(Cheska POV)
"Hindi ko na kailangan".
"Pero please naman kahit konti lang. para naman maintindihan mo ko" napaiyak na ko. Humarap sya sa akin at.....
NIYAKAP NYA KO.
Bipolar ba to? Kanina sabi nya di na kailangan ng explanation ko tapos may payakap effect tong mokong na to. "Alam ko na lahat" nagtindigan ang mga balahibo ko sa napaka angas nyang boses. Wait alam na nya lahat? So it means na kaiintindihan na nya ko?
"P-paano?" nauutal kong sabi. Mas hinigpitan nya ang yakap sa akin na akala mo wala ng bukas. His scent, namiss ko ang pabango nya. "Kayden told me already" sabi nya at kumalas sa yakap namin. "Sorry kung di kita binigyan ng time magpaliwanag, napangunahan kasi ako ng galit eh" sabi nya at ngumiti. Hinawakan ng dalawa nyang kamay ang mukha ko.
Jusko Cheska imik imik baka pumanaw. Speechless ako gurl.
"C-casp—oommp" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nya kong halikan. I can feel his soft lips touch mine. Pumikit na lang ako at damang dama ko ang bawat paghalik nya sa kin.
*dong, dong, dong
What the fudge. Kumalas ako sa halik nya. "Casper—"
"SHHHH" yun na lang ang nasabi nya at... tinakpan nya ang mga tenga ko gamit ang kamay nya. Mistulang bumagal ang oras. Tumigil ang lahat sa paligid. Nakatitig sya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. Hindi ba sya natatakot sa akin? Ngayong alam na nya ang lahat.
Ng matapos ang ugong tinaggal nya ang pagkakahawak sa mga tenga ko at hinawakan nya ang mga kamay ko. "Kahit sino o kung ano ka pa. Ang alam ko.... Mahal na kita Chess" niyakap nya ko ulit pero speechless pa din ako. I can feel his heartbeat.
"Mahal na din kita Casp" bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun. At hindi lang yan theres more
"Sinasagot na kita Casp" kumalas sya sa pagkakayakap sa kin at ngumiti sya. "Tyaka na yan kapag Malaya na ang katawan mo laban kay Amanda" sabi nya at hinawakan ang kamay ko sabay naglakad na kami papasok sa gate ng school. Hindi maalis ang sayang nararamdaman ko ngayon. Kung baga sa play station, nakuha ko yung teddy bear sa isang iglap na walang kahirap hirap.
Nakarating kami sa may cafeteria ang pumunta kami sa kinaroroonan ng barkada. Aba nandito na sila? "Hoy, akala ko ba pinapatawag kayo sa MAPEH?" bungad ko agad na tanong kanila Ey-ey at Clarisse pero nagtinginan lang sila.
"Akala naming lulusot ang sinulid sa karayom, palpak pa din pala" biro naman ni Ey-ey kaya nagtawanan kami. Nabaling ang tingin nila kay Casper lalo na si Kayden. "O pano ba yan? Mukhang maayos na ang lahat" sabi naman ni CJ. Umiling naman si Clarisse.
"We still need to convince Kelly at magawa ang ritual and also find the last person" sabi naman nya. Haystt bumalik nanaman yung kaba ko. Nakakatakot na this. "Ano ba kayo dapat good vibes lang" sabi ni Ey-ey at tumayo. "Kahit anong pagsubok malalampasan natin" sabi ni CJ at tumayo din. "Tulong tulong tayo" sabi ni Kayden at tumayo na din. Nagtinginan kami kay Clarisse pero no emotion pa din. Ano ba naman! Baka mamamatay na lang ako hindi man sisisgaw o iiyak.
"Basta magkakasama tayo, makakaya natin to" sa wakas ay tumayo na din si Clarisse. "GROUP HUG!" sigaw ni Casper kaya nag group hug nga kami. Ang saya kasi kahit hindi ako normal, meron akong mga kaibigang nagmamahal sa kin. Gumagabay at hindi ako iiwan kahit ano pa mang mangyari.
WE ARE ONE IN MISSION
(Carlota POV)
Matapos ng nangayri kanina para akong napahiya. Nakakainis naman yung babaeng yun. At tama ba ang nakita ko kanina? Si Casper ba yung humatak kay Cheska? Aba bilog na ata ang buwan ah. Bumait si Casper bigla. Anong nangyari at parang nawala ang galit? Hmm.

BINABASA MO ANG
The Haunted Catholic School (Complete)
МистикаBeing inlove with a killer, moster, o kahit ano pa mang tawag sa kanya. kaya ko kaya syang tanggapin sa buhay ko.? FOLLOW ME MGA KA SECRETS