13. New Guy

27 2 1
                                    


(Cheska POV)

Finally half day nanaman kami. Ano kayang pedeng gawin? Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay lumapit naman sa akin sila Ey-ey at Clarisse at nakasukbit na din ang bag sa likod.

"So saan nyo gusto pumunta?" tanong ni Clarisse.

"Teka bago muna tayo umalis dumaan muna tayo sa church may mass kasi dito kapag malapit na ang Academy day" sabi ni Ey-ey.

"Ano Cheska tara" yaya nila pareho pero nagdadalawang isip pa ko. Church hindi kaya ako masunog. Hahahha joke lang.

"Sige tara" sagot ko at sinukbit na ang bag.

Habang naglalakad na kami papapunta sa simbahan ay nag scroll muna ako sa social media. Hmmm sikat nanaman ang Jamill. Ng......

"Ayy sorry Miss" may nabangga akong isang lalaki at nahulog ang cellphone ko. Kaya agad ko itong dinampot akala ko nabasag na.

"Miss sorry talaga di ko sinasad—" natigil sya sa sasabihin ng hinarap ko sya.

"It's ok" sagot ko naman while smiling. "Ahhh, ok, ahhhm- ahh" di nya masabi ang gusto nyang sabihin kaya tinalikuran ko na sya pero sumunod sya sa akin habang papasok ng simbahan.

Tumigil ako at hinarap sya. "Look, Sir I accept your apology na ok so bat mo pa ko sinusundan?" tanong ko sa kanya at napangiti naman sya.

"Sacristan ako dito haha" ng sinabi nya ang mga salitang yun nagmukha ata ako assumera ahh. Napasobra ata kaya d ako nagsalita at hinanap ko kung saan nakaupo ang mga kasama ko.

Nang magsimula na ang misa ay nakita ko ang lalaking nabangga ko kanina. At nakatingin sya sa akin. Siniko naman ako ni Ey-ey at may binulong.

"Nakikita mo ba yung gwaping na sacristan sa may altar?" tanong nya sa akin.

"Sino dyan?" tanong ko naman.

"Yung may hawak ng cross kanina" sagot naman nya at nalaman ko na agad na ang tinutukoy nya ay yung lalaki nga na nabangga ko. Ito talagang si Ey-ey akala ko ba misa ang pinunta bakit sa sacristan naka focus.

"Ahh oo bakit?"

"Sikat yan sa campus bukod sa gwapo ay napaka marespeto pa. Tyaka ito pa basketball player din yan dito the top basket—"

"Shhh, wag kayong maingay" natahimik si Ey-ey sa kadaldalan ng magsalita si Clarisse kaya naman napalayo sya sa akin.

"Sabi ko nga tatahimik na" sagot naman nya at umayos na sa upo.

***

Natapos ang misa at naglalabasan na din ang mga tao mula sa loob ng simbahan. Habang paplabas na kami may biglang tumawag na lalaki sa di kalayuan.

"Hey wait, babaeng may cute bangs" napatingin ako sa paligid at napansin kong ako lang ang may bangs sa kinarorooonan ko ngayon napatigil din sila Ey-ey at Clarisse sa paglalakad at tumingin kung sino ang tumawag na yun. Nanatili pa din akong nakatalikod.

"O My Gosh" namamanghang sabi ni Ey-ey habang nakatulala sa may likod ko.

"Hello I'm Finn" sabi ng boses na kanina ay nasa malayo lamang pero ramdam kong nasa likod ko na. Napatingin naman ako kanila Clarisse at Ey-ey at sumesenyas na humarap sa kanya na eexcite ata sila kaya hinarap ko ang nasa likod ko.

"Finn" sabi nya habang nakalahad ang kamay sa akin. Wait sya nanaman........

"You? Again?" naka cross arms kong tanong sa kanya.

"Yes ako nanaman. Ang gawapong sacristan" sabi nya habang nakangiti. Nakita ko naman ang dimples nya na sobrang cute at lalong nagpa gwapo sa kanya. Wait what? How can I mind the word gwapo. Pewee nakaka suka.

"And you are?" tanong nya sa akin.

