na lang lumabas sa bibig ko ang salitang yun dahil sa mangha ng Makita ang ganda nito. Naramdaman kong hinawakan ni Casper ang Kamay ko.
"Let's go" sabi nya at hinila na ko patakbo sa napaka gandang dagat. Ng medyo malapit na kami ay pinigilan ko ang braso nya sa paghila sa akin kaya napahinto sya at hinarap ako.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya.
"To have fun" sagot naman nya.
"Pero—"
"Shhh, wag ka ng KJ" sabi nya sabay takip ng bibig ko gamit ang kamay nya.
Nauna na syang tumakbo sa dagat habang nakataas ang mga kamay.
"AHHHHHHHH!!" sigaw nya kaya napangiti ako at tumakbo na din papunta sa dagat.
***
"Ang ganda no" sabi ni Casp habang nakaupo kami sa buhangin. Nag aalisan na din ang ibang tao dito.
"Oo, sobra" sagot ko naman habang nakatingin sa napakalawak na asul na dagat.
"Me and Trisha go here ones a week" natigilan ako ng marinig ko ang sinabi nya. OMG guilty again.
"Ahh, kaya siguro napaka special ng lugar na to para sayo no?" sabi ko habang nakatingin sa mukha nya na nakatuon ang pansin sa dagat.
"Yah, Tsss it should be our anniversary now. Kaso di na umabot" sabi naman nya. Parang dinudurog ang puso ko dahil sa guilty. Nakaka konsensya kahit hindi ako ang literal na nakapatay sa girlfriend nya parang nakakapag sisi pa din.
"I'm sorry" bulong ko.
"Sorry For what?" sabi nya nakalimutan kong hindi nya nga pala alam ang kalagayan ko.
"Ahhmm, ahhh. I mean sorry kasi naalala mo pa yun. Nalungkot ka tuloy" sabi ko naman.
Napangiti naman sya at hinawi ang buhok ko.
"It's ok, gusto ko kahit wala na sya makagawa pa din ako ng happy memories...... na ikaw na yung kasama" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. His eyes was full of joy and happiness. Tumayo sya at inilahad ang kamay nya sa akin kaya tinanggap ko naman yun at tumayo na. He hold my both hands and he kiss my right hand.
Bigla nya kong hinila papunta sa kanya at niyakap ako. Mabilis ang pangyayari kaya na freeze ako ng niyakap na lang nya ko bigla and then I hug him back at mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sa akin. Kumalas ako sa mahigpit nyang pagkakayakap at tumingin sa wrist watch ko at nakita ko na ang oras ay 4: 23 na ng hapon.
"Tara na baka abutin tayo ng dilim" sabi ko at hinawakan nyang muli ang kamay ko at naglakad na kami papaalis sa dagat.
Pagdating namin sa harap ng house ay isa-isa ng naglabasan ang mga bisita galing sa bahay at ganun din sila Clarisse, Ey-ey, Kayden at CJ. Ng makababa na kami ng Taxi nakita nila kami agad.
"Saan kayo galing?" tanong sa akin ni Ey-ey.
"Wala may pinuntahan lang" sagot ko naman.
"Ahhh nagdate kayo" sabi ni Ey-ey at bahagya syang siniko ni Clarisse.
"Cheska uuwi na kami ha gabi na din eh" sabi ni Kayden dahil dumating na ang sasakyan nilang Van nauna ng pumasok si CJ sa loob. "Sige ingat kayo ha" sabi ko naman at nagwave ng kamay.
Ngumiti sya at bumaling kay Ey-ey. "Gusto nyo na bang sumabay na sa amin?" tanong ni Kayden.
"Hindi kaya na namin ni Ey-ey na—"
"Sige" hindi natapos ang sasabihin ni Clarisse ng bigla na lang nagsalita si Ey-ey.
"Wait, what?" naiiritang sabi ni Clarisse.
Pero hindi sya nilingon ni Ey-ey at sumakay na sa loob ng Van.
"C'mon Clarisse tara" sabi ni Kayden na nasa labas pa din ng Van at hinihintay na pumasok si Clarisse. Napa buntong hininga na lamang si Clarisse bago padabog na pumasok sa Van.
"We go ahead na Cheska bye" sabi ni Kayden at pumasok na sa Van.
Nagpaalam na din si Casper at sumakay na ulit sa taxing sinakyan namin kanina papauwi. Papasok na sana ako sa bahay ng biglang may humawak sa braso ko at sisigaw na sana ako ng nakita ko kung sino yun.
"Finn?" nakakawindang kong tanong at binitawan nya ang braso ko.
"Bat hindi ka pa umuuwi?" tanong ko sa kanya at nakapamulsa naman ang kanyang mga kamay.
"Wala lang, I just want to give this to you" sabi nya sabay abot ng paper bag.
"Ano to?" tanong ko sa kanya.
"Dress, malapit na kasi ang Academy Day then sa gabi nun may Ball so I'm just hoping if......... you will attend" sabi nya at napakamot sa ulo.
Wait Dress? Nag-abala pa talaga sya. Napahinga naman ako ng malalim bago sya sagutin.
"Ano pa nga ba eh binigay mo na to eh, makakatangi pa ba ko" when I say those words napangiti sya at nakita ko nanaman ang cute dimples nya. My god save me. Ang gwapo nya lalo na kapag naka ngiti.
"Yes, sige pasok ka na. Uuwi na din ako mamaya" sabi nya at tumalikod na ko.
"Sandali pala" bigla nyang sabi kaya napatingin naman ako agad ulit sa kanya.
Nagulat ako ng mas ilapit pa nya ang mukha nya sa akin and then he slowly put his lips into mine. H-he... he kiss me.
Dahil sa nakaka shock na pangyayaring yun ay tinulak ko sya.
"S-sige g-good night Finn" dali dali kong sabi sabay sarado na sa gate at tumakbo na papasok sa loob ng bahay and then I heard him say something.
"GOOD NIGHT CHESKA" sabi nya at natanaw ko syang papaalis na. Kumaripas ako ng takbo paakyat sa kwarto ko at sinara ko na agad ang pinto and then I lay in my bed.
"OMG, h-he kissed me" natulala ako sa may ceiling ng kwarto ko at nagfaflashback ang nangyari kanina.
Napakuha ako ng unan at tinakip sa mukha ko.
In that moment napatigil ako,
"W-wait, kinikilig ba ko?" napatayo ako at pumunta sa CR at naghilamos ng mukha. Napatingin ako sa salamin habang humihinga ng sunod-sunod and then Amanda suddenly appear.
"Ayyiiee, nagbablush sya"
Napahawak ako sa pisngi ko at pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko.
"H-Hindi ha"
A few seconds...
"Kinikilig ba ko?" napatanong na lang ako kay Amanda.
Natawa naman sya sa akin at may paghawak pa sa tyan na parang may nakakatawa sa sinabi ko tyaka sya tumigil at tiningnan ako.
"Seriously? Halata naman na kinikilig ka"
Medyo napangiti ako.
"What do you think about Finn?" napatigil si Amanda habang naglalakad lakad at sumeryoso ang ekspresyon nya.
"Look, Cheska....... H-hindi ka pwedeng mainlove"
Sa napaka sayang ngiti ko kanina ay napalitan ng kalungkutan pati na din ang aking mga mata. Oo nga pala hindi ako normal. Hay! baka mapatay ko lang si Finn kapag nagkataon. At ayaw ko syang masaktan.
"Pero kung matatanggap ka naman ni Finn kung ano at sino ka, wala namang masama"
"Sa tingin mo?"
Amanda nodded on me kaya medyo nawala yung kaba ko.
"Smile" sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko at nagtawanan naman kami.
//guysss sino mas bet? Team Casper or Team Finn//
BINABASA MO ANG
The Haunted Catholic School (Complete)
ParanormalBeing inlove with a killer, moster, o kahit ano pa mang tawag sa kanya. kaya ko kaya syang tanggapin sa buhay ko.? FOLLOW ME MGA KA SECRETS