"Sa tingin mo sasabihin ko sa isang stranger ang name—"

"Siya si Cheska" pinutol ng dalawang nasa likod ko ang sasabihin ko kaya sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Ahhh Cheska nice to meet you, may pupuntahan ba kayo?" tanong nya sa aming tatlo.

"Alam mo meron sana kaso di kasama" bigla na lamang sumulpot si Casper sa likod ni Finn habang hawak ang balikat nito.

"Oh, dude tapos ka na mag serve?" tanong naman ni Finn kay Casp.

"Hindi ako nag serve sinamahan ko si Clydle na mag choir sa taas kaya di ako nakapag serve. Nawawala kasi yung mga choir members" sagot naman ni Casp.

"So Cheska tara na" sabi ni Casp at hinawakan ako sa kamay at tinangay papaalis at sumunod naman sila Ey- ey at Clarisse sa amin.

"OMG friend. Nag pacute sayo si Finn. Hindi kaya—"

"Tsss, Ey-ey nagpakilala lang binibigyan mo na agad ng meaning" sabat ni Casper sa pagsasalita ni Ey-ey.

"Naku Casper, wag ka ngang bitter. Porket close kayo ni Cheska ayaw mo na ipakilala sa ibang boys" pagtataray namang sabi ni Ey-ey.

Kaya natawa naman ako ng bahagya sa bangayan nilang dalawa.

"Oo nga pala gaiss sa Sunday birthday ng mommy ko at sabi nya invite ko daw kayo. Punta kayo ha" pagiimbita ko sa kanila habang patuloy pa din kami sa paglalakad.

"Yes naman. Invite mo din kaya si Finn" sabi naman ni Clarisse.

"Shhh, kayo talaga di pa naman nya masayadong kilala invite na agad" sabi naman ni Casper habang nakunot ang noo.

"Tche" sabi naman ni Ey-ey.

****

(Carlota POV)

Lumabas na ang resolt ng quizzes namin na pinasa. Nakakahiya ang grades ko. Sa inis ay tinapon ko na lang sa basurahan ang quiz paper na hawak ko at naglakad na. Napag-isip isip ko ang offer sa akin ni Moris.

"Should I try?" tanong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad ako ay nakita ko sakto si Moris na pumasok sa isang bookstore. Kaya sinundan ko sya at pumasok din ako doon.

Habang nagtitingin sya ng mga comics ay sinusundan ko sya ng tingin sa may mga wattpad books. Habang sumusulyap ako ay napapatingin sya sa direksyon ko kaya agad naman akong yumuko. Ng pakiramdam ko ay di na sya nakatingin sumulyap ulit ako at nagulat ako ng wala na sya sa pwesto nya kanina.

"So nagbago na ba isip mo?" halos mag karoon ako ng Heart Attack ng magsalita sya sa may gilid ko.

"Gusto mo ba kong patayin sa gulat?" inis ko namang tanong sa kanya habang hawak ang dibdib.

"Bat mo ba ko sinusundan?"

"Wala lang...... ahhmm...... kung tutulungan mo ba ko sa studies ko anong kapalit" seryoso kong tanong sa kanya habang namimili kunwari ng wattpad book.

"Wala, libre lang. Basta pansinin mo lang ako ok na" ng marinig ko ang mga salitang yun nag flashback sa utak ko ang sinabi nya ng nasa open field kami.

"Kasi may gusto ako sa'yo. Matagal na"

Ano ba yan sa tuwing naalala ko yun parang mas lalong nawawalan ng laman ang utak ko.

"So deal" sabi ni Mori sang inilahad ang kamay sa akin.

"Deal" sagot ko at kinamayan sya.

"So kelan tayo magsisimula?" tanong nyang muli.

"Ahhmm, siguro bukas pwede ba?"

"Saan?" tanong nya.

"Sa house na lang namin" sagot ko naman sa kanya. At sabay kaming lumabas na sa bookstore pagkatapos nyang magbayad sa cashier.

//hello gaiss, sa mga readers thank you and god bless you po. (drama ko) hahhahaha. Shout po sa mga friends ko at sa boong section ng st. scholastic. Continue reading guysss//


The Haunted Catholic School (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon